jump to navigation

Loi Mayo 2, 2008

Posted by Lenggai in Featuring: Ako!, Lipad-isip.
trackback

Pinag-uusapan namin ni Mama nung isang araw ‘yung tungkol sa pag-display ng grad pic sa bahay.

Kaka-gradweyt lang kasi ng kapatid ko, Advertising sa UST. Pangalawa na siya sa mga “tropeo” ng bagong henerasyon ng pamilya Perez.

Ako ‘yung una.

Makalipas ang pitong taon, ngayon lang niya naisipang hingin ‘yung litrato ko. Ipapa-frame daw nila ni Papa.

Natawa ako.

Di tulad ng iba na sa sobrang panalo ng kuha nila eh hindi sila nangingiming ipagkalat ang litrato nila habang naka-toga: sa Friendster, sa resume, sa pitaka, sa ID… ako naman eh kahit pa 19 taong gulang pa lang ako noon, kelangan kong ipa-retake ‘yung grad pic ko.

Ta’nang D’Manila kasi ‘yan! Pinagmukha akong bangkay! ‘Yung una, kamukha ko si Nikki Coseteng… nung pangalawa, kamukha ko naman daw si Loi Estrada. ‘Wag niyong sabihin na wala na sa camera ‘yung problema — may tinatawag tayong makeup, anggulo at lighting sa photography, at marami akong kakilala na nagmumukhang artista, hindi senadora, sa studio shots nila.

At kahit pa sumusuweldo ako sa University paper namin noon, kalabisan na ang gumastos para sa pangatlong bersyon ng litratong wala pang tatlong pulgada ang laki sa yearbook.

Isa pa, parang tinanggap ko na ring mukha akong matrona pag naka-makeup. So, pinagtyagaan ko na si Loi.

At dumaan na nga ang pitong taon, simula nung grumadweyt ako ng Communication Arts sa USTe, ngayon lang naisipan ng mga magulang ko na magpaskil ng litrato ko sa kuwarto nila.

Para raw may paalala sila ng mga bunga ng kanilang dugo’t pawis. Ganun din malamang ang dahilan kaya maraming mga pamilya ang nagdi-display  ng litrato ng mga grumadweyt nilang anak sa sala… bilang katibayan na may narating ang kanilang mga paghihirap.

Kanina, nahalungkat ko ‘yung grad pic ko na mukhang morena version ni Loi Estrada. Itinabi ko ito at inilabas ‘yung diploma ko. Puwede rin namang ipa-frame ‘yun.

Pagkatapos ng ilang minuto, napaisip ako. Saka binuksan ‘yung Camera Album ng telepono ko. Hinanap ‘yung pinakapaborito kong coverage photo.

3.2 megapixels. Puwede na ring ipa-print at ipa-frame.

‘Pag nangulit ulit si Mama… ito ang ibibigay ko.

Heto na ako ngayon… ang bunga ng kanilang mga paghihirap.

Mga Puna»

1. paolo - Mayo 2, 2008

eh kung i-post mo na rin dito para makita ka naman namin.. loi. =P

loi, ampft!

kuuuuu! ang cute mo… lika nga rito sa pilipinas nang makutusan kita… nang personal.

2. wei vines - Mayo 3, 2008

nice.. asteg…

agree ako kay pao..baka naman okay yun?



heh!

3. kengkay - Mayo 3, 2008

oo nga naman, sige na. si kengkoy din proud na proud ha, ayun at naka display ang aking diploma santo tomas sa aming living room — unang unang bumabati sa mga bisita, hahaha

habambuhay na masama ang loob ko sa D’Manila, te keng… at may dahilan kung bakit hindi na sila ang humahawak ng grad pic ng santo tomas ngayon.

4. MisyeL - Mayo 3, 2008

akala ko may makikita na akong litrato na kamukha ni Loi.😀



hnyahahahah!!! asa pa.

5. kurokuro - Mayo 3, 2008

asan na si loi? picture! picture! ipakita ang picture!

panalo ang ending.🙂

“Heto na ako ngayon… ang bunga ng kanilang mga paghihirap.”

isang award-winning producer. naks.

nanalo iyang si lenggai ng international award. batiin nyo!

uy tops! musta ka? long time, no see!

at salamat… kaibigan pa rin kita. nyahahah!

6. kurokuro - Mayo 3, 2008

hahaha. sino nga ang nag-push sa iyo noon bilang researcher?! sino nga? sino? hehe.

for the benefit of the readers here, ang pinay brodkaster ang isa sa researcher ng new York Festivals Gold World Medal Winner ng I-Witness na Boy Pusit.

researcher din iyan ng mga Finalist Commendations mula sa Barcelona International TV Festival at UNICEF Child Rights Award para sa jessicasohoreports na istoryang “Missing.”

at ngayon, may sarili na siyang award. kaso bawal pa sabihin kung ano iyun. sa june pa puwede i-reveal, after maibigay ang award.

i am proud of you, my dear, OLD friend.🙂



OLDER ka pa rin sa akin, literally, kristoffer!!!

at hindi ko naman nakakalimutan ang pagiging mentor mo sa akin… come to think of it, mas mentor ko pa pala kayo ni LJ kung tutuusin kesa dun sa mga inaakala kong mentor ko noon ano?

hindi niyo na kinailangang yurakin ang pagkatao ko para lang matuto ako sa mga bagay-bagay… shet. akalain mo, ngayon ko lang napagtanto yan?!

7. jombee - Mayo 3, 2008

Oo nga agree ako sa kanila..Excited din ako makita si LOi..

…Yung grad pic ko nga nakadisplay sa sala para pantakot sa mga bisita… hehehehe… Ayun effective naman….



pero pag dinisplay ko siya rito, mawawalan na ako ng kredibilidad na sabihing miyembro ako ng EB babes…😦

8. watusiboy - Mayo 3, 2008

wow. researcher ka pala ng boy pusit.

naparami ba ang foundation sa grad pic at nakamukha mo si nikki at loi.

by the way, yung previous comment ko sayo, sa avatar mo kita nakita. kaw yun dba?🙂



nyahahah! ganun ba ako kataba sa avatar ko? ampft!

pero hindi ako mao-offend, talented na babae ‘yung tinutukoy mong kamukha ko.

9. kingdaddyrich ? - Mayo 3, 2008

ay potek. hindi ko ididisplay ang grad pic ko sa bahay!



tumpak!!! magkapanalig tayo, pa-apir nga!!!

10. Lyzius - Mayo 3, 2008

congratz award winning ka! am so proud na ka-blog ko isang award winning na nilalang…asan na yung pic…kakaasar yung grad pic ko naka frame na at naka display sa kwarto namin sa probinsya… buti hindi sa salas nilagay… so yun ngayon ang itinuturong mommy ng bunso ko pag tinatanong kung asan mommy nya…hahaha…me silbi pa rin…



salamat sa pagbati!😀

11. aKDa - Mayo 3, 2008

waw. morenang loi, patingin naman nun… hehehe.

ayokong idisplay ang grad pic ko, kahit pa magtumbling yung pusa sa labas. sobra na nga yung nilunok kong kahihiyan nung idisplay yung family picture namin sa sala, kasi naman, wa poise ako nun. nyahahaha. mukha akong babaeng bakla. ganun. hassle kasi, sana ulitin yung family picture namin. hahaha…

^_^

galeng, pag sinabit yan sa kwarto, tas magkatabi, before and after, o diba? hehehe.



actually, ang magaling kong kapatid ang nagbinyag sa akin niyang loi na yan… imagine kung ipaskil ko rito sa blog ko yan, baka magsolian na tayo ng kandila sa mga babanggitin niyong kamukha ko… hmp!

12. feth101 - Mayo 3, 2008

naalala ko bahay ng lola ko,sa ngayon me apo na sa tuhod kaya simula anak nya,apo at apo sa tuhod me litrato ng graduation.kaya yung isang pader sa bahay parang museum.ang pinagtataka ko lang bakit wala ako dun?ewan ok ,siguro ampon lang ako.hehe.add kita sa blogroll ko ha!!!



sure. add din kita. anong link mo?

13. Maldito - Mayo 3, 2008

oo nga..share mo din ang pics para makapag sabi din kami kamukha mo si loi..ahhehe

isa ka pa… palamukos nga ng abs mo!!!

14. galadriel - Mayo 3, 2008

golly, i love your blog. cute mo sumulat. as in.🙂



golly, maraming salamat, nakaka-touch ka naman!😀

15. fjordz - Mayo 4, 2008

hahaha natawa talaga ako sa linyang ito:

“Ta’nang D’Manila kasi ‘yan! Pinagmukha akong bangkay! ‘Yung una, kamukha ko si Nikki Coseteng… nung pangalawa, kamukha ko naman daw si Loi Estrada.”

hahaha.. sana di ka na-offend hehehe..

wala pang may gumagraduate sa aming magkakapatid dahil ako ang panganay at isang taon pa bago ako grumaduate. Pero, ngayon pa lang, panay na ang parinig nina mama na ayusin ko ang pag-aaral ko dahil ipinagkakalat na nila sa buong angkan namin ang graduation ko next year… pressure… hehehe

<strong>good luck sayo!

di naman ako na-offend kasi… totoo. pakshet sila!!!

16. Jules - Mayo 6, 2008

Uy, D’ Manila din nagtake ng grad pics namin. Yung sa ate ko maganda kase photogenic sya, pero yung sa akin… mas maganda ako sa personal!

me hate d’manila. hmp!

17. gasti - Mayo 6, 2008

wala naman nagsabing pangit si loi estrada ah! be proud kapuso! ahehe!

basta ba hindi mala-madam auring ang itsura mo na nagmumurang kamatis eh oks pa rin yan. idisplay mo na!

ka gasti, wala ring nagsabi na bata pa siya… at 19 pa lang ako nun.😦


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: