jump to navigation

Limang bagay… Agosto 12, 2008

Posted by Lenggai in Coverage, Post-Mortem, Shutter, Story! Story!.
trackback

Lima sa napakaraming highlights ng nakaraang linggo:

1. Segment ko (salamat sa nag-upload!). Unang gap pa lang ‘yan.

2. Mahal nila ako at mahal ko rin sila.

Hindi lang sila pamballroom… pang-hiphop pa!  — Ako at ang aking crew kasama ang Dancesport Team Cebu City.

3. Soju ng Korea — matagal ko nang nakikita sa mga Koreanovela at Korean movies ‘tong boteng ‘to… meron sa Cebu… at nang matikman namin siya… lasang herbal na gin bilog.

Go fig.

4. We heart Cebu.

5. East coast… west coast… ‘stig pala ng history ng mga tunay na hiphop… ahm… masyado na ba akong matanda para mag-convert?

Kyusi reprezent!!!

***

Papa Jesus… salamat po at nairaos namin ng maluwalhati ang isang ngarag na linggo… may hustisya pa rin pala sa mundo… kelan na lang po darating ‘yung matagal ko nang hinihingi sa inyo?

***

Tinatamad akong magsulat.😦

Mga Puna»

1. AZRAEL - Agosto 12, 2008

astig ang hiphop. sa sobrang kaastigan nya, nakatulog ako sa panonood ng video at naka red bull pa ako nyang lagay na yan.

kyusi reprezent ampft!!



ang sweet mo talaga! pa-kiss nga!

linawin ko lang, naaastigan ako sa history ng tunay na mga hiphop, kung paano naimbento yang kulturang yan eh para maiwasan ang patayan at rambulan, kung paanong me mga tao sa US na sa sobrang hirap at gulo ng buhay nila at wala silang magawa para makatakas dahil wala silang mapupuntahang iba eh dinadaan nila yung frustration nila sa pagka-krumps… kung paanong ang mga tunay na hiphoppers eh nakakasayaw ng mahigit sampung galaw sa loob ng isang step… sila ang hinahangaan ko at hindi yung mga kanto boys na nagkukunwaring egoy na hilaw at walang fashion sense at walang magawa sa buhay kungdi mag-rap at sumayaw ng poor imitation of hiphop… wala akong respeto sa mga nag-aakalang porke kabisado na nila ang laman ng mga album ni snoop dogg at nakalabas ang kalahati ng boxer shorts nila eh astig na sila.

just so malinaw tayo…

2. potsquared - Agosto 12, 2008

ang husay mo lenggai.. hirap atang mag sign ng ganyan.. ehehehehhe, mabuhay ka kapatid!



marami pa akong alam gawin sa mga daliri ko pero dalawa lang ang kamay ko at ang isa’y nakahawak pa sa camera…

and i’m talking about the hand signs…

3. bluepanjeet - Agosto 12, 2008

akala ko talaga ate Lenggai kapamilya ka haha. ikasa mo, Kapuso ako at naghihintay ako ng premiere ng Survivor Philippines.ang totoo nyan palagi ako nanonood ng docus at public affairs nyo. Sana naman mag karoon na ng official channel ang GMA public affairs team sa you tube kasi ang dami talagang mga taga ibang bansa na di nakakapanood ng GMA kaya sa you tube sila naasa. sadly dinedelete ng you tube. Kung may sarili na kayong channel dun, like abc, cbs, nbc eh pihado dadami lalo ang mapapasaya nyo sa abroad.

BTW, segment producer ka pala sa Kapuso mo Jessica soho. palagi ako nanonood nyan. kelan ka magiging isa sa reporter ate lenggai hehe. Yung public affairs nyo the best. Sana kinuha na rin ng Public affairs ang Pinoy Idol LOL.

ang sarap ng trabaho mo. Kung san san ka nakakarating.

sana soon makita ka na namain na nagrereport hehe



“…sana kinuha na rin ng public affairs ang pinoy idol…”

natawa ako sa linya mong ‘to! priceless! lol!

dati, kaya ako nag comm arts kasi trip kong maging reporter, na-realize ko lang, mas ok din ‘yung nasa likod ka ng camera, minsan kasi, mas may sense pa ‘yung mga taong nagtatrabaho run kesa sa mga nasa harap nito… if you know what i mean…😉

salamat sa pagdaan at maraming salamat lalo sa pagsuporta sa programa namin, nood ka lagi ha!😀

4. Jon Cabron - Agosto 12, 2008

ikinalulungkot kong hindi ko na maipagpapatuloy ang pakikipag kaibigan ko sa’yo.



sus, jon!

5. watusiboy - Agosto 12, 2008

wow, segment mo pala ‘to. astig yang all stars. suki ng world hip hop championship.

sana may magupload din nung sa madz. may crush ako dun e. haha.



segment ko rin ‘yung madz! nanalo kami ng award dun!

sinong crush mo run? hmmm…

6. AZRAEL - Agosto 13, 2008

sinabi ko lang na nakatulog ako, niresbakan mo agad ako ng pagkahaba-habang RAP..

YO! LENGGAI!!!! GIMME SOME SCRATCH!



LOL!

aba’y nililinaw ko lang kung anong klaseng hiphop ang trip ko no, mahirap na at baka mamaya eh me mag-akala na pareho ang paghanga ko ke Don Campbell at mga Don Pepot na nag-aakala na porke naka-low waist sila eh hiphop na sila… di ba?

7. miss choi - Agosto 21, 2008

tuwing manonood ako ng show nyo pag sabado ang dami kong gustong itanong sa yo. angas ng trabaho mo ate!!! idolz😀 (sa yo ko lang nirereserba ang paggamit ng “z” para sa “s”, dahil idolz kita)



haha! zalamatz!!!

ge tanong mo lang… kaya natin yan…😀


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: