jump to navigation

Blessings in d’sky Mayo 4, 2008

Posted by Lenggai in Barag-baragan.
trackback

Sagana ako sa dilig… at unti-unti na akong nalalanta.

Kailangan ko itong isulat para hindi ako tuluyang malunod.

Busog ang panahon ngayon… at ako ay pinagpala.


Pinagpala ako at natatambakan ako ngayon ng trabaho. Hindi lang laman ng ATM ko ang lumalaki, pati na rin ang kaalaman ko sa industriyang limang taon ko nang ginagalawan.

Pinagpala ako dahil mas tumataas ang expectation ng mga boss ko sa akin. Ibig sabihin nun ay napapansin na ang mga pinagpupuyatan ko.

Pinagpala ako at hindi na ako masyadong nakaka-gimik sa gabi. Nangyayari lang naman kasi ‘yun kapag may ginagawa akong istorya sa mga islang walang kuryente at internet. Nakakatipid na ako, mas nagiging masaya pa ang kita-kita namin ng barkada dahil sa dami ng naiipong kuwento habang ako’y wala.

Ilang beses nang sinabi sa akin… “Have a life.”

Sa sobrang busy ko, akala ko’y wala na akong buhay. Mali lang siguro ang paraan ng pagtingin ko.

I have a life, mas siksik nga lang kumpara sa karamihan.

Hindi na ako magrereklamo. Mabuti na ito, kesa sa nakatengga at naghahanap ng kaligayahan mula sa mga taong wala namang kakayahang magbigay sa akin nito.

Ang antok, lumilipas. Ang trabaho, natatapos. Ang istorya, nairaraos.

Pagod lang ito… at salamat sa diyos, pinagpapala pa rin niya ako.

Mga Puna»

1. Lyzius - Mayo 4, 2008

count your blessing ika nga…salamat, mejo tinablan ako sa sinabi mo… ako panay ang whine sa mga negative na nangyayari sa akin so alam ko na ang post ko for today…thanks ha.

i’m glad i inspired you.πŸ˜€

2. fjordz - Mayo 4, 2008

“Mabuti na ito, kesa sa nakatengga at naghahanap ng kaligayahan mula sa mga taong wala namang kakayahang magbigay sa akin nito.”

Ang tunay na dahilan kung bakit ako nagtrabaho, bukod sa pag-aaral, ay dahil nakakatamad ang nakatengga. Madalas din akong sabihang magpahinga naman o mag-enjoy naman. Ginagawa ko rin naman iyon. Ewan ko ba. Parang weirdo ako sa kanila pero pakiramdam ko naman ay normal lang akong tao.

Workaholic? Di ko rin alam. Pag tinamad naman kasi, sobra kong na-a-abuse ang salitang ‘katamaran’. hehehe

iba-iba lang talaga tayo ng konsepto ng “pahinga.” kanya-kanyang hilig lang ‘yan, walang pakialamanan kung paano natin gugugulin ang mga oras natin, di ba?

3. wei vines - Mayo 4, 2008

nice! and yep..you had one..depende lang talaga sa tumitingin =)

amen!

4. libay - Mayo 5, 2008

“ang pagod ay naipapahinga”

Nice entry. Nakarelate ako sa mga sinabi mo.

salamat!πŸ˜€

5. bursky - Mayo 5, 2008

that’s looking into the brighter side of things.πŸ™‚ wish i could be as optimistic… napapagod na din ako eh. at buti ka pa tumataba ang ATM…😦

yung ATM part, positive farming din ‘un… lol!

6. ^_^ - Mayo 8, 2008

mabuti na yan kesa mag-drugs… ^_^

onga naman. ang tipid ng pangalan mo ahπŸ˜‰

7. potsquared - Setyembre 16, 2008

nandito ka na pala lenggai…. ehehehehe… pinagpapala ka talaga.. dahil mabait kang nilalang… astig ka! woohoo!

potsquareds last blog post..pityur.. pityur….

oo nga pot, dito na ako. mas masalimuot nga lang, pero i hope mas masaya.πŸ˜€


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: