jump to navigation

Isang pagkaklaro Hunyo 11, 2008

Posted by Lenggai in Boo!, Featuring: Ako!, Lipad-isip.
trackback

‘Eto ang masaya sa internet: basta me malikot kang imahinasyon at medyo mahilig kang magsulat… puwede kang magpanggap na superhero at walang magkukuwestiyon sa kredibilidad mo

Basta matapang ka o di kaya eh magaling kang mag-project na sexy, chickboy o bastos sa cyberworld… ang tingin sa’yo ng tao: diyos.

Actually, kaya ko ring gawin ‘yun.

Makuwento ako at kahit pa umaalon ang bilbil ko, kaya kong kunan ang sarili ko sa mga anggulong tiyak na magpapakiliti sa imahinasyon ng mga pogi kong mambabasa.

Pero hindi kakayanin ng ego ko ang sobrang papuri… lalo na kung hindi para sa akin.

Kaya nga madalas, buong araw ako kung magsulat ng entry.

At marami na rin akong entry na na-publish… at binura.

Dalawa ang dahilan:

1. Ayokong mawalan ng trabaho.

2. Masyado nang personal ‘yung sinulat ko.

Tulad nung nakaraang entry ko. ‘Yung tungkol sa pagiging lampa ko nung grade school.

Marami pa sanang kasunod na kuwento ‘yun pero tutuldukan ko na. Irereserba ko na lang kapag close na tayo.

Ewan kung me batas na nagsasabing inaabuso ang mga batang pinalaki na gumagawa ng bahay ni Barbie gamit ang Lego bricks… ngayon pa lang, nililinaw ko na: mayaman kami at MASAYA ang childhood ko.

Ok. ‘Yung unang sinabi ko eh kayabangan na.

Pero sa totoo lang, kahit pa pagsamahin niyo ‘yung school bullies at ‘yung pagiging emo ko noon, masasabi kong lumaki naman ako ng normal.

Ewan ko ba kung bakit naisipan kong ikuwento ‘yung parte na ‘yun ng buhay ko. Pakiramdam ko kasi poetic ang dating kapag isinulat ko siya in English.

And yeah, I was in the mood to write my thoughts in English.

Now what?

Hindi ko na nga naituloy, ipinabasa ko kasi sa kapatid ko at sabi niya, walang dating ‘yung entry.

Gusto ko namang burahin, pero nanghihinayang naman ako sa mga comment, lalo na ‘yung kay SEXY ADMIN, nakakaaliw eh (oo, self-centered ako, I love people who love me).

Pero ang tunay na dahilan sa pag-intro ko ng aking munting drama sa buhay eh ‘yung article ng Reader’s Digest tungkol sa Cyber Bullying.

Totoo iyon at sa halos isang taon ko nang aktibo sa blogosphere eh masasabi kong kahit dito sa Pinas… nangyayari ‘yun.

Gusto kong gawan ng mas matalinong paghihimay ang paksang ito, pero wala na nga ako sa mood.

Alam ko namang alam niyo na rin kung saan tutungo ang mga sasabihin ko, na kesyo gagamitan ko lang ng matalinhagang title ‘yung entry para magmukhang intelihente ‘yung atake ko.

Bigla-bigla, nawalan ako ng ganang palawigin pa ‘yung topic. Siguro mas maganda eh i-click niyo ‘yung binigay kong link para mabasa niyo ‘yung article na umantig sa akin ngayong bakasyon.

Napansin ko rin, hindi lahat ng dumaraan sa espasyo ko eh hitik sa iodized salt noong formative years nila.

Suwerte niyo at hindi ko kayo nakikita at bad trip dahil hindi kayo rumerehistro sa MyBlogLog ko.

Binuo ko ang blog na ito para maging parausan ng nag-uumapaw na mga nilay-nilay sa utak ko.

Kung may mga pariringgan ako… at kung itinuturing ko naman silang kaibigan, eh hindi ko kailangan ng blog ko para iparating ang mga nais kong sabihin.

…maliban na lang kung hindi sila nagbabasa ng blog ko.

Tulad halimbawa ni Jon. Kaibigan ko ‘yan at ilang beses na kaming nakapagbatuhan ng papuri sa isa’t isa sa blog namin, pero sa hindi malamang dahilan, eh nagugulat ako kung bakit napagkakamalang dedication sa kanya ang ilang entry ko.

Kung may problema ako sa kanya, malamang eh tinext ko na lang siya. Alam ko naman ang number niya. At sikat na siya masyado para gawan ko pa ng entry… at alam kong hindi siya bakla… at ayokong bumaba ang respeto ko sa kanya oras na tirahin niya ako sa blog niya.

Kung may mga minumura man ako o pinanggigigilan, sisiguraduhin ko nang hindi ko sila kaibigan… at hindi ko sila mambabasa.

Bakit? Dahil naniniwala pa rin akong malaking katangahan ang maghamon ng away lalo na kung puwede itong gawing ebidensya para mapatalsik ka sa trabaho.

Kinakarir ko rin ang blog na ito, hindi dahil wala akong kaibigan.

FYI, marami akong kakyawkyawan. Hindi mahirap para sa akin ang maghanap ng kainuman o kasamang manood ng sine kapag na-dedepress ako… pero ang realidad, bilang sa daliri ng kamay ko ang maituturing kong tunay na kaibigan

At ok lang sa akin ‘yun. In fact, ipinagmamalaki ko iyon.

Marami ring nakalista sa YM ko, pero hindi ko sila kinakausap.

Suplada talaga ako.

At namamansin lang ako kapag pinansin mo ako… sa YM.

Suma total: hindi ko ugaling gawing blind item ang mga nasa blogroll ko kaya tantanan niyo na ang pag-iinterpret ng mga hidden message sa mga isinusulat ko.

At hindi ko rin kailangan ng blog para makumpleto ang pagkatao ko.

Masarap siyang bisyo at OK siyang paraan para makakuha ka ng ibang perspektibo, pero oras na patayin ko ang laptop ko, sigurado pa rin akong ‘yung Lenggai na nagkukuwento sa blog at ‘yung A! na matakaw at madalas bangag sa puyat sa opisina eh iisa.

P.S. Sa mga tatamaan ng post na ito, wala kayo sa blogroll ko, hindi ko kayo kaibigan, and frankly, wala akong pakialam.

Mga Puna»

1. fjordz - Hunyo 11, 2008

Ang taray hahahaha.. puso mo po.. hahaha…

suplada ka nga hahaha..

oo. lalo na kapag ginagawa akong conversation piece.

2. kengkay - Hunyo 11, 2008

mabuti na lang asa blogroll mo ako (silip mode). nood na lang tayo ng sineπŸ˜€

ge te keng, pero wag na marianne rivera. john lloyd at bea na lang. lol!

3. kingdaddyrich - Hunyo 11, 2008

hala, anong nangyayari?

wala naman. just one of those days.

4. kurokuroko - Hunyo 11, 2008

sino ito ate? sinong nang-aaway sa iyo? awayin natin? hehehe.

hay naku tops. pagbalik mo.

at pasalubong.πŸ˜€

5. Jon Cabron - Hunyo 11, 2008

klaruhin ko lang din
tungkol sa comment mo kay kengks
it’s “marian” rivera at hindi “marianne”
tnx

…and i thought twas mHarrianne…😦

6. MisyeL - Hunyo 12, 2008

buti nasa blogroll mo pa ako… sino yang mga yan sis? sabihin mo ng maresbakan!

nah. i’m pretty sure i can handle them very well. salamat ‘te!πŸ˜€

7. SEXY ADMIN - Hunyo 12, 2008

“Gusto ko namang burahin, pero nanghihinayang naman ako sa mga comment, lalo na β€˜yung kay SEXY ADMIN, nakakaaliw eh (oo, self-centered ako, I love people who love me).”

awww… thanks. naaliw din ako. but you can always delete it if that’s what you really want. di naman ako magsasawang sabihin na idol talaga kita. and just like you, i love the people who love me, even moreπŸ™‚

you take care always.

you make me smile. maraming salamat!πŸ™‚

8. Lex - Hunyo 12, 2008

wow astig to ah! First time ko nakagawi dito sa blog mo pero nakakawili magbasa.πŸ™‚ sana pagbalik ko masayang entry naman! God Bless!

may mga happy entries naman ako ah?😦

nway, nahiya naman ako bigla, kung kelan ako galit saka ka naastigan… pero di ko ‘to buburahin…πŸ˜€

maraming salamat sa pagbisita!

9. junanteola - Hunyo 13, 2008

hala! anong kadramahan ito?πŸ˜€

hayyyysss…

10. wei vines - Hunyo 13, 2008

(napasilip sa blogroll)

ok naman yung childhood post mo ah?akshalli, natuwa ako kasi hindi lang pala ko yung kinawawa nung grade 3 ^^

hmp! sabay bawi!

hehe. don’t worry, bati tayo.πŸ™‚

11. Jim - Hunyo 13, 2008

πŸ˜€ katuwa reaksyon mo ate, I can see your smoking nose, hinay lang… lilipas din yan, kulang lang sila sa pansin–pinatulan mo tuloy… tanungin mo kung ilang beses na silang na-BOTD?! (oh ha?!!) LOL!

lol!

12. random stupid - Hunyo 21, 2008

Hindi ko na natapos yung entry mo dito dahil mahaba para sa eyes ko. So what’s the deal sa pagiging lampa mo nung grade schoool? (Don’t tell me hindi tayo naging “close”). Pansin ko lang na si SEXY ADMIN ay avid fan ng blog mo dahil lagi syang meron comment (not sure kung every entry). And one more thing, posting an entry is not about winning awards or garnering readers like some magazine (not unless you’re getting paid for blogging) but rather expressing yourself in cyberspace. So “A” be “A” and don’t every be “X”,”Y” or “Z”. P.S.: If you’ve read the name then ignore the comment.

—-

nah. minsan lang siya mag-comment, nagkataon lang na magkakasunod ‘yung entries na may comment sya… nway, don’t worry, i won’t be a walking ad blog… at least, i’ll try not to… there are just some things that piss you so bad that you just need to let out some steam…

13. Lambing - Hulyo 9, 2008

napadaan lang poh.. =)



salamat sa pagdaan!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: