jump to navigation

Frienemies Hunyo 7, 2008

Posted by Lenggai in Barag-baragan, Boo!, Featuring: Ako!, Lipad-isip.
trackback

Una sa lahat, nagpapasalamat po ako sa biyaya ng kadaldalan na ipinagkaloob mo sa akin… dahil dito, marami na po akong naging kaibigan… may puhunan pa ako para kumita nang may limang numero kada kinsenas.

Maraming salamat po at dahil sa kati ng paa ko, nagkaka-resistensya akong tumagal sa mga biyaheng iniaatas mo kada linggo sa akin.

Maraming salamat din po dahil hinaplos ninyo ang puso ng boss ko para payagan niya akong mag-leave sa susunod na linggo.

Marahil alam mo na po kung bakit kahit pinahintulutan mo na akong umuwi nang bago maghating-gabi mula sa editing… nagawa ko pang dumaan sa bar, uminom ng pitong bote ng SMB at makinig sa bandang me bokalistang lalaki na pagka-astig-astig ang boses sa tuwing kumakanta ng hits ng U2 at Tears for Fears.

Salamat po dahil kahit papaano… napangiti mo ako.

Nitong mga nakaraang araw kasi, medyo bihira na po akong napapangiti ng mga tao sa paligid ko.

Nawa’y pagkalooban niyo po ako ng mas mahabang pasensya para tiisin ang topak ng mga taong minsan ay itinuring kong kaibigan… alam mo namang mahirap pasukin ‘yung giyerang walang pinagmulan.

Alam ko naman pong may dahilan kung bakit mo sila inilayo sa akin… ang sa akin lang, puwede po bang malaman?

Mga Puna»

1. kengkay - Hunyo 7, 2008

basta ako alam ko pangalan mo, ikaw si lovely lenggai๐Ÿ˜€ cheer up dear girl, minsan may mga ganyang tampuhan; minsan may mga ganong tampuhan, minsan ganyanan lang talaga pero minsan ganunan, alam mo yun? kung nakakalito man, pasensiya ka na at kulog at kidlat kami ngayon e๐Ÿ˜€ enjoy your leave!



salamat te keng! ganyan talaga… at least alam ko na kung sino ang mga ganun-ganun lang.๐Ÿ˜€

2. A Z R A E L - Hunyo 8, 2008

ang mga taong ‘yon ay inilayo sayo, para magkaroon ka ng mas malawak na pananaw sa buhay, at mas malinaw na pagtingin sa iyong kapaligiran.. kung hindi sila ilalayo sayo, laging sila lang ang iyong pagtutuunan ng atensyon at hindi mo bibigyan pansin pa ang mga taong sa pag-aakala mo ay “wala lang”, pero ang totoo, eh sila pala ang dapat mong pinakikisamahan at pinag-uubusan ng oras at pagmamahal..

mga taong tulad ko..

wala lang. ganun lang. bwahahahaha!

taena lenggai na-miss kita ah!

az! missed you na rin! tagal mong nawala ah. how have you been?

tama ka, madalas nagkakamali ka sa mga taong pinagtutuunan mo ng pansin… pero naman, magtigil ka, hindi ka “wala lang!”

salamat sa pagbisita!

3. lyzius - Hunyo 8, 2008

halu kapatid…nasa pinas na ako..sana mameet ko kayo!

sure, when? i’m good until wednesday… i’ll be in hybernation starting thursday.๐Ÿ˜€

4. tapsiboy - Hunyo 9, 2008

frienemies…

oh well.

yeah… well…

5. taroogs - Hunyo 9, 2008

sabi nga ng nagsabi (kung sinuman siya uli)… “God gave us our friends to test us… the same way He gave us to our friends to test them.” hala… andaming tests… magpapasukan na kasi uli. heheheh๐Ÿ™‚

oo nga… at marami ang bumabagsak! lol!

6. tina - Hunyo 9, 2008

la lang po. napadaan lang. tayo pede maging frend. hehehehe. para next tym masabi nyo rin po na.
salamat sa kakablog ko nameet ko si ultim8 frend. lol

naks, pang-super hero ah! lol! nice to meet you, ultimate friend. hehe! salamat.๐Ÿ˜€

7. random stupid - Hunyo 21, 2008

Dont’ forget, “A” strong arm can carry the weight of the world. In your case… showing the arms will do just fine.

Hahaha! Sino ka? Harold?! Damn… malaki pa rin ang braso ko!๐Ÿ˜ฆ


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: