jump to navigation

Sinok sa sistema ng MRT Hunyo 22, 2008

Posted by Lenggai in Boo!, Lipad-isip.
trackback

Malakas ang ulan nung pasakay ako sa MRT kahapon — Kamuning station, papuntang Cubao.

Maganda ang mood ko kahit gasgas na lalamunan ko sa kakaubo.

Para akong bida sa isang music video. Ganun ang pakiramdam kapag naka-in ear headphones.

Nakakabingi, pero wala akong pakialam.

Pumuwesto ako sa me unahan, dun sa me special coach para sa mga babae at matatanda.

Ang sabi, kaya raw inireserba ang bahaging ‘yon ng MRT eh para maiwasan ang sexual harrassment.

Malaking kabalbalan.

Sa totoo lang, gusto ko ‘yung puwestong ‘yon dahil mas malapit sa escalator ng Cubao ‘yung pinto run.

Kapag mahaba-haba ang biyahe ko, dun ako sa regular coaches, mas masaya ang “tanawin” dun eh.

Dumarami na ang tao sa tabi ko, sumilip ulit ako sa me dakong Quezon Ave., me naaaninag akong maliit na ilaw…

Yey! Malapit na ‘yung tren!

Kahit hindi ko naririnig, alam kong sinisita ako ng guwardiya. Lagpas kasi sa yellow lane ‘yung dulo ng sapatos ko.

Umatras ako.

Matapos ang ilang segundo… itinuturo pa rin ako ng guwardiya.

Tumitingin na rin ang mga katabi ko sa akin.

Yumuko ako… anak ng… nakahalik lang ‘yung dulo ng kalingkingan ko sa guhit ng yellow laneand based from experience, sa distansya ko, malabo namang mahagip pa ako ng tren dito!

Ballistic na si Manong guwardiya.

…at hindi ko ma-gets kung bakit niya pinag-iinitan ang paa ko.

Para siyang sinok sa music video ko… nakaka-bad trip.

Papalapit na ang tren, pero hindi ako gumalaw. Walang point. Hindi ako nakatapak sa linya.

Sa loob-loob ko, bahala na, saka na tayo magsisihan kapag nahagip ako ng MRT, which is very unlikely, dahil pagdating nito sa puwesto ko, naka-total stop na ‘yung tren.

Pagpasok ko, dun lang ako sa me bandang pintuan. Isang istasyon lang naman ang biyahe.

Lilinga-linga si Manong Guwardiya sa gawi ko, pero deadma. Paalis na kami.

Pagdating sa Cubao, papahinto pa lang ang tren, siksikan na ang mga pasaherong pasakay sa labas ng pinto.

Anak ng… ito lang ang nakakadismaya sa MRT.

Mapa-babae ka man o lalaki, oras na bumukas ang pinto at papalabas ka, kailangan mong makipagbalyahan sa mga papasakay pa lang na pasahero. Hindi kasi uso rito ‘yung bigayan. ‘Yung tipong “KEEP RIGHT lang, lahat po tayo makakasakay…”

Kailangan talaga, kapag lalabas ka, may masasaktan…

Eh kung tutusin, simple lang naman ang solusyon:

1. Gumawa ‘yung mga namamahala dyan ng dalawang hati, ENTRANCE at EXIT, dun sa ipinagmamalaki nilang yellow lane. At least hindi lang for safety purposes ‘yung silbi niyan.

2. Imbes na ubusin ng mga guwardiya ang enerhiya nila sa pagpito sa mga taong lumalagpas sa yellow lane, tumulong na rin sila sa paggawa ng pila dun sa ENTRANCE na side. Saka sila pumito kapag me mga sumisingit o hindi pumipila ng maayos.

3. Paghinto ng tren, antayin muna nilang maubos ‘yung mga lalabas mula sa loob ng coach, tapos saka nila papasukin ‘yung mga bagong pasahero. O di kaya, KEEP RIGHT na nga lang para walang banggaan.

Kung nung una pa lang, ganyan na ang ginawa nilang sistema, hindi sana nagmumukhang nasa rugby match ang mga pasaherong lumalabas-masok.

Huwag niyo sabihing maliit lang ang espasyo ng antayan sa MRT kaya hindi posible ang mga pila-pila.

Sa ibang bansa, malaki lang ng konti ‘yung mga espasyo sa subway stations nila.

At may disiplina ‘yung mga tao. Automatic na may pila.

Mapapahiya ka kapag hindi ka sumunod sa sistema.

Kapag nasa ibang bansa naman tayo, kaya nating sumunod sa patakaran.

Bakit dito, hindi natin kaya?

Tapos nagtataka pa tayo kung bakit hirap tayong umunlad…

Mga Puna»

1. wei vines - Hunyo 22, 2008

adik yun ah! di naman kasi ko sumasakay ng tren pag rush hour..hehe…at di na rin ako nagtataka…
pero
masama ba umasa?😦



madalas ako sumakay ng MRT kapag nakikipagkita ako sa mga barkada ko sa Cubao… if it’s any consolation, mabuti na lang me positibong enerhiya na naghihintay sa akin pagdating ko sa Gateway.

2. R.J. - Hunyo 23, 2008

hello!

sistema talaga ang problema sa pilipinas. madaming batas pero walang implementation. kailangan talaga ng kamay na bakal.

pero kung hindi makuha sa kamay na bakal, minsan masarap gumamit ng ‘death note’.

ahhh… death note. naalala ko ‘yung sa anime. hehe.

salamat sa pagdaan at congrats sa kambal mo!πŸ˜€

3. fjordz - Hunyo 23, 2008

wow!! magandang suggestion! alam mo ba ang email ng MRT? Mas magandang mabasa nila itong entry mo.. tingin ko kasi, kahit may nakaisip na nitong solution mo, wala pa ring may gumagawa ng paraan dahil wala namang pasaherong naglalakas loob na magsuggest. And since nasimulan mo na, why not ipadiretso na natin sa pamunuan ng MRT?

http://hiraya.co.nr

hmm, puwede rin.

4. kulot - Hunyo 23, 2008

o buti naabutan mo pa ang operasyon ng MRT kahapon.

—-

nah. sabado ito ng gabi nangyari.πŸ™‚

5. miss choi - Hunyo 23, 2008

nasusuya na kong mag-MRT. sa cubao pa naman ang sakay ko tuwing umaga eh parang hayok ang mga tao dun. lalo na mga babae. kakatakot. dami na kong nakitang nagsabunutan, tulakan, sipaan (ako pala yun, nanipa ako sa galit dati), etc. naghahanap nga ako ng alternative na papuntang makati eh.

may alam ako, FX, pero sa Q. Ave. pa yun, at trapik… so no choice talaga kungdi MRT.

salamat pala sa pagdaan!

6. taps - Hunyo 23, 2008

kaya hindi ginagawa dito yung pagpila, kasi nakakalusot ang pagsingit.

Dapat may batas na pag sumingit sa pila pasakay ng MRT, itulak sa riles.



o di kaya, kapag atat na atat lumabas, yung mga tipong nakikipagbalyahan para lang mauna sa exit… (hindi ko ma-gets point nun) dapat dun hinuhulog, una ulo, para mapabilis ang pagbaba nila.

7. tina - Hunyo 23, 2008

bad trip ang mga singit…… ang pangit nila. lol

bwahah! well said… AMPANGET NILA!

8. duskfading - Hunyo 23, 2008

Sa tingin ko overcrowded na talaga ang MRT kaya di maiiwasan ang palitan ng kaluluwa sa loob pag rush hour.

Palagay ko kapag minahalan ang fare, ayan, mababawasan ng konti ung tao. Or kung on the spot babarilin ung mga taong pasaway… ayun lalo na. wehehe.

Just dropped by po sa inyong blogπŸ™‚



yung babarilin… puwede!πŸ˜€

salamat sa pagbisita!

9. kengkay - Hunyo 23, 2008

e dati nga pati yung lane para sa matanda, bata at babae kapag andyan na na yung tren e biglang nagkakaron ng lalaki at mas marami pa sila, hanu ba yon. dito sa alemanya naman, yung mga hindi makapag-antay minsan e yung mga lolo at lola na mga retirees, hmpf



hindi mo naman mapatulan kasi matatanda na sila at kailangan nila ng pag-unawa😦

10. gmirage2 - Hunyo 24, 2008

Di ko nga din maintindihan bakit ganyan, nung tumapak ako dito sa Vienna humanga ako sa disiplina ng mga tao (pero di naman lahat). Kasi yung regulasyon na “paunahin muna ang mga bumababa bago sumakay” eh sinusunod kahit na hindi naman nakasulat yun sa mga tren, bus o tram. Sa palagay ko sari-sariling disiplina lang iyan, kung ang tao ay walang hiya at walang pakialam malamang nga na magkasakitan, maniwala ka kung mangyari man dito na may nakikipagunahan, hindi yun austriyano at lalong hindi din Pinoy! (me galang kahit papano…)

amen!

ang nakakalungkot lang, pag nasa ibang bansa nga tayo eh mga model citizens tayo.

11. gmirage2 - Hunyo 24, 2008

A, baka nagtataka ka pala, ako to =) – Gizellae

Yeah, alam ko ikaw yan, G!πŸ˜€

12. Jim - Hunyo 24, 2008

sinabi mo. well, ang nagiging ugali kasi, if you can’t beat them join them! so, kung balyahan na, balyahan na!πŸ˜‰



korek! ang siste, gagawa ka ng tama, pag hindi ginaya at nakita mo na nauungusan ka pa ng mga mandurugas, talo-talo na lang!

13. Jon Cabron - Hunyo 24, 2008

malakas na tao ako kaya wala akong problema sa balyahan.
pag nagsisiksikan na, pine flex ko lang yung muscles ko tapos nagtatalsikan na ang mga tao, mahilig din akong sumakay ng tren habang naka cycling shorts lang ako at naka sandong puti.

sando at cycling shorts ampft! parang commercial lang sa cobra energy drink!

14. taroogs - Hunyo 24, 2008

naalala ko nung naka-bisita ako sa japan dati, yung mga tao nasa isang side lang ng escalator naka-puwesto. reserved daw kasi sa mga nagmamadali yung side na walang nakaharang. kakaibang sistema talaga para sa isang pinoy na gaya koπŸ™‚

tungkol kay manong guard. baka yun talaga ang specific job item niya — taga-bantay ng yellow line. masyadong compartmentalized na kasi ang mga subcontracted work ngayon. hehehe

ganyan din sa korea! nakakahiya nga nung first time ko, bara-bara lang puwesto ko eh bigla akong hinatak sa kanan nung guide namin… how i wish maging ganyan din tayo.

15. kurokuro - Hunyo 24, 2008

iyung bus sa san francisco, sa unahan lang ang sakayan, tapos iyung gitnang pintuan ang babaan.

and they really give way to oldies. kapag may nakalagay na “reserved for elderly people” talagang aalis iyung mga nakaupo run.

at pati mga disabled priority. may parts sa bus na mga upuang itinataas kapag may sasakay na naka-wheelchair.

mga 100 years bago mangyari yan sa atin… o di kaya pag si bayani na ang presidente.

16. ayyzzz - Hunyo 24, 2008

hahayzz..palibhasa kasi dito sa pinas, yung iba parang hari’t reyna kung umasta. walang disiplina. tsktsktsk. ndi marunong sumunod, kaya ayun hirap umasenso…😦 bad cheettahhhs! heheπŸ˜†

yan ang hirap. marami kasi sa atin ang gustong maging hari’t reyna…

17. Myk2ts - Hunyo 27, 2008

bwisit nga ang sistema ng MRT natin. hindi mo kakayanin. kahit lumpo, makakalakad sa dami ng tao.



bwaha! body surfing! lol!

18. hiyashinsuna - Hunyo 30, 2008

MRT girl pa naman ako kaya gusto ko meron akong laging stored value card, one time may kasama akong friend first time magMRT, nung palabas na kami sa edsa-taft, hinanap ko, kala ko naligaw na, ayun pala naiwan sa loob, dahil nangarag na nung taong papasok,at silang taong palabas including na yung friend standed sa loob kaya ang tendency sa ganyang pagkakataon talaga lalaban ka din, makikipagbalyahan ka na lang ng di ka mastock sa loob, badtrip,



bad trip talaga. dati may natulak talaga ako kasi ayaw gumalaw, eh pasara na yung pinto.

19. potsquared - Hulyo 11, 2008

oo nga, sa pinas hindi marunong umayos at pumila ang tao s MRT o LRT. dito kasi sa japan, given na sa loob ng tren may tulakan, pero bago pumasok, pinalalabas muna yung nasa loob ng tren, parang hinawi ni moses yung mga taong nakapila para mag give way sa mga lalabas, sana nga ma apply nating mga pilipino ang disiplina… may utak naman tayo…



ma-apply ang disiplina… gudlak! sorry, jaded na ako.😦


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: