jump to navigation

PG-25 Hulyo 1, 2008

Posted by Lenggai in Boo!, Featuring: Ako!.
trackback

Ang patakaran ko, basta lumagpas ka na sa 25 taong gulang, wala ka nang karapatang mag-baby talk.

Maliban na lang siguro kung maliit ka’t maputi, may braces at medyo chubby na chinita, puwede pa siguro… may posibilidad pang bumagay.

Pero kung lagpas ka na sa pagkakaroon ng quarter-life crisis at pinapaliit mo pa rin ang boses mo o nagbubulul-bululan ka para magpa-cute/makuha ang gusto mo/lumambing/wala lang… hindi maganda.

To put it bluntly: masagwa.

Hindi na angkop kasi tumatanda ka na.

Kahit pa sabihin mong cute ka at bagay sa iyo ang magpa-cute, huwag kang masasaktan kung may mga taong katulad ko na mag-aakalang bobo ka kasi hindi ka umuusad sa pagiging retard.

May nag-comment sa akin noon: “Age is a matter of perspective.”

‘Yang perspective na ‘yan eh hindi applicable kapag may nakaaway ka.

Sa mundo kasi ng mga tumatanda… ang normal na reaksyon eh maging propesyunal, klaruhin ang hindi pagkakaunawaan, magkapatawaran at magmahalan.

Ok… kahit na siguro hindi mangyari ‘yung huling sinabi ko.

‘Yung mga uso noong kinder pa tayo, tulad nang paghahakot ng mga kakampi, pang-iirap, pakikipagtaasan ng ihi, pagpapanggap na wala kang nakikita o pass the message dahil naaalibadbaran kang makipag-usap sa kaaway mo… eh unfortunately, nangyayari pa rin… kahit lagpas ka na sa 25 taong gulang.

Mahigit isang buwan din akong nagpadarang sa ganitong ka-cheapan. Gusto ko pa sanang patagalin dahil ang punto ko, wala akong kasalanan.

Sa tingin ko rin, panahon na para may magpakita sa mga taong ganito na mali ang paggamit ng kapangyarihan para makaganti o makapang-gipit sa mga taong kinasusuklaman mo.

Pero naisip ko rin, ngayong nadaragdagan na ang mga responsibilidad ko sa trabaho, kailangan ko nang kumilos ng angkop sa tiwalang ibinigay sa akin ng mga nakaaangat sa atin.

Labag man sa loob ko, alam kong sa gagawin kong pagbaba, may parte sa pagkatao ko ang tumataas.

Age is a matter of perspective… sabagay, madaling ipagkaila ang edad… ang mahirap dayain eh ‘yung ating mga pinagkatandaan.

Mga Puna»

1. Jayme - Hulyo 2, 2008

Dude, may pinatatamaan ba ang post na ito. Hihiramin ko lang ang spiel ni Boy Abunda, “Kaibigan, usap tayo…” Miss na kita eh.



hindi ako maka-relate sa Boy Abunda spiel, pero oo, may pinaghuhugutan ang post na ito.

di bale tsong, magkikita tayo! it’s just this work thing, y’know… hehe!๐Ÿ˜€

2. kengkay - Hulyo 2, 2008

ayan, miss ka na daw ni jayme. ang masarap sa tunay na kaibigan e walang paki alam kung anong edad; kasi mas masarap bilangin yung tagal nung pagiging magkaibigan, di ba`? minsan nga akala mo ganun na katagal yun pala two minutes pa lang nagkikita๐Ÿ˜€



awww… true! naalala ko tuloy ‘yung EB natin noong Feb. te keng! hehe!

3. ayyzzz - Hulyo 2, 2008

๐Ÿ˜

natamaan ako.
konte. pero dahil hindi pa naman ako 25.
ayos lang.

hahaha. pede pa.๐Ÿ˜€



ligtas ka pa. hehe.

at base sa avatar mo, cute ka naman, so me karapatan ka.

ahm. prangkahang compliment ‘yun, hindi ako tibo.

4. galadriel - Hulyo 2, 2008

haha, natamaan din ako.
at lampas na ako ng 25.
patay, pinaisip mo ako.
yoko na nga magpa-cute. ever!๐Ÿ˜€



haha! me binabagayan naman yan eh… at sa totoo lang, ang kinabubuwitan ko talaga eh ‘yung mga taong utak-bata… ginawa ko lang pang-intro ‘yung tungkol sa mga nagpapakyut ng boses… hehe

5. kurokuro - Hulyo 3, 2008

sino ito? sino? aawayin natin A! sasaksakan natin ng tsupon sa bibig!

wag na.

6. Jon Cabron - Hulyo 3, 2008

maraming abnoy na nagpupumilit gumalaw at magsalita ng normal, yung iba naman kabaliktaran. bakit hindi na lang natin ibigay ang gusto ng mga taong ganyan? gumagalaw at nagsasalita sila ng parang isang abnoy, pwes, itrato din natin sila na parang isang retarded.

ganun na nga ang ginagawa ko, at naaawa ako sa kanya.

7. aKDa - Hulyo 6, 2008

hayysss, inis din ako sa mga ganito. pakinshit. nakakasakit ng bangs!



ang immaturity, walang pinipiling edad… if it’s any consolation, at least alam kong mas maraming tao ang nagmamahal sa akin.๐Ÿ˜€

8. fjordz - Hulyo 13, 2008

actually, kanina habang nasa OJT ako sa smart, may nakita akong dalwang babaeng kung makakilos patweetums, pababy effect (tama ba? hehe) hindi kaya bagay sa kanila. Sa tingin ko bilang isang lalaki, nakakaturn off sila, o siguro sasapat sila sa mga lalaking naghahanap ng mauuto at mapagpaparausan.. (sori for the term.) Bakit kaya di na lang sila kumilos ng matino?

http://hiraya.co.nr



akala kasi nila cute sila.

9. extasiege - Hulyo 28, 2008

hate ko yung mga nag-lo-LOL-speak sa edad na 25. Yung ang spelling ng “now” ay “nao” at ng more ay “moar”.



pero naglo-LOL pa rin ako pag tinatamad akong mag-“bwahah” sa kausap ko… does that mean hate mo ako?๐Ÿ˜ฆ


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: