jump to navigation

Swimming klase Agosto 17, 2008

Posted by Lenggai in Featuring: Ako!, Lipad-isip.
trackback

Madaling araw na pero parang lasang chlorine pa rin ang hininga ko.

Ewan ko kung nalalasahan nga ba talaga ang hininga, pero parang ganun ang timpla ng laway ko ngayon.

Nakailang lagok kasi ako ng ihi-laced-highly-chlorinated-pool-water kanina.

You know, from swimming lessons?

Resulta ‘yan ng bagong patakaran sa opisina.

Dapat, lahat ng nagfi-field coverage — producers, crew at researchers, marunong lumangoy.

Tama naman, kasi for survival ang skill na ‘yun. At least, hindi masyadong mag-aalala ang opisina kung sakaling me staff sila na napasama sa lumulubog na barko (knock on wood!).

Nung tinanong ako last, last month kung marunong akong lumangoy, buong pagmamalaki kong sinagot… hindi.

Partida na ‘yan ha, swimming ang PE ko nung college.

At take note, pumasa ako.

Naaalala ko pa… muntik na akong malunod sa last day ng klase namin.

Ipinagmalaki ko kasi ang aking threading skills… ‘yun nga lang, dahil threading without breathing lang ang natutunan ko sa instructor namin, hindi ko naanticipate na nakarating na ako sa malalim na parte ng olympic-size pool ng USTe.

Kinakailangan pang iabot ng instructor sa nagkakakawag kong katawan ‘yung dulo ng panglinis nung pool para masagip ako.

Nakakahiya.

Pero mainsulto kaya siya kapag nadiskubre niya ang near-death experience ko sa pool ng Punta Baluarte, Batangas noong 2003? O ang pagpapanic attack ko noong muntik nang mahubad ‘yung pipitsugin kong life vest… habang nagiisnorkel kami ng barkada noong Holy Week sa Bora?

Mainsulto kaya siya kapag nalaman niya na nag-aaral ako ulit kung paano lumangoy?

In fairview, mas naiintindihan ko ang paliwanag ng instructor namin ngayon tungkol sa freestyle.

Paano nga lang kung pagkatapos ng limang Sabado ng compulsory swimming lessons namin… hindi pa rin kami marunong lumangoy?

Puwede pa kayang umulit?

Masaya naman eh. Tsaka gusto ko ‘yung bagong bathing suit ko. Kulay red.

And if it’s any consolation, sabi ni Coach Cherva (nakalimutan ko ang pangalan niya… paiba-iba kasi sila)… beri gud daw ako.

Ewan ko lang kung saan.

Mga Puna»

1. prinsesa000 - Agosto 17, 2008

beri gud ka daw sa paglangoy o beri gud ung bathing suit mo na red?
ako rin di marunong lumangoy.. buti ka pa may swimming lessons.

buti nga at pinagpala kami… hehe! pero alam mo, feeling ko, beri gud ako sa bathing suit ko… lol!!!

2. potsquared - Agosto 17, 2008

sabi na ang kikay mo lenggai, yung bathing suit lang ang trip mo di yung paglangoy… gwapo ba naman yung instructor mo? kasi kung ganoon.. magkukunwari akong damsel in distress at sisigaw ng “SEKLOWLOW!” with matching back of the hand sa forhead at waiving effect!

pero ok yan, masarap ang swimming sa katawan, wag mo nga lang gawing softdrinks at baka nga matuluyan kang maging chlorine dependent..😀

ingat ingat lang lenggai!🙂



sigurado ako, ‘yung bacteria sa loob ng katawan ko eh patay na sa dami ng chlorine na nilaklak ko… salamat, engr! hehe!

3. gmacomics - Agosto 17, 2008

hindi ako marunong lumangoy kaya buti na lang wala na ako sa brodkasting istasyon. hehehe



masaya naman ah…😀

4. Dennis - Agosto 18, 2008

Marunong akong lumangoy, self taught, langoy baboy nga lang.

nyahah!!! pano ‘yung langoy baboy?😀

5. galadriel - Agosto 23, 2008

gusto ko rin matutong lumangoy. bilib ako sa yo. mabuti honest ka at open sa pag-aaral uli. beri beri gud!😀



oo, kailangan eh, hehe!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: