jump to navigation

Paano na ang ngayon? Agosto 27, 2008

Posted by Lenggai in Good News, Lipad-isip.
trackback

Habang nanonood ng “What About Now” music video ng Daughtry

Lenggai: Gandang-ganda ako sa bagong music video ng Daughtry.

…parang na-inspire tuloy akong mag-apply sa International Red Cross… o di kaya sa UNICEF.

Analyn: Unahin mo muna rito.

Lenggai: Eh ang hopeless na ng sitwasyon dito eh. Parang mas masarap pang tulungan ‘yung mga nasa african countries.

OT…

Analyn: Alam mo ba, ‘te, malaki ang epekto ng newscast sa thinking ng masa… sabi nga ni Jeno, mas maganda ang newscast sa London… balanse. Di tulad dito… puro bad news.

Lenggai: Bad news? Eh balanced din naman dito ah. Me good news pa rin.

Analyn: Alin? ‘Yung mga nanalo kuno sa Olympics? Eh ni hindi nga Olympic sports ‘yun eh.

Lenggai: Kahit na, good news pa rin ‘yun.

Analyn: Ang loser.

Lenggai: Eh ‘yung kay Michael V., cover siya ng Readers Digest Asia for September.

Analyn: O e ‘yun, good news ‘yun, bukod pa run eh wala na.

Lenggai: Hay naku, kung ganyan ang magiging mentality ng lahat ng Pinoy, eh wala talaga tayong makikitang maganda sa bansa natin. It’s just a matter of seeing the glass as half-empty or half-full…

Katahimikan.

After a few minutes…

Lenggai: Oo nga no… ba’t pa ako titingin sa ibang bansa, eh nandito sa atin ang laban?

Analyn: Whaever…

Lenggai: Puwede ko kayang baguhin ang mundo sa pamamagitan ng pagba-blog?

Analyn: Hay ate, sabi nga ni Hal Santiago… just do your job well. Kasi kung may mababago ka man sa mundo, hindi ikaw, kungdi ‘yung iba tao ang makakaramdam.

Lenggai: ‘Stiigggg… iba-blog ko nga ‘yan!

At tila lumiwanag ang paligid at tinubuan ng pakpak ang jobless kong kapatid.

Mga Puna»

1. potsquared - Agosto 27, 2008

ahahahahaha, ayos sa conversation.. pero may point ang kapatid mo lenggai… sa pinas ka muna magsimula… or.. sa bahay ninyo muna.. then sa community.. unti unti hanggang maachieve mo yung gusto mo for the salvation of mankind.. charing! hihihi



better yet… sisimulan ko muna sa sarili ko… ayon nga sa fave quote ko: “be the change you want to see.” susubukan ko nang maging mas mabilis kumilos… hehehe

2. miss choi - Agosto 27, 2008

hmm… ganyan yata talaga ang mga graphic artist, kakaiba ang utak.



oo nga eh… one minute makabayan, tapos biglang magiging pessimistic bitch… kailangan na niyang magtrabaho. hehe

3. gmacomics - Agosto 27, 2008

may tama kayo. i mean ur ryt guys. kung ang mentality ng bawat pilipino ay magsimula ang pagdisiplina at ung achievement malamang kahit wala ng pinuno basta may batas ay uunlad ang pinas pero syempre dapat pa rin may lider.

kasi kahit may lider kung lahat aasa sa kanya at puro reklamo lang ang mga tao hindi uunlad ang bansa. kaya makisama! makibaka! kay lenggai tayo!! hehe. peace.



naku, wala rin akong disiplina eh, lalo na sa pagda-diet at pagiging on time… hehe! pero tama ka, basta simulan natin sa ating sarili, i think me magagawa naman tayong mabuti para sa pinas…

demit… parang di ako ah. hehe.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: