jump to navigation

OT Mayo 12, 2008

Posted by Lenggai in Barag-baragan, Boo!.
trackback

Laging sinasabi sa akin ng Papa ko: “Ano man ang mangyari, huwag na huwag mong ikokompromiso ang trabaho mo.”

Kaya nga tinawag ‘yang trabaho… kailangan siyang gawin, ayusin at tapusin… kahit pa matapat ito sa Mother’s Day.

Alam kong medyo masama ang loob ng mga magulang ko sa akin kagabi. Usapan kasi, sabay-sabay kaming magsisimba. Pass na ako sa anticipated mass noong Sabado. Tinatapos ko pa kasi ‘yung tina-timecode ko na segment sa Summer Special ng Public Affairs.

Inurong ang schedule ng family day namin kinabukasan. Maaga ako pumasok para maaga matapos ‘yung editing ko. Bumili na rin sila ng tiket para sa sine… 7:10 pm, Iron Man.

Pero dumating ang 5pm… 4 out of 7 pages pa lang ang natatapos namin. Nagsimba na sila nang wala ako.

6 pm: tapos na ang misa, sabi ko sa pamilya ko, kumain na lang muna sila ng snacks. Ako ang bahala sa dinner. Hahabol ako kay Iron Man.

8 pm: hindi pa rin ako tapos sa editing. Tinanggap ko nang magiging “donasyon” na sa TriNoma ang aking ticket sa Iron Man.

9:30 pm: Parating na sa GMA ang pamilya ko. Gutom na raw sila at hindi pa rin ako tapos. Gusto ko nang madaliin ang trabaho ko, pero special ito, hindi puwedeng mabilisan.

10:30 pm: Natapos din ang ineedit ko. Tapos na rin ang balak naming mag-family day dahil naaaburido na ang Papa ko sa pagkainip. Masyado na rin silang antok at pagod para ma-appreciate ang libre kong dinner.

Ang engrandeng Mother’s day dinner na pinaplano ko, nauwi sa pag-takeout ng KFC. Bakas din sa mukha ng Papa ko ang pagkainis. Pero kahit pa ramdam kong gusto niyang sumbatan ang trabaho ko sa pagiging absent ko sa pamilya… wala siyang magawa…

…ang trabaho ay trabaho at kailangan siyang gawin, ayusin at tapusin, kahit pa matapat siya sa Mother’s Day.

Sa mga ka-blog ko na makakarelate: Happy Mother’s Day!😀

Mga Puna»

1. paolo - Mayo 12, 2008

nakoh! pati samin nangyayari ‘to. ok lang yan, bukas parang wala lang nangyari. =)

happy mother’s day to your mom.



maraming salamat!

belated happy mother’s day to your mom too!

2. Lawrence - Mayo 13, 2008

ok lang yan ,, gawin mo na lang araw-araw mother’s day hindi lang
naman isang araw lang ang pagmamahal mo diba,,

oo nga eh… salamat sa payo!😀

3. Lawrence - Mayo 13, 2008

gaya ng pagmamahal mo sa ??

4. Lawrence - Mayo 13, 2008

work mo!!

5. Lyzius - Mayo 13, 2008

bawi ka na lang next time…hehehe…pamperin mo na lang sila..spa and all

oo nga eh… nakokonsensya tuloy ako…

6. galadriel - Mayo 14, 2008

sensya na, kailangan kong sabihin ‘to. ilang bakasyon, dinner, importanteng event ng pamilya ang di ko sinipot para sa trabaho. pakiramdam ng magulang ko nawalan sila ng anak, dahil puro pangako na lang ang ibinigay ko sa kanila. ang dami kong regrets ngayon.

ka-blog, ang trabaho ay trabaho lang. napapalitan yan. di gaya ng magulang. please don’t let the opportunities pass to show and tell your parents how much you love them. in ten years when your folks are older and sicker or maybe no longer with you (sensya uli sa pagka-morbid), you won’t remember that special but you will remember that you missed out on quality time with your family.



parang gusto kong magpatiwakal…

naku, naalala ko ulit ‘yung nakabibinging katahimikan na sumalubong sa akin pagpasok ko sa sasakyan namin tsaka ‘yung mukha ng papa at mama ko nung pagdating ko…😦

eh kasi naman… wahhhh!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: