jump to navigation

Ulo ng mga balita Hunyo 18, 2008

Posted by Lenggai in Boo!.
trackback

Ngayon alam ko na kung bakit noong maliit pa ako, hindi ako masyadong pinapabasa ng tabloid ng Papa ko…

Isang dalagang sales assistant ang nawasak ang kinabukasan makaraang gahasain ng patayo ng kanyang kainuman na sinamantala ang kanyang kalasingan kamakalawa ng gabi sa (some city).

Iika-ikang dumulog (Bwahah! Ahm… sori na!) sa tanggapan ng Women’s and Children’s Concern Desk (WCCD) ng (some city)-PNP, ang biktimang itinago sa pangalang “Grace”, 22 anyos ng (insert complete address here — si Kuyang Reporter talaga! Hindi nga sinabi ang pangalan ng biktima, ipinaskil naman ang buong address… where’s the freakin’ logic in that?!)

…naganap ang panggagahasa dakong alas-9:45 ng gabi sa bahay ng lola ng suspek sa (again, insert complete address of Lola here. Sa totoo lang, nagsisimula na akong magduda kung concerned ba talaga si Kuyang Reporter sa confidentiality ng biktima…).

Nagkayayaan umano silang mag-inuman ng kanyang kaibigan kasama ang live-in partner ng suspek na kinilalang si (totoong pangalan ng ka-live-in), isang alyas Reign at isang alyas Jomer na suspendido sa kanyang trabaho at dahil walang ginagawa ay kaagad siyang sumama.

Nang nagkakalasingan na ay nakaramdam na siya ng pagkahilo at pagsusuka at sa kanyang pagtayo ay inalalayan siya ng suspek patungo sa banyo kung saan doon ay pinaghihipuan siya sa maseselang bahagi ng kanyang katawan.

Dahil sa sobrang hilo at kalasingan ay wala na umano siyang nagawa nang hubaran siya ng suot na pantalon, panty at bra kung saan dinede pa umano ng suspek ang kanyang suso.

Matapos na mahubaran ay pilit umanong ipinasok ni suspek ang ari nito sa kanyang ari kung saan pinatalikod pa siya at pilit ding pinasok ang kanyang puwet at muling ibalik ang kanyang ari. (<—WTF?!!!)

Nang makaraos na umano ang suspek ay tinulungan pa siya nitong isuot ang kanyang mga damit at inalalayan pang lumabas ng banyo subalit hindi na niya nagawang sabihin sa kanyang mga kaibigan na binaboy siya ni suspek kung saan tumuloy na lamang siya sa himpilan ng pulisya kasama ang ilang kaanak upang pormal na magsampa ng reklamo.

Verbatim yan.

Maliban na lang sa mga pangalan at address ng mga taong concerned.

Ewan ko ba.

Ayokong mag-comment masyado dahil may mga kakilala akong nagtatrabaho sa tabloid.

Iniisip ko tuloy, paano kung kakilala nung writer ‘yung biktima? Ganito pa rin kaya ang pagkakasulat niya sa article niya?

O di kaya, paano naman kung ako ang makakakuha ng report na ‘to?

Hmm.

Mga Puna»

1. Jon Cabron - Hunyo 19, 2008

dapat yang writer na yan ang tinitira sa pwet gamit ang matalas na samurai na inilubog sa isang drum ng nana ng mga may STD sa olongapo.

…tapos pagkagaling sa pwet, imbes na punasan, ipapasubo sa kanya ‘yung samurai para malinis…

2. SEXY ADMIN - Hunyo 19, 2008

‘di nga dinisclose ni manong reporter yong pangalan ng biktima, may mga additional personal information naman na binanggit na pwedeng pagkakilanlan sa kanya (tama ba tagalog ko? sorry po ilokano ako haha 😀 )..i’m not into news writing, pero ganoon ba talaga kadetailed dapat ang pagkakasulat nya? >> “ipinasok ni suspek ang ari nito sa kanyang ari kung saan pinatalikod pa siya at pilit ding pinasok ang kanyang puwet at muling ibalik ang kanyang ari.” im sure may mga mambabasa rin namang naentertain sa nabasa nila😀

for sure, entertainment nga ang habol ng writer. kung professional news writer siya, ‘yung mga ganun ka-graphic na detalye eh hindi na dapat sinasabi.

ang sa akin lang, hindi na sana niya dinisclose ‘yung real address and names ng ibang involved. para lang yan sa tv, tinago mo nga sa ibang pangalan yung biktima, pero hindi mo naman binlur yung mukha, so wala ring sense (pero pramis, it happens…).

3. watusiboy - Hunyo 19, 2008

parang erotica lang. idinetalye talaga ang pangrerape.

nung una ngang nabasa ng kapatid ko ‘to, napangiwi siya eh. to think na headlines pa ito ha.

4. bursky - Hunyo 19, 2008

no wonder Xerex went into hibernation. who needs conjured stories when the news is already good enough? tsk… mukhang kapitbahay lang yung writer ah? hay naku…



kung kapitbahay to, malamang dinumog na sa eskinita ng pamilya ng biktima yung writer. walang ka-ethic-ethics eh!

5. koreanmine - Hunyo 19, 2008

parang naging katatawanan pa tuloy yung sinapit nung biktima dahil sa paraan ng pagkakasulat ng balita . . kaya nagpunta sa pulisya para makakuha ng hustisya tapos parang lumalabas , karagdagang pag lapastangan pa ang nangyari . . .

ohwel, wala na c daboy, pero sasabihin din kaya ng reporter na yan na “trabaho lang, walang personalan” ! ! !



sa totoo lang, guilty rin ako dyan, kasi nung una kong nabasa ‘yung article, natawa ako. nung pangalawang pasada ko, saka lang nag-sink in sa akin ‘yung pambabastos na ginawa sa victim nung reporter. kaya nga i thought of blogging about this, and i’m glad i’ve gathered sound reactions from my readers. ibig sabihin, hindi pa ganun ka-lost ang morals natin sa mga isyung ganito.

6. kulot - Hunyo 19, 2008

walang pasintabi a! brutal magsulat si mamang reporter, nakakarimarim talaga ang kanyang mapusok na utak

more on: makitid at walang respetong utak.

7. kurokuro - Hunyo 19, 2008

alam ko kaya nawala si xerex sa abante ay dahil naging born again christian ang may-ari ng abante.

re: article, it’s typical tabloid news. baka nga di pa totoo iyan. mahilig gumawa ng mga fictional news stories ang mga tabloids.

kaso may mga details such as complete addresses and names ng suspect and ‘yung gf niya. i hope this is fictitious, kasi kung hindi, malamang nga eh nawawalan na ng morals ang mga tabloid writers natin. i am talking about the writers ha. hindi naman kasi porke tabloid ka, kelangan maging basura na rin pati ang sarili mong pagtantya sa balita.

8. taroogs - Hunyo 19, 2008

parang adaming karapatan nung biktima ang binale-wala. dapat kasuhan yung reporter na ito, pati na rin ang kanyang editor at publisher! these people give investigative journalism a very baaad name😦

tama ka ka taroogs… and to think nasa frontpage pa siya ha!

9. Jon Cabron - Hunyo 19, 2008

kurokuro Says:
June 19, 2008 at 4:35 pm

alam ko kaya nawala si xerex sa abante ay dahil naging born again christian ang may-ari ng abante.

—–> sinabi ko kay lenggai yan at tinawanan nya lang ako.

naniwala naman ako ah?!

10. wei vines - Hunyo 20, 2008

naks! parang bumabasa lang ako ng pantasya.com ah..:lol:

napaghahalata…

11. kengkay - Hunyo 20, 2008

alam mo dito, kahit anong ka cheapan pang newspapers, hindi nila sinasabi yung pangalan; kahit pa nga big news accidents pa e. tapos yung mga anak nung mga artista, parating may naka-cover o blurred ba yung pictures kasi nga respected nila privacy kahit sa mga bata. mantalang dyan sa atin, kadiring kadiri na talaga e, paskel pa talaga. am sure kilala ni reporter yang mga tao dyan sa istorya nya at galit sya dun kaya naman ganyan takbo… o baka yung editor ang galit, hahaha



pero alam mo te keng, would you believe, mild pa tayong mga pinoy pagdating sa ganitong mga bagay? i mean, pagdating sa pakikipagbastusan sa mga case studies na iinterviewhin ha. may ginawa kasi akong story before tungkol sa mga paparazzi, sabi nung resource person namin, unlike sa america na talagang garapalan. sa atin daw eh wala gaanong paparazzi, kasi tayong mga pinoy, pikon daw. kapag me binaboy kang tao, mabilis tayong rumesbak, and may mob mentality rin tayo na kapag me naaapi, pagtutulungan. considering that analogy, i’m wondering kung nakuyog na ba si kuya reporter ng pamilya nung biktima?

12. kengkay - Hunyo 20, 2008

uy, kilala ko kung sino ang tunay na xerex😀 pero di ko sasabihin, kapag pinilit ako, baka..hmm



hindi ba’t maraming ghost writer si xerex, te keng? me natatandaan kasi akong kakilala na coach noon, writer din siya sa tabloid, sabi niya, siya raw si xerex… now, kung sasabihin mo sa akin kung sino ‘yung kakilala mo, baka magkatugma tayo… lol!

13. Geisha - Hunyo 20, 2008

pootah! sino yang reporter na yan! patayin natin! hayuuufffffffff



sa cubao ang opisina nila. hanggang dun lang ang masasabi ko. ayokong maging mitsa ng kanyang pagka-salvage. lol!

14. Maldito - Hunyo 20, 2008

ahahaha..indi ako natawa sa nagawa sa biktima pero natawa ako sa title…paksyet naman na reporter o..ahaha.

bastosan din naman pala ang balita eh..malaman bastusin din ang gumawa .

teka, nagtapos ba ng masscom ang nagsulat nyan?



pakshet din ang editor. malay mo, siya pa ang nagbansag niyang title na ‘yan.

nakakalungkot kasi nalilimitahan ang mga maliliit na tao sa ganitong klase ng babasahin. kaya tuloy ang kitid din ng perspective ng mga class C at D natin, kasi ganitong klase ng mga balita ang fini-feed natin sa kanila. malas lang talaga kasi marketing tactic ito at you cannot really expect tabloids to be intellectual.

15. didee - Hunyo 20, 2008

hanuhbayan… kung siya kaya ang ginahasa ng nakatayo at ganun ka graphic ang pag report ng nangyari. tsk tsk.

Sana sinibak na yang reporter na yan… kasi nawawala yung point ng balita dahil sa mga unnecessary details na pinaglalagay nya.

And dba even tabloids have editors? At fault rin yung editor ng paper kasi di man lng na screen yung article ng writer.

hay naku… kung kamag.anak ko yung victim pinalapa ko na yang reporter na yan hehehehe😀

mas malaki ang kasalanan nung editor… for all we know, siya pa ang gumawa ng headline na ‘yan…

16. repah - Hunyo 20, 2008

grabe bat maxado namang detalyado ang pagkakasulat na yahn… panu kong may nkabasang menorde edad tulad ko.. heheh



hindi ako naniniwala!

17. Jon Cabron - Hunyo 21, 2008

medyo OT pero gusto ko lang sabihin na napakababoy nung sagot mo sa comment ko. tnx.

…at kelan ka pa naging maselan?!

18. random stupid - Hunyo 21, 2008

BWAHAHAHAHAHAHAHA!!!! I thought the xerex series was inside the pages. Conspiracy theory: Baka naman si kuyang Reporter eh dapat kasama sa “inuman” pero hindi dahil maglalaba pa sya at naging bitter kay victim.

puwede…

19. fjordz - Hunyo 23, 2008

hanep! ayos din yung news writer! lahat ng facts na nakuha idinitalye! adik! At hindi ko rin makuha ang logic na iyong news niya ang ginawang headline.. wala na bang matinu-tinong balita? O sadyang ganun lang talaga pag tabloid.. o sadyang di lang talaga ako maalam sa format ng tabloid…

http://hiraya.co.nr

sa ano mang balita, naniniwala ako na ang mga detalyeng ganyan eh hindi na dapat isinusulat. totally unnecessary details can make news as sensitive as this trash.

20. miss choi - Hunyo 23, 2008

Ilang salitang kadalasan kong nakikita sa mga tabloids na nadadaanan ko sa cubao (parang required ata to sa writers nila):
“wakwak”
“biyak”
“nene”
“bulagta”

ewan ko kung bakit ganun ang choice of words.

pakiramdam kasi ng mga ‘yan, iyon lang ang mga salitang naiintindihan ng mga mahihirap, parang mas bulgar, mas maiintriga ang masa… tuloy, nabobobo ang mga hindi naman talga bobo. pinanindigan na nila ang pagiging tabloid. kaya nga hanga ako sa ibang mga tabloid na me utak.

21. hitokirihoshi - Hunyo 30, 2008

may tema ang balita… sensationalize… na ini-emphasize yung part ng rape…and yong diction talagang makata sa pagkarimarim…hindi naman lahat ng tabloid ganyan… kaya nga lang karamihan ay ganyan ng gingawang trend… alam nyo bang may dictionary na ang mga tabloid… medyo kailangan din natin ata yon… lalo na kung bago ka sa pagbabasa ng tabloid…” kelot binoga ang isang bebot dahil sa kikiam”



ano ibig sabihin ng binoga?😀

buti hindi pa naman ganyan sa amin. nakakainis yung pag-es-es.

22. Pokwang - Hulyo 17, 2008

oo nga, ngayon alam mo na kaya di ka pa pinabasa ng tabloid, parang xerex ng abante ang dating nyan ah. oy napaghahalata atang nagbabasa ako niyan, pero syempre curiousity lang. kaya tuloy parang di si-seryosohin ang balita, pang entertainment ang dating. tsk tsk tsk….



pang-entertainment nga talaga, na-defeat ang purpose ng journalism… nakakainis.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: