jump to navigation

Aplikante Hulyo 21, 2008

Posted by Lenggai in Lipad-isip.
trackback

‘Laking pasasalamat siguro ng kapatid ko at tumawag ang dating kaklase niya. Nasa kalagitnaan kasi kami ng isang mahaba at nakakairitang sermon.

Siyempre, ako ang pari.

Ang pagbasa para sa araw na ito ay tungkol sa paghahanap ng trabaho at address ng mga kumpanyang karapat-dapat niyang pagbigyan ng resume.

Noong certified office girl (meaning: nakakulong sa opisina) pa kasi ako, ang paboritong past time naming magkaka-opisina eh job hunting.

Nababaog na kasi kami sa pagkabato sa kumpanya namin kaya naga-absent kami para maghanap ng ibang mapapasukan.

Halos makabisado ko kung saang building matatagpuan ang mga sikat na advertising / publishing / magazine / dyaryo / wire agency sa Metro Manila. Nilalakad lang namin ng mga kaopisina ko ‘yun. Bukod sa magkakalapit lang ang karamihan sa kanila, wala rin kaming pera pang-taxi.

May dalawang style din kami sa paghuhulog ng resume.

Ang door-to-door… ibig sabihin, iiwan mo sa receptionist o guwardiya resume mo, umaasang sipagin silang iabot ‘yon sa HR.

Pero alam naman nating lahat na kalokohan lang ‘yun. Bihira ang mga empleyadong mag-aaksaya ng panahong mag-abot ng dalawang pahina ng papel sa HR department.

Ako mismo, ‘pag may nakita ngayon na pakalat-kalat na resume sa opisina namin, kung wala rin lang sa lamesa o board ng boss ko, ginagawa kong scratch paper.

Pero bagitong empleyado pa lang ako, alam ko na ‘yung kalakarang ‘yan, kaya ang trato ko sa resume ko, parang pa-raffle.

Ito ang paborito ko. Magastos nga lang, kasi ang estilo rito: “the more entries you send, the more chances of winning.”

Ngayong kapatid ko na ang lumalarga sa Ortigas at Makati, sa tingin ko eh may kredibilidad na ako para pagsabihan siya.

Nalakaran ko na ‘yang daang lalakaran mo pa lang.

Alam mo bang tsamba ang makabingwit ng magandang kumpanya mula sa pagronda-ronda?

Karirin mo ang pagpili sa papasukan mo. Huwag mong gayahin ang trip ko noon, hindi tamang maghanap ng trabaho habang may trabaho ka pa.

Marami namang naghahanap ng graphic artist sa Maynila. Hindi malayong suwertehin ka.

At bata ka pa… me lisensya ka para iretoke ang mundo — gandahan mo na.

Mga Puna»

1. kengkay - Hulyo 21, 2008

marami ka pang bigas na kakainin — isa sa mga naririnig ko nun๐Ÿ™‚ at oo, st mary’s academy ako galing – fellow marian!



bigas at ulam kamo! lol!

alam mo ba te keng, st. mary’s na rin ang tawag sa school namin, so sisters-in-school na tayo!๐Ÿ˜€

2. miss choi - Hulyo 21, 2008

graphic artist din ang kapatid ko. sabihin mo sa kapatid mo, wag syang papayag nang mababa ang suweldo. grabe ang pagod tapos walang OT pay karamihan sa mga ad agencies. problema sa mga batang artist, pumapayag ng minimum wage, eh talent kaya ang pagguhit no. wag naman sana sila baratin.



may mentality kasi na: “mabuti na yun kesa wala.”

sabi ko nga sa kanya, ok lang na mababa sa una ang suweldo basta ok ang magiging training mo, isipin mo na lang, ang ipinunta mo run eh yung training, kapag hasang-hasa na siya, saka siya mag-demand ng something bigger. ayoko rin masyadong palakihin ang ulo nito, baka isipin niyang magaling na siya eh, makampante bigla.

3. fjordz - Hulyo 21, 2008

Iba talaga pag tapos mo nang daanan ang mga daang dadaanan pa lang ng mga nakababata sayo. At least, may kaunting payo siyang natatanggap mula sa kanyang nakatatandang kapatid.

http://hiraya.co.nr



dumarating na nga sa puntong nabubuwisit na siya sa akin kasi ang kulit ko raw! lol!

4. gugmagiatay - Hulyo 21, 2008

ang hirap maghanap ng work ngayon.the competition is very tight. and school does matter. lecheng mga kompanya na yan ang aarte! malaki nga sweldo sayo pero sobrang dami naman ng work ass if tataas ang IQ mo, di naman! grrr!!



sinusulit lang nila yung ibabayad sayo, lol!

ngayon nga, hindi na masyadong pinapansin ang school, mas malakas ang hatak ng me koneksyon. although suwerte mo na rin kung graduate ka nung mga sikat na university, mas may edge ang resume mo, pero it still boils down sa work experience mo.

5. R.J. - Hulyo 21, 2008

tumatanda na tayo, lagi na tayong pabalik at madami na tayo nakakasalubong na papunta pa lang. hehehe.



nyay! bata pa ako! (lol! mapagpanggap!)

i’d like to think hindi pa ako pabalik, more of nakaipon na ako ng miles… malayu-layo na ang nalakad ko. hehe!

6. eNocH - Hulyo 21, 2008

pahirapan maghanap ng trabaho dyan. kaya pumayag na rin ako at nagdesisyon mangibang bansa.



sa tingin ko, madali makahanap ng trabaho, mahirap humanap ng magandang kumpanya at malaking suweldo. hehehe!

salamat sa pagdaan at gudlak, saang bansa ka man naroroon!

7. aga - Hulyo 22, 2008

i agree.
pero sa totoo lang ah sobrang hirap humanap ng trabaho ngayon.
wish mo lang kung matawagan ka, may ganun aheheheh๐Ÿ™‚
asust



mahirap kaya ipinapayo ko ang “raffle system” ng pagpapadala ng resume… the more entries you send, the more chances of getting a job…” hehe

OT: alam mo, tuwing nag-aasust ka, napapa-LSS ako, naaalala ko yung kanta ng pedicab… yung “ang pusa mo…”

8. tim ang - Hulyo 22, 2008

bigyan mo lang ng isang stick ng yosi tsaka jiampong, ibibigay na ng guard yung resume mo sa HR.



jiampong talaga?! lol!

9. potsquared - Hulyo 23, 2008

mahirap talagang maghanap ng work sa pinas, pero tama ka, kahit mababa ang sweldo, take mo muna, pag may experience ka na.. dun ka na bumawi…



oo nga.nothing beats experience, ‘yan ang advantage natin.๐Ÿ˜€

10. taps - Hulyo 23, 2008

hehe okay ah…



hehe…

11. hitokirihoshi - Hulyo 24, 2008

tumpak ka naman diyan! pareho din tayo ng mga aktibidad nung sobrang job hunting mode pa… well medyo pa ata ngayon… ewan ko ba sa mas mahirap na nga lyf ngayon, dun pa tinatamad ang iba ( naks parang d rin ako).

saka yung iba gusto asenso kaagad. kahit may ibang bukod-tangi na sinuwerte na mataas na kagad, tingin ko mabuti na ring mag-umpisa sa mababa para mas matikas ang experience mo. iba na yung kargado ka ng pinag-aralan at experience. more power sa iyo!



maraming salamat at maraming salamat sa pagdaan!

12. wei vines - Hulyo 25, 2008

hehe, parang ako dati, todo pangaral sa utol ko kasi karamihan sa engineering puro lalake diba? kaya hayun, dumating sa point na alam kong hindi na siya nakikinig saken.
=
pero sabi nga, theres no question with a man taught about his experience (waahh anudaw?๐Ÿ˜†



wag ka mag-alala… gets ko naman ang ibig mong sabihin… hehe…

13. lilmiz - Hulyo 25, 2008

hindi ba pwede online na lang sya maghanap? ganun ako eh, tas di pa sa mga job searchers naghahanap, dun talaga ako diretso sa site ng companies, pakapalan ng mukha ahaha.. usually walang pumapansin pero minsan nasuswertehan din๐Ÿ˜€ tsaka mas madali na lang yan makapasok kapatid mo dapat kasi may experience na๐Ÿ™‚ hirap ang fresh grad hehe



yun lang, fresh grad siya…

14. Jon Cabron - Hulyo 28, 2008

appy lang ng apply mas madaling mamili ng kumpanya pag may bala na s’ya
bihira ‘yung one shot great shot sa pag aapply lalo’t fresh grad pero ‘wag n’yang sayangin ‘yung mga ganun.. pampahaba din ng resume ‘yun.



isa pang problema ng kapatid ko, tamad gumising ng maaga ‘to… kaya na-late nung test na niya sa GMA. ewan ko ba.

15. ArianaDive - Mayo 13, 2009

I just love your weblog! Very nice post! Still you can do many things to improve it.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: