jump to navigation

MMDA Shi(r)ts Agosto 26, 2008

Posted by Lenggai in Boo!, News Flash!.
trackback

May bagong solusyon si Chairman Bayani Fernando para magapi ang mga pasaway sa lansangan: MMDA T-Shirts.

Sa lahat ng naisip niyang pakulo para bihisan ang Metro… dito ako napanganga.

Bukod sa mahal, wala siyang sense.

Saan ka naman nakakita ng mga pasaway na nasindak sa T-Shirt?

Not unless me kapangyarihang magpabaog ang T-shirt na ‘yan… o di kaya eh mala-blusang itim ang bisa niyan — pero imbes na magmukhang artistahin, magmumukhang burnik ang sinumang magsusuot nito.

And knowing us, Filipinos, magiging “fad” pa ‘yan.

Tapos ‘eto pa, isa raw sa dahilan ni Chairman para sa proyektong ito: para cariño-hin ang mga “kalaban” niya… para hindi naman siya masyadong kamuhian ng tao.

Eh kelan pa siya naging concerned sa iisipin ng iba?

More specifically, sa PAGKAMUHI ng masa sa kanya?

Matagal na silang namumuhi. ‘Yun nga ‘yung trip ko, wala kasi siyang pakialam sa sasabihin ng iba. Kesehodang me masagasaan siya, basta bawal, basta mali, ang solusyon: kamay na bakal.

‘Yun ang kailangang-kailangan ng Pinas eh, disiplina.

Kaso ‘yun nga… T-shirt.

Pustahan, may pangalan niya ‘yan. At ang cute pa ng pagkaka-drowing sa MMDA mascot ha.

Sus. Ang layo pa ng 2010.

Sana sinamahan na rin niya ng wrist band, o di kaya eh sticker… o pamaypay. Ganun naman ang usong giveaways sa kampanya… este… ahm, information dissemination projects di ba?

In fairview, nakatipid din siya dahil pondo ng gobyerno ang gamit niya sa pagpapa-print ng mga MMDA shits… este shirts pala.

Hay, sayang.

Akala ko eh Bayani siya. Ordinaryong pulitiko rin lang pala.

Mga Puna»

1. ahkong - Agosto 26, 2008

Lahat naman kasi ng ipinatutupad niya sa MMDA eh panay palpakistik. Ok sana na gamitan niya ng kamay na bakal ang pag-papatakbo ng MMDA kung maayos ang mga plano niya….kaso kung ano ang pumasok sa isip kabute niya eh yun na agad, walang pagaaral, walang plano….paano na lang kung manalong Presidente yan sa 2010….lalo na tayong kawawa niyan. Ohmygulay !!!!!

Metro Manila lang hindi nya ma solve ang problema sa baha, buong Pilipinas pa kaya ??? (ilang milyon na ba ang ginasta niya – ginasta nga ba o naibulsa ????). Kung ganyan ang mga magiging pulitiko sa Pinas, talagang wala na tayong pag-asang umunlad….

Mag host na lang kaya siya ng Game Show tutal mahilig sa showbiz ang kumag eh…..LOLs

very well said!

oo nga eh, parang ampangit na preview sa 2010 yung mga kapalpakan niya ngayon… t-shirts, ampft!

2. potsquared - Agosto 27, 2008

hehehehehe, ano nga naman ba ang magagawa ng shirts? bakit hindi na lang niya ayusin ang mga estero para di magbaha, parang madaming problema ang pinas na dapat unahin, saka na ang pangangampanya… pambihira… hihihi



pambihira talaga… kalokohan di ba? sayang talaga… akala ko matino siya.

3. caryn - Agosto 27, 2008

don’t tell me, the shirts are to be in his signature blue and pink? man. this guy should meet with a gay consultant with color sense.

at first i had really high hopes for this guys, but now i am disappointed to see him succumbing to politicking. if i know subcontracted yang mga t-shirt na yan sa manugang nya or something. sigh.



oo nga no? parang ‘yung nangyari sa sm marikina… sabi ng friend ko, sila daw ang subcon o major contractors… basta something major… pero sabi lang naman yun ng kaibigan ko, wala akong proof dyan…

4. miss choi - Agosto 27, 2008

contestant sya sa celebrity duets. wala lang, baka gusto mo lang malaman🙂



dios mio… kaya naman pala kailangan eh hindi siya kamuhian, two birds in one stone na ang tinitira niya! magaling!!!

5. taps - Agosto 27, 2008

Nakita nyo na ba yung mascot ng PNP? Si mamang pulis, hawig ni razon.

Pero kahit maagang namumulitika si bf, boboto ko yan for president.

Kahit ang baho ng fashion sense nya.

haha! talaga? di ko napansin…

6. taroogs - Agosto 27, 2008

kung anu-anung eklats pa kasi… di na lang aminin na nangangampanya na siya for 2010 — kaya nga naglipana ang “Bayani” stickers sa mga bus at dyip, di ba? nakows… style niya… boooo!!!



at marami pang mauuto niyan!!! kelan kaya mababago tong ganitong sistema?

7. jayr - Agosto 28, 2008

Actually i like Bayani Fernando… kung pag babasehan ung pagsasaayos niya ng trapik dito sa Metro Manila pati ung mga pagsasaayos nya ng mga palengke…..
What i hate about him…. is that na obvious na tatakbo siya for presidency sa 2010… ang aga pa para mamulitika…
Hay sino kaya ang iboboto ko nun…. parang wala akong mapili… hehehehe



parang nakakalungkot lang na walang magandang pagpipilian. gusto ko si ping, pero corrupt din yun (sino bang hindi?!). oh well, hindi naman ako makakaboto… sooooo…


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: