jump to navigation

Donasyon Agosto 13, 2008

Posted by Lenggai in Lipad-isip, Shutter.
trackback

Nag-text minsan ang kaopisina ko.

Nagkaroon ng krisis sa pamilya nila. Kinakailangang maoperahan ang tatay niya at daan-daang libong piso ang kailangan nila.

Isa ako sa mga napili niyang pasahan ng SOS text… ewan kung dahil mukha akong mayaman sa taba ko, o baka magaling lang talaga akong mag-project na heredera ako… puwede rin namang ordinaryong group text lang ‘yun… anupaman ang dahilan, sa pakiwari ko’y umaasa siyang baka sakali eh isa ako sa mga makakatulong.

Kaso wala akong pera.

Meron akong pera pero sapat lang para sa mga bayarin at luho ko sa loob ng kalahating buwan.

Pero nung magkaroon ng pagkakataon, nagbigay na lang ako ng isang bagay na libre… pero tiyak akong kailangan nila… hindi lang moral support at prayers ha!

Ito:

Pangalawang beses na ‘to.

‘Yung una, 1999 pa… para sa kaibigan ko nung college na ooperahan sa scolio niya.

Hanlaki talaga nung karayom!

Naalala ko ‘yung unang blood-letting ko, pinagpraktisan ako nung tarantadong nurse/intern/whaever na nagturok sa akin… imagine, ganito katabang karayom ilang beses sinaksak sa kanan tapos kaliwang braso ko! Hindi raw niya mahanap ‘yung ugat, eh considering na college pa lang ako nun… at payat pa ako nun… kalokohan namang matabunan na ng taba ‘yung ugat ko nun!

Ang ending, tadtad ng pasa ‘yung mga braso ko.

Buti na lang at ngayon, magaling ‘yung nurse na nagturok sa akin.

Mataray siya pero magaling sa pag-injection.

Medyo natangahan lang ako sa kanya nung napagkamalan niya akong nagsha-shabu sa blood screening interview ko. Which I find funny dahil nga mataba ako.

Tapos naastigan na ako sa kanya nung pinatahimik niya ‘yung mga kasabayan naming mga lalaki dun sa bleeding room (*bleeding room ang tawag dun sa… well, bleeding room. ‘Stig di ba?).

Para silang mga baklang putak ng putak… kantyawan ng kantyawan eh ang tatanda na nila. Me mga hitsura sana ‘yung iba, pero ke-jojologs!

Feeling ko dinadaan nila sa ingay ‘yung takot nila.

Losers.

Anyway… one time, big time lang ang ginawang pagturok sa akin… at magiging honest ako… masakit talaga siya.

Pero sus!

Ewan ko kung bakit andaming naduduwag sa karayom. Lalo na ‘yung maliliit na pamblood test lang.

Ako kasi, para hindi ako matakot, nilalagyan ko ng “eksena” ‘yung gagawing pagturok sa akin… halimbawa:

“Sige! Iturok mong hitad ka (referring sa nurse)! Iturok mooooo! Kung inaakala mo eh masisindak ako sa karayom mo, well, nagkakamali ka! Bring it on biatch!”

Pagkatapos eh unti-unti nilang ibabaon ‘yung talim nung karayom sa balat ko.

Kung ‘yung iba eh ayaw tumingin kapag iinjectionan na sila, ako naman eh mas nanaisin ko pang makita ‘yung actual na pagtuhog sa akin… ‘yung moment na papasok ‘yung dulo ng karayom at mararamdaman mo ang unang kirot... mas nakaka-paranoid kasi ‘yung nag-aabang ka kung kelan babaon ‘yung karayom sa’yo.

At nababaklaan ako sa mga taong umiiyak sa injection… no offense, pero kung matanda ka na at nababahag pa rin ang buntot mo sa injection… well, two words: grow up.

Naaastigan din ako sa hitsura ng hinihigop kong dugo.


Ang sa akin lang, tutal naman eh volunteers kami nung isa ko pang kaopisina na kasabay kong nakapasa sa screening… sana dalawa o tatlong bag na ‘yung kinuha mula sa amin… hindi ko alam kung healthy ba ‘yung ganun o ano… pero kelangan pa raw ng ilang bags bago makumpleto ‘yung kelangan ng tatay nung ka-programa ko.

Baka kako puwede pang mag-second round, tutal marami-rami pa naman ‘tong natitira sa katawan ko eh.

Hindi ako adik. Hindi rin ako masokista. Hindi ko rin basta-basta pinamimigay ang dugo ko… naisip ko lang naman.

***

Kelan naman kaya magkakaroon ng time na taba naman ang puwedeng i-donate?

Pangarap nating lahat ‘yan eh.

Fat-letting para sa mga taong-poste na hindi tumataba kahit kumain sila ng ‘sang drum na lechon kawali.

Kapag nagkaroon ng ganun, kahit gaano pa kasakit ‘yan, magbibigay ako… araw-arawin pa nila.

Bring it on, biatch!

Mga Puna»

1. AZRAEL - Agosto 13, 2008

parang gusto ko rin sumigaw na ala-300, habang nakatitig sa nakaka-arouse mo na braso…

“DIZ.. IZ.. PATAAAAAAA!!!”

sorry na mahal pa rin kita.

first time kong naranasang humalakhak nang ilong ko lang ang gumagalaw.

ganyan katindi ang hirit mo… at wag kang mag-alala, kaibigan pa rin kita.

2. onat - Agosto 13, 2008

ako rin go na go! ako sa fat-letting!

inform me kapag meron nang ganun…alam mo naman tayo natural na mapagkawang-gawa! hahaha

peace!



ako nga, literal kong “ibibigay ang lahat” pag nagkataon…

3. naglalambingnacute - Agosto 13, 2008

apir!!! ahahaha gusto ko rin fat letting na yan..

ang tapang mo naman pala .. tama i need to grow up na siguro talaga.. takot talaga ako sa karayom.. at mas lalo ako natakot sa pictures sa taas..😳

pero thumbs up ako sayo ms lenggay tingin ko haydol na nga kita eh.. add po pala kita sa blogroll ko ha?😉



surely!😀

4. kulot - Agosto 13, 2008

gustong gusto ko rin magdonate ng dugo pero wala pang dumating na panahon, type b pala ako



ngayon na ang pagkakataon!

kulang pa ng ilang bags ‘yung kaopisina ko😀

…and i heard sa news, pati si francis m kelangan ng dugo.

na-mention ko lang naman…

5. gmacomics - Agosto 13, 2008

saludo! galing mo lenggay!

fat letting? im sure maraming magdonate nun. hehehe.



ang brave, brave ba? lol!

uunahan ko yang mga magdodonate na yan! bat kasi di pa mag-imbento ng teknolohiyang puwedeng maglipat ng taba sa mga batang malnourished sa uganda? swear, pipila talaga ako run!

6. potsquared - Agosto 13, 2008

ako din gusto ko magdonate kasi di pwede, anemic daw ako.. ano ba yun?



may kaopisina nga ako, na-reject kasi may sipon, yung isa naman kasi me regla… feeling ko, kaya hindi puwede yung me regla kasi redundant na… hehe.

ang tindi rin nung screening!

7. kengkay - Agosto 15, 2008

girl, saludo ako sa yo! ako ni reject kasi daw underweight daw ako — pero that was in the late 90s pa, ngayon am sure with flying colors pasado ako🙂 at oo nga, minsan may ibang bagay na pwede tayong ibigay, kahit hindi pera.



pati nga taba iaalay ko… lol!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: