jump to navigation

Manhid Hulyo 5, 2008

Posted by Lenggai in Boo!, Lipad-isip, News Flash!.
trackback

Minsan ko nang nainterbyu si Sec. Angelo Reyes tungkol sa krisis sa kuryente.

Masaya siyang kausap, kuwela. Pakiramdam ko nga eh BFF (Best Friends Forever) na kami sa daldal niya.

Sa tagal na niyang humaharap sa media, kabisadong-kabisado na niya kung paano kami aaliwin.

Habang inaayos pa ng crew ko ‘yung set-up sa interview, pinagkukuwentuhan namin ‘yung tungkol sa away ng Meralco at GSIS.

Medyo nagno-nosebleed na ako kasi sa totoo lang, kung hindi ko rin lang naging istorya ‘yung kuryente, hindi ko naman talaga susubaybayan ‘yung isyu tungkol sa away nung dalawang kumpanya.

Susubaybayan ko siguro, para lang maging updated ako, pero alam niyo ‘yung mga balitang tumatagos lang sa iyo kasi masyadong teknikal?

Nung medyo napapagod na rin akong magpanggap na interesado sa topic, inamin ko na lang kay Sir Angie na wala akong pakialam sa away nung dalawang kumpanya. Mas naiinis pa ako run sa reklamo tungkol sa binabayaran nating lahat na system loss.

Medyo sumeryoso ang mukha niya: “Naku, dapat may pakialam ka sa away nila.”

‘Yun daw kasi ang problema sa ating mga Pinoy, wala tayong pakialam sa mga isyu sa paligid natin kapag hindi tayo direktang naaapektuhan nito.

Tulad niyang sa Meralco, kahit anong dikdik naming mga taga-media sa kanila, eh pag-uwi namin sa bahay, pikit-mata pa rin naming babayaran ‘yang bill namin dahil kailangan namin ang kuryente.

‘Yung mga naki-junket sa US trip ni Gloria. Pera natin ‘yung pinambayad para sa tiket nung mga buwayang nagtititili sa laban ni Pacquiao ah.

‘Yung pagpapaikot ng Sulpicio sa mga namatayan ng mahal sa buhay sa MV Princess.

‘Yung dalawang pisong dagdag sa singil sa gas.

Putris, nawalan na ako ng ganang magmaneho kasi ‘di hamak na mas mura ang mag-commute.

At speaking of commute… dadagdagan na rin ng sampung piso ‘yung singil sa taxi.

Ilan lang ‘yan sa mga maiinit na isyu sa balita ngayon. Pero sa dami na ng iniisip natin, me panahon pa ba tayong makialam?

Malamang, wala na.

Hindi na rin kataka-taka… kapag nagreklamo tayo, bihira lang ang may pakialam.

Mga Puna»

1. watusiboy - Hulyo 5, 2008

tinamaan ako dun. hehe
nahihirapan akong makisimpatya sa mga isyung hindi ko naman maramdaman. although alam ko na may mali, feeling ko hindi ako entitled magcomment.
naalala ko tuloy yung sinabi ni jk rowling tungkol sa imagination – tao lang daw ang tanging nilalang na kayang umintindi ng mga pangyayari kahit hindi nya ito direktang nararanasan. sayang daw kung magiging indifferent tayo.



may ganyang feeling din ako minsan, yung parang hindi ka allowed mag-comment dahil hindi ka naman kasama sa mga nagpapaikot ng pinas?

pero tama si jk rowling… sayang ang utak natin kung hindi tayo magrereact.

2. Pinoy Lotto at Sugalan Forum> - Hulyo 5, 2008

mahirap talagang makisimpatiya sa mga isyo na hindi natin gets



pakiramdam ko, may obligasyon tayo na ma-gets ang mga isyuna ito, kaya tayo nilalaro ng mga nasa gobyerno. hindi kasi natin pinakikialaman ang ginagawa nila.

3. Ah'Kong - Hulyo 5, 2008

Sa dami ng problema na sinasagupa ng Pilipinas, rantata na si GMA kung ano ang uunahin na solusyonan. O may solusyon nga ba na ginagawa ang gobyerno ?
Kahit araw araw tayo magreklamo wala ring mangyayari kaya parang nawawalan na rin ako ng pagasa para sa bayan natin.



nakakawala talaga ng pag-asa, pero ang iniisip ko, at a larger scale, mahirap talagang baguhin ang pinas… pero kung magsisimula tayo sa sarili natin at dun sa mga magagawa pa natin, baka may pag-asa pa… ika nga, be the change you want to see.

4. bluepanjeet - Hulyo 6, 2008

sa totoo lang di ako napapagod tumira ng political issues sa blog ko kahit minsan wanted na ako sa totoong buhay lalo na sa mga meralco men at sa mga fans ni jolens. Doon lang ako naririnig. Mag ngangawa man ako sa opisina ng meralco walanng makikinig pero pag blinog na at may nakabasa na tinamaan, ayun comment at dumadami haters mo. Just proves na mas marami nagrereact pag nasa media.

Dapat kasi lahat tayo mulat, direkta man o di tayo direkta na apektado. Because in the final analysis, at the end of the ripple in the center of the lake, we common citizens are the ones affected.



may point ka. napaisip tuloy ako.

minsan kasi, pakiramdam ko, wala ako sa posisyon na magreklamo dahil ang dami kong mga kabalbalang ginagawa as an ordinary citizen, and nasa media ako so we should be neutral… pero ito rin ang dahilan kung bakit ginawa ko itong blog na ito, para may outlet ako, hindi lang sa mga excess emotions ko, pero pati na rin sa mga bagay na hindi ko masabi kapag nasa coverage ako. nakaka-encourage kapag nagpopost ako ng ganito at may mga nagre-react, just goes to show hindi ako nag-iisa.

5. aKDa - Hulyo 6, 2008

oo. isang malungkot na katotohanan. puro reklamo ang mga pilipino, wala namang ginagawang aksyon. hayy. para tayong uminom ng ‘sang baldeng anestisya.

hindi kasi natin hinaharap ang problema, umiiwas lang tayo, sidestep baga. kaya lalong lumalaki at lumalala ang krisis ng bayan.



isa pa yang matinding problema natin, madali tayong makalimot.

mas gugustuhin kasi nating makalimot kaysa makialam. matrabaho ang pagiging mulat, lalo na kung ang mga nakapaligid sa’yo eh tulog… o nagtutulug-tulugan.

6. aga - Hulyo 6, 2008

i agree. most of the time eh wala na taong pakialam sa mundong ating ginagalawan. wala na tayong pakialam sa mga issues sa ating paligid, sa gobyerno at kung ano pang kaetchusan yan. eh kasi naman hindi mo rin naman masisisi ang mga madlang pipol kung hindi na sila nangangailam? baket kamo? sawang sawa na sila, kahit na anung sawsaw nila sa mga punyetang issue eh wala naman nangyayare? walang pagbabago. kaya ayun naging manhid na. ako magiging manhid na rin asust!

anyways highways, ur entry is quite interesting. really nagulantang ang mga brain cells ko. keep it up! asust ^^



salamat! masarap malaman na napapaisip ko kayo.

7. ayyzzz - Hulyo 7, 2008

nasapul ako!
wala rin kasi akong pakialam sa mga nangyayari.
hindi ako nanunuod ng news.
bwahahaha.
nakaka-stress lang kasi e.

pero nagbabasa ako ng newspaper. headline nga lang.
hakhak😆

at least may effort. hehe

8. miss choi - Hulyo 9, 2008

ako hindi manhid, kaso sa sobrang daming problema (lalo na dyan sa naknang gasolina na yan) parang wala na kong masabi. nahihirapan na ko huminga at lumalala ang sakit ko sa puso hmmph.



see? ang hirap naman kasi talagang makialam no?

9. potsquared - Hulyo 11, 2008

hindi naman sa manhid tayong mga pinoy sa mga isyu, yun nga lang parang nagsawa na tayo kasi yung munting tinig natin ay di naman naririnig ng mga nakaupo, marami ka ngang suggestions at revelations na maaaring makatulong sa sitwasyon, pero sino ba tayo? sa mga nakaupo, hindi nila tayo pansin dahil abala sila sa pagbibilang ng pera na galing sa atin…



papansinin lang nila tayo kapag na-feature na sila sa TV… or kapag malapit na ang eleksyon. kakapal ng mukha di ba?

10. colegiala girl - Hulyo 12, 2008

kung walang nagiingay tuloy lang ang ligaya ng mga magnanakaw. Lahat tayo ay may pakialam sa mga bagay bagay na nangyayari sa ating bayan.



agree ako dyan, mas mabuti nang may nag-iingay. mas nakakatakot eh kapag naging tahimik na lang ang lahat.

11. fjordz - Hulyo 13, 2008

ako sadyang mareklamo talaga akong tao. pero lately ko lang to naisip, kasi, sabi ko dati,gaya ng paliwanag ni Sec. Reyes, dapat may pakialam tayo kahit hindi tayo direktang apektado, kaya lang,may mga pagkakataon talagang mas kinakailangan mong hindi makialam kesa makialam. (ang gulo noh?) gaya ng mga nagrarally… pansinin mo kung gaano sila manggalaiti kay Gloria.. pansinin mo kung paano sila nagtitiis sa init ng araw at nagtititili sa kalye para lang marinig sila.. makailang beses na rin akong sumama sa kanila.. pero ang passion ko sa rally, hindi gaya nila… kasi hindi ko naman direktang nararamdaman iyong ipinaglalaban nila… kasi, may malalim silang pinaghuhugutan ng rason kung bakit sila lumalaban.. parang ganun ba.. (a ewan kung naexplain ko ng maayos hehehe)



medyo naguluhan din ako… lol!

12. taroogs - Hulyo 25, 2008

true, kapatid… kahit yung mga “da usual saspeks” — tibaks, oposisyon, etc — ay napapagod na din. kita naman sa pababang bilang ng mga taong dumadalo sa mga kilos protesta (kahit sino pa mag-organize sa mga ito — kaliwa, kanan, mayaman, simbahan…

ang di na lang yata napapagod mag-protesta e yung mga “pangks” — mga batang naka-itim, skinhead, daming kadena, masikip ang damit na checkered…
🙂



haha! oo nga ka taroogs, ganun kagaling si gloria, papagurin niya tayo sa inis hanggang sa wala nang matitirang inis sa atin…


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: