jump to navigation

Job Description Hulyo 7, 2008

Posted by Lenggai in Lipad-isip, Neutral.
trackback

Kapag nasa field ako, madalas akong napagkakamalang reporter.

Huwag niyo nang itanong kung sinong reporter, pero at least, hindi lalaki… ‘pag nagkataon, pasensyahan na lang pero mananapak talaga ako.

Anyway, bilang segment producer, kami ang tumatayong “representative” ng host namin. Dahil dito, may mga nag-aakalang prestihiyoso ang trabaho namin.

Siyempre, hanggang akala lang ‘yon.

Suwerte ang makapasok sa network… milagro ang tumagal at maging matinong empleyado rito.

Bakit kamo milagro?

Bukod sa pagkakaroon ng mataas na tolerance level sa stress, puyat at mga taong bobo… o matalino… maraming mga bagay ang kailangan kung gusto mong tumagal sa makulay at masalimuot na mundo ng brodkasting.

Hayaan niyong ipaliwanag ko sa inyo sa pamamagitan ng dalawang posisyong pamilyar ako…

Researcher – mataas ang respeto at expectation ko sa mga taong ito, malamang dahil dito kasi ako nagsimula. Sila ang maituturing na “unsung heroes” ng industriya.

Sila ang pundasyon ng bawat istoryang umeere sa TV. Mula coordination hanggang scheduling ng interview. Pangunahing requirement dito ang pagiging madiskarte at malapit kay Papa Jesus. Output-based kasi ang trabahong ito, meaning, dalawang kategorya lang ng sagot ang katanggap-tanggap mula sa kanila: meron o magkakaroon pa lang.

Bawal sabihin na wala na ‘yung pinapahanap na elemento o case study (interviewee) lalo na kung alam mong meron pa at tinatamad ka lang maghanap. Katakut-takot na pasensya dapat ang reserba mo para gawing realidad ang mga pinapahanap naming madalas ay hugot sa hinuha lamang.

Mas importante rin ang pagiging street smart kaysa sa pagiging smart o dean’s lister nung college. Sa totoo lang, marami nang cum laude ang sumuko at nag-iba na nang career path matapos ang isang buwan sa trabahong ito.

Segment Producer– hindi lang dapat paa ang makati sa iyo… pati utak. Sa programa namin, kami ang nag-iinterbyu, nagdidirek, nagsusulat at nag-eedit ng mga istoryang umeere. Pinakamasaya… at pinakamahirap din ang posisyong ito dahil dapat may kapangyarihan kang patayuin ang mga istorya o case study na bumabagsak na. Importante rin na marunong kang sumipat ng mga detalye. Kinukunan mo pa lang, iniisipan mo na ng script. Hindi puwedeng shoot lang ng shoot kasi kung wala kang direksyon sa ginagawa mo, maliligaw ang buong istorya mo.

At gaya ng lagi kong sinasabi sa mga nakaraang post ko, kung gusto mo ring maging producer, kailangan mong maging matibay… sa puyat, sa pagod… at higit sa lahat, sa kritisismo.

Pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay kailangan mong pasanin ang kasalanan ng buong mundo… may mga panahon naman na para kang inililipad ng mga anghel sa papuri… kapag ganito, kailangan mong maging maingat kung ayaw mong mabagok ang ulo mo sa langit.

Kakaunti lang ang mga taong napaliwanagan ko ng husto tungkol sa ginagawa namin. Malamang dahil sa kakaunti lang din ang nagtatanong.

Ngayong naipaliwanag ko na ang suma total ng ginagawa ko, mas maiintindihan niyo na kung saan nanggagaling si Pinay Brodkaster.

Mga Puna»

1. paolo - Hulyo 7, 2008

as nice as it is, i think i’m one o fthose people who wont last in this kind of career. i’m hardly the type who’d get hired anyway. =P i guess it’s a fulfilling job for you, and maybe you excel in it. Apir!

lol! i just hope i really do.πŸ˜€

2. ayyzzz - Hulyo 7, 2008

wow…
kahanga-hanga..
haydolness…

kaya pala may MS. LENGGAI. heheπŸ™‚

salamat!πŸ˜€

3. watusiboy - Hulyo 7, 2008

napakamadugo pala talaga ng production ng mga docu at news. kaya hindi ako masyadong bilib dun sa mga pagaanchor lang ang ginagawa.πŸ™‚

ang dugo talaga, pero masaya. para kang nasa isang full-time extra-curricular activity!

4. kengkay - Hulyo 8, 2008

ang tunay na laman e andun sa likod ng puting tabing. palamuti na lang ang mga beautiful faces kasi ang mas beautiful talaga e yung feeds ng mga galamay ng research at producers. salute to pinay brodkaster. at kung WPP member kayo, puntahan ninyo ang WPP hotseat at si leggai ang taya ngayon, you can ask her more questions there, hehehe

salamat! at salamat din sa pagsuporta sa thread na yun te keng… akala ko hindi siya aabot ng page 3, lol!

5. Pinoy - Hulyo 9, 2008

Filipino Pride <–CliCK

Spread the Word

For All the Filipinos

6. miss choi - Hulyo 10, 2008

medyo nagpapasalamat ako ngayon na nagshift ako from comm arts to asian studies. hindi ko kaya yang ginagawa mo dahil sobrang nerd ko at ayokong makipag-usap sa mga tao. isa pa, napansin ko karamihan sa mga nalilinya sa kanyang trabaho maboka. hindi ko carry. madugo yang trabaho mo, pero at least naman laging award ang gma7 dahil sa inyoπŸ™‚



siguro pinagpala lang ako na maging singdaldal ko ngayon.

also, about the awards, awa ng diyos, sinusuwerte kami.πŸ˜€

tanong: ust ka ba?

7. miss choi - Hulyo 10, 2008

sorry, “ganyang trabaho”, hindi “kanyang trabaho” hehe

8. potsquared - Hulyo 11, 2008

mabuti ka pa at naitratong mabuti ng kumpanya mo… alam ko ang hirap mo dahil may mga kaibigan akong researchers and SPs. di ko ipagkakaila na nanggaling ako sa kabilang istasyon.. technical nga lang.. pero grabe ang descrimination sa amin, akala mo kasi ang mga reporters namin matatalino at kung makapag inggles, ginagawa kaming mangmang.. gusto kong samapalan ng lisensya ko at sabihing “Hello… 4 year course ka lang ako 5 years demet!” More power to you.. btw.. nakilala mo ba si Melai? dating dos na nalipat sa siete na bumalik ng dos? kwento nya kay JS sya work before..



salamat!

oo, siya ‘yung pumalit na SP sa akin nung time na nag-inarte ako at nag-resign sa programa ko. mga limang buwan din akong nawala kay JS. nung bumalik ako, wala na siya. i doubt kung kilala niya ako.πŸ˜€

9. Call Center Guy - Hulyo 12, 2008

Wow! Matagal ko ng panaginip ang makapasok sa broadcasting. gusto researcher. Bow po ako sa’yo! I’ll add you to my blogroll!πŸ˜€



salamat! apply ka sa amin, daming opening… handa ka na bang maghanap ng sirenang bakla?πŸ˜€

10. colegiala girl - Hulyo 12, 2008

I am also a researcher but in another field, mahirap talaga ang ganitong trabaho. Saludo ako sa lahat ng mga researchers sa ano mang field. Sila ng buhay ng industriya.



korek! salamat sa pagdaan!

11. fjordz - Hulyo 13, 2008

pangarap ko talaga sa field na yan.. pero di ko lam kung makakarating ako diyan…

http://hiraya.co.nr



simulan mo sa pag-apply…πŸ˜€

12. onat - Agosto 13, 2008

“Hindi puwedeng shoot lang ng shoot kasi kung wala kang direksyon sa ginagawa mo, maliligaw ang buong istorya mo.”

*******

tumpak! at kailangan maraming cutaways.πŸ˜‰

amen!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: