jump to navigation

Isang kuwento ng kahayupan… Hulyo 31, 2008

Posted by Lenggai in Coverage, Story! Story!.
trackback

Gising na ako nung dumating sila pasado alas dos ng madaling araw.

Unang bumaba ‘yung babae — bilugan ang tyan pero sexy… mahaba ang buhok… mga hanggang balikat siguro ‘yon.

Pagtawag niya dun sa wire na gate namin, nagising ‘yung kasamahan ko sa bahay.

Binuksan nung kasama ko ang pinto, pumasok ‘yung babae, kasunod ang dalawa pang lalaki. ‘Yung isa, may dalang malaking camera.

Uy! Kukunan ‘ata kami sa TV!

Ginising ko ‘yung mga katabi ko, pero hindi sila impressed.

Bumangon na rin ‘yung ibang mga tao sa bahay.

Nae-excite ako sa camera!

Parang ganun din ‘yung pakiramdam nung mga tao sa bahay kasi panay ang kausap nila dun sa babae. Parang lahat eh nag-uunahan sa kanyang atensyon.

Pero hindi sila ang pakay niya… ako.

Ahm… ako?!

Nabuhay ang eksena sa loob ng bahay… may nagpakulo ng tubig… ‘yung isa bina-brush ‘yung semento sa batalan… maya-maya, may narinig akong naghahasa ng kutsilyo.

Dun sa huli kong narinig, hindi ko alam kung bakit… pero medyo kinabahan ako.

Kinakabahan ako pero pinilit kong magmukhang cool. Nakatutok ‘yung camera sa akin eh.

Tinatanong ko ‘yung isang taong dumaan sa harap ko… ano bang meron?

Pero hindi niya ako pinansin.

Lumiwanag ang paligid. Nagsaksak ng ilaw ‘yung isa pang lalaki.

‘stiiigggg… para kaming nasa studio!

Mahigit sampung minuto rin kaming kinunan. Iba’t ibang anggulo kasi paiba-iba ng posisyon ‘yung lalaking may dala nung malaking camera.

Maya-maya, pinatay na ‘yung ilaw. Pumasok ‘yung mga taong kasama ko sa bahay sa kuwarto namin.

Kinalag nila ‘yung tali na nakakabit sa dingding.

Hinatak ako sa leeg nung isang kasamahan ko palabas ng kuwarto.

Aray! Sakit ah!

Hindi ako masyadong umalma… pero bumalik ‘yung kabog sa dibdib ko.

Nasa labas ‘yung babae. May hawak din siya na maliit na camera. Nakatutok sa akin.

Tipid lang ‘yung ngiti ko sa kanya… ewan kung napapraning lang ako, pero parang me something sa tingin niya sa akin… awa ba ‘yun? Takot?

Eh kaso… ba’t naman siya maaawa sa akin?

May sinasabi siya dun sa isa ko pang kasama sa bahay na nakaitim na katabi niya. Hindi ko marinig, pero parang tungkol dun sa hawak nito na… bote ba ‘yun?

Hindi ko na masyadong pinansin. Inaabangan din ako nung kasama niya na may malaking camera.

Kinuhanan ulit ako.

Nagpasikat ako ng konti… binati ko pa nga ‘yung mga kamag-anak ko sa Bicol… mukhang ok lang na nagsasalita ako kasi tahimik lang sila.

Bigla akong pinatingala nung kasama ko sa bahay.

Mahigpit niyang hinawakan ang dalawang tenga ko… teka uy! Masakit!

‘Yung isa, ‘yung nakaitim, pilit ibinubuka ang bibig ko… natakot na talaga ako!

Sinubukan kong sumigaw, kaso pagnganga ko, isinaksak na lang bigla ‘yung bote ng… ano ba ‘yun?!

Pwe! Ang asim! Suka!!!

Puwersado nilang pinapainom sa akin ‘yung bote ng suka!!!

Nilunod ng suka ‘yung sigaw ko… nakakaluha!

Tangna kayo! Ano’ng nangyayari?! Ba’t niyo ako ginaganito? Ano’ng ginawa ko sa inyo?

Naiiyak ako sa sama ng loob!

Pilit akong lumaban… pumalag… sumipa… ipinaling ko pakaliwa’t kanan ‘yung ulo ko… dumulas sa bunganga ko ‘yung bote… nakakita ako ng butas… kinagat ko ‘yung nakaitim na me hawak ng bote, napaigtad siya sa sakit at binitawan ang pagkakahawak sa ulo ko…

Tangna… kaaa! Buti… nga… sa’yo!

Gusto ko pa sanang kagatin ‘yung iba pa niyang daliri… puputulin ko na!

Pero nanghina ako sa pinainom nila sa akin…

Hindi pa ako nakakalayo nang kaladkarin naman ako pabalik nung iba pa naming kasamahan sa bahay… nilunod nila ang mga mura ko sa sukang sinasalaksak nila sa bibig ko!

Saka nila ako binitawan nang maubos ‘yung laman nung bote.

Wala pang limang minuto ang lahat pero pagod na pagod ako.

Nasimot na ang lahat ng laban sa katawan ko.

Ayoko na.

Lumapit ulit sa akin ‘yung nakaitim, may dala siyang… kutsilyo?

Tangna ka! At ikaw pa ang may ganang magalit?! Sino bang nauna sa atin? Nag-react lang naman ako ah!

Kinausap muna siya nung babae. Hindi ko maintindihan ‘yung sinasabi nila kasi nangmamanhid na talaga ang katawan ko sa sukang ininom ko.

May humaltak pataas sa ulo ko… siya.

Iniakma niya ‘yung kutsilyo sa lalamunan ko… nakiusap ‘yung lalaking may hawak ng camera… sandali lang daw.

Ipinuwesto nung bisita ang camera… itinapat naman nung dati kong kaibigan ang talim sa lalamunan ko… alam kong hindi pabor sa akin ang mangyayari.

Tangna nila! Ano bang ginawa ko para pahirapan nila ako ng ganito? Tangna talaga nila!

Iminuwestra nung lalaking may camera ang kanyang kamay… at hindi ko halos naramdaman ang sumunod na pangyayari… may gumuhit sa lalamunan ko… sinubukan kong lumunok… pero nalulunod ako… tinatanong ko ‘yung lalaking may camera kung ano’ng nangyayari, pero parang nabibilaukan ako…

Hindi ako maintindihan nung lalaking may hawak ng camera… hindi ko na rin maintindihan ang sinasabi ko.

Para ngang nagmumumog ang tunog ng boses kong nalulunod sa sarili kong dugo… naubo ako.

Bumaha ng kulay pula sa sahig… hindi na ako makalunok… hirap na akong huminga… unti-unting lumabo ang paningin ko… at pagbaba ng ulo ko… ang huli ko nang naaninag ay ang lente ng camera… nakatutok sa akin… makita kaya ‘to ng mga kamag-anak ko sa Bicol?

Pagkatapos… ay dilim.

***

hindi ako makaisip ng magandang paraan kung paano ilalarawan ang nasaksihan kong pagkatay sa kambing nung nakaraang linggo. katayan kasi ang istorya ko. at hindi ko na kailangan pang maging kambing para makaramdam ng simpatiya sa sinapit niya. kung tutuusin, mas malala pa nga ‘yung ginagawa sa mga baboy, hinahambalos bago gilitan sa leeg. naaawa ako sa kanila, pero hindi ako magpapaka-ipokrita kasi mahilig talaga ako sa karne. mahilig ako sa baboy… at nakatikim na rin ako ng kalderetang kambing. nagulat lang ako sa paraan ng pagpatay sa kanila. brutal talaga. hindi ko naman puwedeng sabihin na dapat ihinto ‘yun, kasi nga, hayop sila. at sa normal na ayos ng cosmos, tama lang na ang hayop ay nasa baba ng food chain kesa magkabaligtad tayo ng tadhana. pero kung nakita niyo ang mga nakita ko, malamang, mapapa-dalawang-isip din kayo.

Mga Puna»

1. wei vines - Agosto 1, 2008

anak ng tokwa! akal ko ikaw talaga! natakot ako na medyo ano eh, tapos nagisip na din ako:
pano makakapag blog yung ginilitan sa leeg! waaahhhh!!
at masarap nga ang karne… in fact, i would never substitute those meats sa veggies😀



‘pag nakakakita ako ng buhay na kambing ngayon, napapalunok ako… ganun ‘yung epekto sakin nung istorya ko…

ibang usapan na siyempre kapag baboy, baka o manok… lechon kawali! bulalo! adobo!!!

2. Jon Cabron - Agosto 1, 2008

pano pa kung nakita mo kung papano ko unti unting pinatay ‘yung mga kuting dati nung kaklase ko? .. pero tama ka’ nakakakilabot nga ‘yang nasaksihan mo, dahil hindi tulad ng pusa may pakiramdam at karapatan ang mga kambing.

seryoso, galeng ng entry mo’ henyo!



salamat, jon!

at pwede ba… may alaga akong pusa! respeto naman!!!

3. AZRAEL - Agosto 1, 2008

syeeettttt! namangha na naman ako sa galing mong magsulat! although sa bandang gitna eh natutunugan ko ng hayop nga ata ang bida sa kwento at hindi ikaw. sinalpakan ng bote ng suka.. dahil nakakita na rin ako kung paano kinakatay ang kambing.. walang pinagkaiba sa tupa, umiiyak sila na parang tao. pero sabagay lahat naman siguro ng hayop eh umiiyak at nagmamakaawa, dahil helooo! sino ang hindi kakabugan pag alam mong katapusan mo na…

eniweis, hindi ako kumakain ng kambing at tupa kaya naawa ako sa kanila. ayoko din nakakakita ng asong pinapatay…

pero pag baboy ok lang.. masarap sya kaya! bwahahaha



naks naman, salamat, az!😀

actually, kung iisipin mo nga naman kasi, wala silang kamalay-malay kung bakit sila binabalahura… imagine di ba, nananahimik ka, tas biglang me hahampas sa’yo o di kaya eh sasaksakan ka ng suka sa bibig? kaya nga paulit-ulit niyang tinatanong kung anong nangyayari kasi pucha, kung ako nga rin naman ‘yung kambing at ganun ang ginagawa sa akin, eh mapapa-“what the f*ck?!” din talaga ako!

4. Call center guy - Agosto 1, 2008

Anak ng baklang duling o! Kala ko napag nakawan kayo. Ang masama, nag warning ako sa bahay na yun yung bagon Mosud operandi ng akyat bahay. I’ll always read the entire entry before I open mu mouth. But I’m glad it wasn’t you that got hurt.



salamat!

hmmm. ibig sabihin, ganun kahaba ang entry ko para makapag-issue ka pa ng warning sa bahay ninyo… shet!

sensya na ginanahan akong gumawa ng nobela…🙂

5. gugmagiatay - Agosto 1, 2008

Akala ko panaginip mo lang to or likhang isip lamang..galing!kawawa talaga ang nasa bottom sa food chain.



pero masarap talaga ang t-bone steak…😦

6. R.J. - Agosto 1, 2008

pareho tayo, naaawa sa mga pagkatay sa hayop pero antakaw naman kung kumain. hehehe kung pwede lang sana saksakan muna sila ng pampatulog tapos saka gilitan ano? para hindi na sila iiyak.



yun nga eh, kaso naman bawal din daw yun kasi kapag ininjection eh puwedeng humalo sa laman at sa dugo yung gamot… puwedeng makasama sa tao…😦

7. miss choi - Agosto 1, 2008

hindi ba sila pwedeng patulugin na lang bago karnehin. seriously, nakakatakot yung feeling. nung hs ako, pinapatay sa min yung manok sa home ec. Ako yung humawak sa katawan, so accessory ako. Yung pagpiglas nya, alam mo talagang malinaw sa kanya na gusto nyang mabuhay. Kung tayo may karapatan, bakit sila wala di ba? Eh kung tutuusin mas matino pa sila kesa sa tin.

Pero shempre nung chicken curry na yung manok na pinagtulungan namin, nilantakan ko na rin. Sarap eh.



what the… pinapatay sa inyo yung manok?!
anong school yan?! lol!!!

8. Geisha - Agosto 1, 2008

poonyeta! hahahahah😆
hindi mo ba alam tutok na tutok mata ko sa monitor till the last word of this entry! hahahahahahh😆

effective!

i love it! not the killing of course!

masarap man kumain ng karne, hindi ko pa rin kayang tingnan kung pano sila katayin! may buhay din sila! parang tao… kung naiintindihan lang natin salita nila bka mahabag tayo sa kanilang pagmamakaawa!

PETA anyone?



salamat te!🙂

tama… at malamang maraming mga taga-PETA ang napaluha dahil sa napanood nila sa programa namin…

9. joy - Agosto 1, 2008

Suggestion ko – either maging pescotarian or completely vegetarian😀 Although I miss KFC’s Zinger, I know that the second I bite into it, I’d only be ill – since I haven’t eaten meat (except for seafood) for 10 years now. Uso na ba ang free range eggs sa Pilipinas?

joy
A Pinay In England
Norwich Daily Photo



really? ang tiyaga mo! pano yun? di ka ba nagkaroon ng “withdrawal” sa karne?

parang ang hirap…😦

parang wala pa ata nung sinasabi mong type ng egg dito sa pinas…

10. Jon Cabron - Agosto 2, 2008

sagutin ko lang ms. lenggai ‘yung tanong mo kay ms choi..
chinese school ‘yan malamang, ano pang nakakapag taka dun?



ahmmm… respeto naman sa mga intsik… may chinese blood kami… ‘yung sa kapampangan nga lang yung lumabas sa akin….😦

11. gmacomics - Agosto 2, 2008

akala konga panaginip. hindi ko tuoy nanguya ung kinakain ko. galeng! hahaha



lol! sayang naman… salamat!

12. watusiboy - Agosto 2, 2008

nakukyuryus tuloy ako kung bakit masama ang epekto ng suka sa kambing. kapag pinainom mo kaya ang tao ng ganung karaming suka, ganun din ang mangyayari?
nakarinig na ako nung iyak ng baboy na kinakatay. nakakaawa. ang iniisip ko na lang, yun ang purpose nila. masaklap. nabuhay sila para kainin natin.



pampawala raw kasi ng “anggo” yun, yung “lansa” nung mga barakong kambing sa katawan… nakakapanghina ‘yun pero i doubt kung mamamatay sila sa suka, pang-“finishing move” talaga yung gilit sa kanila sa leeg…

13. miss choi - Agosto 5, 2008

Oo chinese school yun. Pagkagraduate ko, nabalitaan kong pangungulot at pagmemake-up at manicure na ang tinuturo sa Home Ec. Naguguluhan pa rin ako dyan hanggang ngayon.😀



ganyan din kami sa high school… make up lessons… ewan ko ba bat di ko inaaplay sa tunay na buhay…

14. Jon Cabron - Agosto 9, 2008

walang salitang “anggo” FYI.



meron… sabi ko.

15. onat - Agosto 12, 2008

ganun talaga…minsan mahirap ihiwalay ang pagiging producer sa pagiging isang tao…lalo na kung ang istorya mo ay talaga namang malaki ang epekto sayo…tatamaan at tatamaan ka talaga!🙂

kailangan balance lang…minsan kasi pag masyadong dibdiban ang trabaho, “producer ako..producer ako” minsan magugulat ka na di kana naaapektuhan…kahit gaano kabigat ang istorya mo…naku! mahirap yun.

Kailangan nating i-preserve yun..na tayo ay tao rin.

tsaka yung mga sp na masyadong formal sa pakikitungo sa mga nakakatrabaho…madaling malimutan ng mga naging case studies mo…

congrats! hindi ka isang bato! hehehe

—-

oo naman! ang hirap lang lalo na kapag may mga istorya kang hindi mo gusto ang paninindigan ng case study… dun ako nadadali minsan, hindi ko maitago ‘yung buwisit ko kapag sira ulo yung case study at sobrang baluktot ang kanyang pananaw sa buhay…

16. onat - Agosto 13, 2008

oo nga…

ako naman, kapag karumal-dumal na ang sinapit ng isang bata…di ko mapigilan ang bugso na aking damdamin.

at kapag nahuli na ang suspek at nasa piitan na…parang gustong kong makibugbog sa mga preso…”oh gago ka ah…sige pa..bugbog pa.” isang bigwas lang sana..ok na ako. pero kailangang magpigil.😉

hirap magbalanse minsan..pero kaya natin yan.



dapat lang, kasama yun sa TF.😀


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: