jump to navigation

Cool off Mayo 19, 2008

Posted by Lenggai in Barag-baragan, Featuring: Ako!, Good News, Lipad-isip.
trackback

Kailangan mong maintindihan na hindi sa lahat ng pagkakataon, kaya kong magpa-cute para sa’yo.

May mga araw na bruha ako, bakla, palengkera, diyosa, kontrabida, mahadera, anghel, pokpok, drama queen, isip-bata… o kung ano pa, depende na lang kung saang kanto ng kama ako nagising.

Kaya ko ring maging stonefish at tumulala nang ilang oras habang nakikinig sa aking iPod.

Pero hindi ako robot, hindi ko kayang maging matalino at hyper 24/7 para sa iyo.

Tao ako. Live with it.

May barkada ako… at miss ko na sila. May pamilya ako… at miss na nila ako.

Naiinis na rin ako sa kumukulot kong buhok… at kumukupas na pedicure.

Masyado mo nang kinakain ang oras ko. Kinatatandaan na kita.

Pansin ko rin, karamihan na sa mga sinusulat ko sa blog ko, tungkol sa’yo. Baka sabihin na ng mga ka-blog ko, masyado na akong obsessed sa’yo.

Daig mo pa ang boypren… hindi pa man ako nagkakaroon nun pero sa tindi ng debosyon ko sa’yo, kulang na lang pakasalan kita.

Ayoko namang magkatuluyan tayo, masyado nang marami ang nahumaling sa’yo. Marami ka na ring sinaktan. Para kang Muslim sa dami ng iyong napikot. At kahit pa halos ialay na ako ng pamilya ko sa tuwing hinahatid-sundo nila ako papunta sa iyo, hindi nila ako pinalaki parang maging kerida mo.

Pero ayokong dumating ang araw na magkasawaan tayo at bigla na lang tayong magkahiwalay. Matagal-tagal na rin ang pinagsamahan natin… limang taon. Sayang naman kung matatapos sa ganun-ganun na lang.

Kaya nga sa linggong ito, binigyan ako ng boss ko ng tatlong buong araw na pahinga.

Pahinga mula sa iyo at sa mga taong konektado sa’yo.

Sa tatlong araw na ‘yun, huwag kang mag-expect na ikaw ang magiging sentro ng mundo ko. Hindi mangyayari ‘yun.

Saka na kapag bumalik na ako. Kapag tapos na ang break ko.

Mga Puna»

1. kulot - Mayo 19, 2008

hay sarap magbakasyon ano, yung wala ka sa work at walang iniisip na deadline

korak!!!

2. Lyzius - Mayo 19, 2008

ayan, bakasyon bakasyon bakasyon galore na…hehehe…



hay… dalawang araw na lang…😦

3. olan - Mayo 19, 2008

alam mo, relate na relate ako sayo… yun bang para ako yung nagkukuwento ng buhay ko… may mga panahon din kasing naiisip na nag parang umiikot lang ang buhay ko sa mahal ko ngayon na para bang oooooooppppppppssssssssss teka lang puwede bang pahinga muna…. haaaaayyyyyy………. ganyan tlga siguro pag sobrang mahal mo isang tao di ba…. nakakalimutan mong may ibang mundo kang dapat gampanan at galawan… hindi lang mundo niya o mundong niyong dalawa…. may tama ba ako???

yeah… maliban sa isang maliit na detalye… hindi tao ang tinutukoy ko.πŸ˜€

siguro darating din ang panahon na mahuhumaling akong muli sa isang tao, pero sa ngayon, wala pang nakakapagpahinto ng mundo ko. balang araw, makakarelate din ako sa nararamdaman mo. salamat sa pagdaan.πŸ™‚

4. kengkay - Mayo 19, 2008

kilala ko yata yang tinutukoy mo. sige cool off ka muna.

hmm. sino te keng?

5. camilleeee - Mayo 20, 2008

kung kelan masisilip ko ulit mga posts mo, saka ka pala magbabakasyon. teka blog ba itong tinutukoy mo o Lappy yung mo?

ay anu ba. hehe,
ah basta backread ko pa ibang posts mo ha.πŸ˜€



…Lappy yung mo?

hmm. ano yun? hehe.

hindi, sa trabaho lang ako magbabakasyon… bitin nga eh.😦

6. kurokuroko - Mayo 20, 2008

sinetch?



get a clue…

7. kurokuroko - Mayo 20, 2008

ay tangek. trabaho.

8. poychte - Mayo 20, 2008


Pasalamatan magiliw balutin…

Kung ka mangilangan A Blog , subukin sa tumingin “Leoxa.com”
( ang paksa ay pagayon nakatutuwa )

9. emotheraphy - Mayo 20, 2008

Di po ako makakonek…!
Sino yun…?
Pero masarap magbakasyon…!
ate…. visit mo po naman ang web blog ko….
http://www.emotheraphy.wordpress.com
yan po ung URL…
Comment ka na rin po kung pwde….
Thanks po kung pupunta ka…

ok. salamat din sa pagdaan!πŸ˜€

10. kengkay - Mayo 21, 2008

hindi zino de vah? kundo anetch, hay ano ba yan, kagagaling ko lang kasi dun sa bahay ni reyna elena e, haha. welcome back from bakasyon

nyahahah! keri lang yun te keng… tao lang…πŸ˜€

11. emoks - Mayo 25, 2008

as i was reading your blog…. nakarelate ako. yun lang. hehe

salamat!πŸ™‚

12. tina - Mayo 28, 2008

Ahhhhh!
I feel so sad about it. nakakarelate ako.
Mga kupal kasing yan eh, Gusto ata ng trophy na laging pa beauty para lagi silang sikat. Hindi ka nya maiintindihan! Ang artista ibaiba nag role. at minsan inde maiwasan na si Chakadoll ang makuha mong linya.
Sana matanggap ka na nya..
Echos! manghimasok ba>)

ahm… yeah.

13. Lex - Hunyo 12, 2008

sana pwede magbakasyon kahit anong araw at oras mo gustuhin.. minsan nakakapagod din sobrang trabaho… nakakaburn out na lalo na if you don’t enjoyyour job that much or madami mga bitchy people sa workplace.

i enjoy my job alright, but the bitchy people… well, iniisip ko na lang kasama ‘yun sa binabayaran sa akin… part of the package kumbaga.πŸ˜€

14. brainteaser - Setyembre 21, 2008

Hahahahahaha!

Aliw ako sa post na ito. Andaming pwedeng interpretasion kung ano o sino yung tinutukoy mo. Parang tula na parang alam mo ang sinasabi on one layer, pero meron pang ibang layers na nakatago sa imagery.

brainteasers last blog post..Discordant



naks, at dahil dyan sa mga sinabi mo, pakiramdam ko ang tali-talino ko, lol!!!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: