jump to navigation

Watta panatiko! Hulyo 30, 2008

Posted by Lenggai in Barag-baragan, Post-Mortem.
trackback

Pasado a las diyes ng gabi. Biyernes.

Naghahapunan kami ng boss ko dun sa labas ng kapihan sa may fourth floor. Editing namin at medyo bangag na ang hitsura ko… kagagaling ko lang sa isang katayan ng kabayo.

At oo, me kung anong pakiramdam ako na sa mga oras na ‘yun, amoy dugo ng kabayo na ako.

Bale kasalukuyan kong nilalantakan ‘yung hindi na masyadong crispy na Crispy Chicken ng Jabee, nang mapansin ko ‘yung bigotilyong mama na nakikipagkyawkyawan sa mga kopi boys dun sa me looban.

Uy! Si Manny Pacquiao!

Hindi ako sobrang panatiko at sa totoo lang, nung huling laban niya eh medyo ginusto ko rin na matalo naman siya… ahm, para lang maiba? Lagi na kasi siyang nananalo… pero sa mga sandaling ‘yun eh unang pumasok sa utak ko:

Shet! Sayang di ko dala ‘yung boxing gloves ko!”

Sumunod kong naisip eh gusto kong magpa-picture. Si Manny Pacquiao ‘yun eh, pang-Friendster din ‘yun!

Kaso parang ang olats.

Napa-survey ako sa mga tao sa paligid ko: lahat eh abala pa rin sa pagkain, pero karamihan eh sumisimple ng tingin ke Pacman.

Ganun nga ‘pag nasa TV ka nagtatrabaho. ‘Pag nasa loob ka ng opisina, kelangan mong kimkimin ‘yung pagka-fan mo… kunwari eh bale wala na sa’yo ‘yung mga nakakasalubong mong artista o brodkaster kasi siyempre, pare-pareho lang kayong nasa TV eh, pare-pareho lang kayong sinusuwelduhan nung network niyo, pare-pareho lang kayong mahilig sa libreng pakain kapag may shooting. Kung me pagkakaiba eh lumalabas sila sa TV, mas marami silang fans, mas me pera silang pang-derma, mas…

Napatigil ang pagsimot ko sa buto ng thigh part chicken ko.

Lumabas ng pinto si Pacman… at lumapit sa table namin!Humigpit ang pagkakahawak ko sa buto nung kinakain ko.

Malayo ang tingin niya, parang may hinahanap. Mga dalawang talampakan lang ang distansya niya sa akin. ‘Pag sinikmuraan ko kaya ‘to, masasaktan ba siya.

Uy hindi dyan!”

May tumawag sa kanya. Mga lagpas 15 segundo rin siyang nakatayo sa tapat namin. Akala nung kasama ko eh dadaanin kami ni Pacman sa star quality at paalisin sa puwesto namin.

(In typical Manny Pacquiao accent) “Pasinsya na ha, naisturbo ko ang pagkain ninyu!”

Sabi niya habang papunta siya sa may gawing likuran namin.

Sus, wala ‘yun! Pinilit namin ng mga kasama ko na tipirin ang aming ngiti para kunwari wala lang talaga sa amin ‘yun.

“Sir, chicken?”

Alok ko, kaso hindi yata niya narinig, buti naman kasi na-realize ko, nakakahiya rin kasi buto na lang ‘yung inaalok ko.

Maya-maya, inaalok na niya kami ng pizza. Yellow Cab ‘ata ‘yun. Mukhang masarap at ang dami!

Siyempre, paduday naman kami ng mga kasama ko, tinanggihan namin, wari’y ipinapakitang kaya rin naming bumili ng ganun… kahit sa totoong buhay eh sinisimot namin ang malamig nang crispy chicken na pagkain namin sa editing sa araw na ‘yun.

Ibinigay niya ‘yung isang box sa kapit-table namin. Deadma lang kami kasi nga mga tiga-TV kami at wala kaming karapatang ma-starstruck.

Natapos ang hapunan namin at humihirit pa rin ‘yung isa kong kasama.

“Hindi ba nakakahiyang magpa-picture?”

Sinabihan namin siya, pano eh ‘pag tiningnan mo ang paligid, madilim at walang nagpapalitrato kay Pacman sa mga oras na ‘yun.

Dyahe!

Pagpasok, nag-banyo muna ako. Nag-toothbrush at nagpulbo. Napatungan na ng aking Victoria’s Secret na cologne ang pinagsamang amoy nung katayan ng kabayo… at crispy chicken.

Bago ako pumasok sa editing namin, tinapon ko muna ‘yung balat ng kendi sa basurahan sa labas nung kapihan.

Wala na si Pacman.

At ipinasok ko ulit sa loob ng bag ‘yung camera phone ko.

Mga Puna»

1. gmacomics - Hulyo 30, 2008

hahaha. true na kelangan mo ngang kimkimin ang pagka fanatic mo kasi dyahe minsan sa mga katrabaho. nagwork din me jan sa dos mga 4 years. 4 na taon naging alipin. hahaha.



aha! so hindi ka na alipin ngayon? san ka na?

ako naman, never pang naging alipin… sa dos!😀

salamat sa pagdaan!

2. fjordz - Hulyo 30, 2008

Actually, kahit nga mga hindi nagtatrabaho sa loob ng tv network, minsan dyahe talagang magpapic sa mga celebrities lalo pa’t professional ka. Para kasing ang cheap cheap kung gagawin mo yun. Parang lumelebel ka sa mga panatikong ang ikinabubuhay yata ay ang makipagtalo sa Kapuso VS Kapamilya o sa mga manok nilang artista mismo. May ganung kasing realidad sa Pilipinas. Pero sa akin, go lang! Kung may artista at trip kong magpapic, why not? Kung kaya ko ba namang panindigan yung ginawa ko e di ba? Bat naman ako mahihiya sa ginawa kong pagpapapic. Iyon nga lang, idinadaan natin yun sa sitwasyon. At… madalas, hinihintay natin na may mauna sa ating gawin yung gusto nating gawin. Make sense? Sana hehehe..

http://fjordz-hiraya.blogspot.com



may sense naman, sabagay, kung may naunang magpa-kodak sa amin, malamang eh nag-follow the leader din ang drama ko! hehe…

3. rimewire - Hulyo 30, 2008

huwaw

susyalin tu da maks

hakhak

elyens

XXXxx



next time dslr ang dadalhin ko!!!😀

4. potsquared - Hulyo 31, 2008

uyy ako di ko makimkim ang pagiging fan ko.. pero hindi naman ako nakikipag balyahan noon sa mga katulad kong fan.. makapangyarihan ang ID ko noon.. ehehehe access sa lahat ng studio… hay.. nakakamiss din magpapicture.. hihihi landi ko talaga… nice post ms. lenggai…



zalamat!!!😀

5. R.J. - Agosto 1, 2008

nahihiya rin akong magpapicture kapag may nakikita akong celebrities, tama ang mga sinabi ni fjordz. pero kung si pacman na ang makikita ko (na number one na sa buong mundo) abay nako, magpapakodak na talaga ko. hahaha!

first time ko nakita si pacman sa bilyaran sa makati (2005) kaso nakakahiya naman magpapicture kasi nagbibilyar nga sya. hahaha! buti ka pa dami ka pang chance kasi merong pinoy records shooting lagi si pacman diyan. =D



hindi ko nga natsatsambahan kasi lagi akong wala… hmp!

6. gmacomics - Agosto 2, 2008

hahaha. oo nagupgrade na ako ngaun. hehehe. umalis na ako ng dos after four long years kasma nitong si potsquared. sa microwave van po kami before at ngayon sa hospital na ako nagwork. o di ba ang lapit ng field of work na nilipatan ko di ba. hehe. exchange links po, k lang?



oo naman!

yun nga lang, wala kang link sa akin….😦

sa ospital ka na? ang lapit ah. connected sa industriyang pinanggalingan mo, hehhehe!

7. watusiboy - Agosto 2, 2008

ay sayang naman. ang hirap naman nun. ang dami nyo ngang nakikitang sikat pero dapat pigilan pagkastarstruck. hehe. di ko yata kaya yun. sayang ang prendster pic e.



pero alam mo, pag nakita ko ulit si ely, pramis, di ko na pakakawalan yun, papa-otograp pa ako! loL!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: