jump to navigation

Post No Spam Mayo 28, 2008

Posted by Lenggai in Barag-baragan, Boo!, Lipad-isip.
trackback

Alam niyo ‘yung feeling sa tuwing nagbubukas ka ng pasalubong?

‘Yung para kang pinapatay sa excitement habang bitin na bitin ka nang makita kung ano ‘yung nasa loob?

Ganyan ang pakiramdam ko sa tuwing ini-email ako ni donotreply@wordpress.com.

Naka-moderate kasi ‘yung mga comment sa blog ko.

Naka-moderate dahil sa tema ng blog ko… at sa trabaho ko, kailangan kong salain ang mga ilalathala ko rito… kung ayaw kong maging “Ang Pinay Bum” ang titulo ng espasyo ko.

Wala pa namang isang taon simula nang maging bisyo ko ang pagsusulat sa blog, marami-rami na rin ang mga nag-iwan ng bakas dito.

Aminado naman akong hayok sa comment kasi nakakaaliw ‘yung fact na me nagtiyagang magbasa ng post mo, tapos nag-e-effort pa silang ipaalam ito sa’yo sa pamamagitan ng pag-comment.

Hindi man ako masyadong nagba-bloghop ngayon dahil nakakatamad tambak ang trabaho, pinipilit ko pa ring bigyan ng panahon ang pagsagot sa mga bisita ko… kahit simpleng “Hehe” lang, pakiramdam ko kasi eh kelangan kong suklian ng courtesy ‘yung thoughtfulness nila.

Kaso minsan, me mga nagco-comment na alam mong spam lang talaga… and I am not even talking about the car insurance shit na sinasala ni Akismet ha.

Ito ‘yung mga taong halatang opening at closing paragraph lang ng entry ang karaniwang binabasa… tapos magco-comment para lang ma-advertise ‘yung link nila. ‘Yung iba nga eh magpapanggap muna na matagal mo nang reader pero kapag nahuli na ang loob mo eh garapal nang magpo-promote ng link nila, o di kaya eh mga entry na hindi nakaka-el… sa utak.

Hindi naman ako madamot sa moment… madali akong kausap pagdating sa pakikipagpalitan ng link. Kung minsan nga, pinapalusot ko na ‘yung mga sumisingit na backlinks (bukod dun sa standard na URL sa name ha)… kung iyon ang paraan para makaramdam ang mambabasa ko na may nakumpleto sa araw nila.

Pero naman… ‘yung bobola-bolahin ka pa tapos sa bandang huli eh mag-aanunsyo ng kung anu-ano… please.

May iba pa na sasabihing avid reader mo raw sila sabay tanong kung saang network ka nagtatrabaho… nakakapikon di ba?

Halos isiwalat ko na ang talambuhay ko rito sa blog at tanggap ko naman kung bihira lang ang magtitiyagang magbasa ng mga epiko ko… kung trip mo ang entry ko… o hindi… sapat na sa akin ‘yung ipaalam mo, ‘wag na tayong magpanggap na BFF dahil mas importanteng malaman ko kung may napulot ka… o wala sa sinulat ko.

Hindi ako nagmamalaki dahil alam kong may mga araw na mas matalino pa ang mga nakasulat sa Freedom Board ng songhits sa tema ng entry ko… may mga pagkakataon din na me mga blogger din akong pinupuri at iniimbita sa tambayan ko… pero kapag sinabi kong naaaliw ako sa’yo, totoong naaaliw ako sa blog mo dahil binabasa ko nang buo ang sinulat mo.

Murahin niyo na ako, laitin, kutyain sa entry ko at hindi ko iyon tatanggalin… pero kung mag-aanunsyo ka lang nang kung anong programa, entry, link o Flickr account na walang kinalaman sa kuwento ko at sa totoo lang… wala naman talaga kaming paki… eh sorry, pero wala iyang puwang dito.

Payong ka-blog… ayusin mo kasi ‘yung mga pinagsususulat mo para naman me dumalaw sa iyo at hindi mo na kailangan pang magpanggap na reader ng kung sinong blog na kinukomentuhan mo.

Habang nagpapasalamat ako sa mga taong nagpapataas ng linya sa blog stats ko, mas mata-touch pa rin ako sa “:)” kesa sa mala-nobelang papuri na walang laman kungdi… hangin.

Oh, at hindi po ako suplada.

Mahirap lang maglagay ng kapirasong utak at puso sa bawat entry… huwag naman sana tayong maging spam.

Mga Puna»

1. kurokuroko - Mayo 29, 2008

wow, ang ganda naman ng sinulat mo. avid reader mo talaga ako. san ka nga nagwo-work?

exchange link tayo naman tayo.

mwehehehe.



ahm. who u?

2. galadriel - Mayo 29, 2008

girl, i love your blog and i’m not linking. haha. chill chill ok?

marami kang sincere fans. wag ka nang magtampo.πŸ˜€



naks, fans! akalain mo?

maraming salamat.πŸ™‚

3. NinaY - Mayo 29, 2008

ako, dakilang tagahanga.. tahimik langπŸ™‚



naks naman… maraming salamat!

4. kengkay - Mayo 29, 2008

kopyahin ko sana yung comment ni tops e, ahahaha – hay girl, daming drama talaga sa blogging mundo. pero pramis, besprend tayo haπŸ˜€



oo naman te keng! ;D

5. neex - Mayo 29, 2008

pero marami parin ang lab na lab ka (ehem! ehem!) wag ka po mag alala.πŸ™‚



ngunit bata ka pa… haha!

salamat…πŸ˜€

6. aKDa - Mayo 29, 2008

waw, di mo lang ako avid fan, super fan mo pa, pero teka, girl ka ba o boy? haha.

ang benta naman nito, ipinagpilitang magcomment para lang ibenta ang sarili.

cool lang. ^_^ whew!



sinabi mo… kanya-kanya talaga tayo ng trip.

7. kulot - Mayo 30, 2008

tama lang talaga yung sinasala mo yung mga comment, or kung ayaw mo naman gawin yan manually, there are some plugins na pwede mo ilagay para sila na gumawa



i’d rather do it on my own, para mabara ko rin sila ng personal… lol!

8. foobarph - Mayo 30, 2008

bulaga! la lang. hehe


πŸ˜€

9. wei vines - Mayo 30, 2008

hmm kung nakikita mo yung wvines/admin dyan sa referrals mo ate..tapos wala naman akong comment sayo… wala lang kasi akong matinong sasabihin eh.. hehehe.. hayun…copypaste ko sana sasabihin ni kurkuro… kaso..pag ginawa ko yun… bakit pako nag comment? lols.

chill lang ^^



haha! ok lang yun. ako rin naman, aminadong lurker… bonus na sa akin kung mag-comment kayo.πŸ˜€

10. Maldito - Mayo 31, 2008

tagahanga mo ako…exchange links naman..ahahha..yan din ang kinabwebwesitan ko..ang panay sabi ng ex links tayu tapos indi lang man nagbasa sa page mo..alam mo na pala ang mga ugali ng tao dito sa bloworld..hay…they just need the lime light..



i don’t really care kung ano ang trip nila, as long as they don’t do it in my site… siguro mas maa-appreciate ko pa kung sabihin nila: “hoy, ngayon pa lang sinasabi ko na, hindi mo ako reader, pero sana lagay mo naman link ko sa sidebar mo, la lang, feeling ko kasi tataas blog stats ko pag nasa BR mo ako.”

11. fjordz - Mayo 31, 2008

halaka.. nagalit sa madame brodkaster!! hehehe…

hindi naman kaya ako iyong nag-aanunsiyo ng link? sa tuwing magcocomment kasi ako parating may nakabuntot na ‘http://hiraya.co.nr’ hahaha

http://hiraya.co.nr

P.S. pasaway talaga e no? spam yan!! hehehe

paranoid!

but your comments make sense, so i’m giving you your moment, and hindi ikaw yun.πŸ˜€

12. chuvaness - Hunyo 1, 2008

nice blog. care to x links? hehehhe

kmusta ka na mama…it’s been a while…

m good… and ngarag, as usual.πŸ˜€

kelan ang next EB! hehe!

13. brotherutoy - Hunyo 1, 2008

nadaan lang. kailangang mag-iwan ng comment kasi etiquette. binasa ko yung post mo ng buo. maayos kang magsulat, miss. may saysay. God bless.

you have manners… nice, sana ganyan din akoπŸ˜€

maraming salamat sa compliment at sa pag-iiwan ng bakas.

14. lilmiz - Hunyo 2, 2008

ay sino kaya yan ahehe.. wag mo na pansinin mga yan, te (tapos ako pala yun no haha).. at malamang hindi na sila magcocomment pagkatapos nila mabasa ang entry na to, sana lang alam nilang sila yunπŸ˜€

haha! hindi naman ikaw yun. and oo, hindi na talaga sila magcocomment… haha!

15. April - Hunyo 2, 2008

Ang galing naman, first time ko dito at nataon na naka-relate ako sa post mong ‘to. I agree dun sa nakakaaliw pag may nagbabasa sa ‘yo tapos mag-cocomment. Hehe. I-boobookmark kita para makabalik ako ulit dito at makapagbasa pa. Don’t worry walang exchange links, for now. Hehehe!

ok lang no!

salamat sa pagdaan.πŸ™‚

16. taroogs - Hunyo 2, 2008

ako naman, kapag nakakatanggap nung “donotreply..| na yun, napapa-ngiti involuntarily. hehe… bihira kasi ang dalaw sa blog ko. pero kapag pinuntahan ko yung dashboard at sa “spam” folder nakapasok yung bagong dalaw… boysit agad😦

korek! napapangiti ka kasi at least, some people care.πŸ˜€

17. gmirage2 - Hunyo 18, 2008

Minumura kita, kinukutya kita at nilalait ko itong entry mo! Saya ka na? hehehe.

Matindi tong sinulat mo pero totoo naman, mababasa mo kasi yan sa tips to gain more traffic for your blog kaya madaming gumagawa…

pwes wag nilang gawin sa blog ko kung wala silang matinong maico-contribute… hmp!

18. random stupid - Hunyo 21, 2008

SPAM recipe

12 oz can SPAM – cubed 1/2″
4 eggs
1 small onion chopped
2 cups whipping cream
1 small green pepper, chopped
1 tbsp all-purpose flour
1 small tomato, chopped
4-oz can diced green chiles
2 cups shredded Cheddar cheese
1/4 tsp garlic powder
8 7″ flour tortillas
Picante sauce

19. gmirage2 - Hunyo 24, 2008

ehehe hayaan mo na nga, wag mo na lang i-visit lol.

20. Colegialagirl - Setyembre 18, 2008

Maganda itong topic mo tungkol sa spam. kaya nga may portion ang blog para sa mga comments para makipagpalitan ng kaisipan sa ibang mambabasa sa topikong nakaposte. Matagumpay ang isang blog hindi sa dami ng mga hits kundi sa dami ng mga magagandang kaiisipan na napupulot mo at nagagamit kung kakailangin. Matagumpay din ang isang nag-iwan ng comment kung ang kanyang sinabi ay napakinabangan ng iba. Pero dahil hindi magkakaiba ang pananaw natin sa buhay hindi rin maiiwasan ang salungatan. Pero sabi nga ng isang kusinero, complications lead to simplification. And simplification lead to knowledge and understanding. Ito ang dahil kung bakit tayo nagpapalitan ng mga kaisipan sa mga blogs.

Colegialagirls last blog post..Philippine Reality Show sa Television, It’s the Real Thing

ang lalim…πŸ™‚

salamat sa pagdaan… looking forward to more palitan ng kuro-kuros soon.πŸ˜€


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: