jump to navigation

Lip-synched Agosto 26, 2008

Posted by Lenggai in Coverage, Good News, Lipad-isip, News Flash!, Post-Mortem, Shutter, Story! Story!.
Tags:
trackback

Ilang eksena mula sa segment ko last week…

Meet Rodfil (left) and James (right) Obeso… aka “Roadfill” at “Moymoy Palaboy” of YouTube and Bubble Gang fame.

Off-sync ang pagkaka-upload nung isang viewer sa excerpts nung segment ko… pero heto ang sample ng kanilang famous video:

Two creative and very lucky siblings… masaya silang panoorin, makulit kausap at performance level kapag naka-on na ang camera… nagkaproblema lang kami sa schedule nila dahil ang dami nilang commitments.

I just hope they will stay humble dahil marami ring magagaling at mababait na komedyante sa industriya ngayon. Tulad niya:

Idol ko sa creativity ang taong ito… magaling talaga.

With the “famous” background sa music videos nina Moymoy — Benny “Mama Auntie” Obeso.

With “Heart,” ang J.Lo ng Pink Republic… opo, SIYA ‘yung bading.

Nalungkot lang ako dahil mas mukha (at hugis) dalaga pa siya sa akin…😦

Napaghahalatang wala ako sa mood magsulat ng entry nitong mga nakaraang araw… dinadaan ko sa litrato… una… dahil busy ako sa trabaho… pangalawa… mamaya na lang siguro.

Nga pala, naalala niyo ‘yung pussies ko:

(photo insert: Miggy)

Wala na sila.

Ipinatapon na ng kapatid kong jobless sa kasambahay namin.

Jumebs daw kasi sa loob ng bahay nung isang linggo.

Ambaho raw.

Eh kung tutuusin, hindi naman talaga ako mahilig sa mga hayop na marumi at maselan din ako sa amoy… kaya nga kinarir kong paliguan at gupitan ng kuko ang mga ito noong nakaraang break ko.

Nakakaasar lang na dahil sa isang “pagkakamali,” ipinatapon na sila.

For some reason… namimiss ko ‘yung pakiramdam ng may hinihimas.

Mga Puna»

1. gmacomics - Agosto 26, 2008

kawawa naman ung pussies mo baka kung sinu na lang makadampot.
fave ko din sa local industry ang pagiging komedyante ni michael v. artist kasi eh. magaling na sa music magaling pa ung kamay sa pagdrowing at pagsculpt. artist talaga.



oo nga. ang mas nakakakaba kung masagasaan sila… wala silang kalaban-laban… pano kung umuulan?😦

happy thoughts: si michael v.? his talent never fails to amaze me. ang payo nga niya kina moymoy (hindi ko na nailabas sa segment ko kasi OT na), dapat lagi kang nag-iinnovate para mag-improve ang craft mo. darating daw kasi ang oras na hindi ka na mag-eenjoy at magsasawa ka na sa ginagawa mo, kailangan mo ng bago para hindi ka mapag-iwanan.

2. miss choi - Agosto 26, 2008

aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah si michael v!!!

pinsan yan ng teacher ko nung high school, pero ni minsan di ko pa sya nakita (imbento yung teacher ko na yun, pangako ng pangako hmmmph). anyway, napanood ko to, nakadub pa boses nila Moymoy🙂

btw, naalala ko lang, yung segment nyo sa mga gang, kakainis yung mga babaeng ang hazing eh rape tapos payag sila. pwede po bang magrequest? pwede bang pakibatukan lang please? buti pala hindi ako nagtuloy ng comm arts. baka pag ako ang nasa lugar mo hindi ko mapigil ang dila ko at magtatatalak ako sa mga iniinterbyu ko.



ang guwapo ng boses nila di ba? kung puwede lang pakasal sa boses… in fairview… sana nga naka-dub na lang sila forever… hehe.

about dun sa mga gang-gang… hindi ko siya segment pero marami na rin akong naiinterview na ganun noon, pinipigil ko sarili ko kasi bawal sa amin ang magpakita ng bias o emosyon sa mga iniinterbyu namin… pero kapag off-cam na, bago umuwi, pinagsasabihan ko sila… alam ko namang hindi nila pakikinggan, pero at least nailabas ko ang pananaw ko sa pinagagagawa nilang mga p*&^% na yan!!!

3. taps - Agosto 26, 2008

si moymoy! hehehe

hehe…😀

4. wei vines - Agosto 26, 2008

hehe..napanood namin yan kasama nung back dorm boys eh… katuwa… tapos ayun.. after so many months, tuwang tuwa kami kasi, mas nakakatawa pa rin talaga yung pinoy kesa ibang bansa…😀



pero aminin mo, may konting sawa factor sila, si moymoy kasi puro nakadila ang alam na expression, si roadfill ang medyo versatile ang hitsura, pero ok naman eh, kaaliw pa rin silang panoorin, lalo na kapag live. alam niyo bang magaling din silang kumanta? as in live na kanta? sa youtube ko lang nakita. feeling ko yun na ang next level nila.

5. potsquared - Agosto 27, 2008

moymoy palaboy… astig yan… nagustuhan ko yung low nila saka yung soulja boy sa you tube…

si michael v talaga super idol yan.. kung mabibigyan lang ako ng pagkakataong makita siya.. kiss ko siya.. ahahay!

oo nga lenggai, mas sexy pa siya sa iyo.. pero di bale.. meron ka na wala siya… ALINDOG!

wawa naman mga pussies mo… masarap pa naman silang himasin…



“si michael v talaga super idol yan.. kung mabibigyan lang ako ng pagkakataong makita siya.. kiss ko siya.. ahahay!”

– nagdududa na ako sa’yo pot…😦

…buti naman at binawi nito:

“wawa naman mga pussies mo… masarap pa naman silang himasin…”

6. gugmagiatay - Agosto 27, 2008

whew! astig! papiktyur naman sa kanila! ! aside from brat girl angelina sila ang inaabangan ko sa bubble gang! Astig!



sige. ahm. kaso hindi ko alam kung pano kita ipapameet sa kanila… di ba pwedeng palitan mo na lang mukha ko sa litrato? hehe

(ampft! pati ako na-corny-han sa hirit ko!!!)

7. potsquared - Agosto 27, 2008

wag kang mag-alala lenggai…. isa akong tunay….. hihihi



tunay na… to see is to believe!!! lol!!!

8. barquera - Agosto 29, 2008

ang Taas ng Kilay ni Heart.. hehe wag ka mag alala lenggai kahit na sa tingin mo eh muka syang dalaga. mas babae ka naman sa kanyang tingnan…



nyahahah! would you believe balak ko pang gayahin tong kilay na ‘to? kaso ang nipis na ng kilay ko, kapag inahit ko pataas, wala nang matitira… hehe…

pero… pinaganda mo ang araw ko… salamat!!!😀


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: