jump to navigation

Losing the nostalgia Setyembre 7, 2008

Posted by Lenggai in Barag-baragan, Boo!, Featuring: Ako!, Lipad-isip, Post-Mortem.
trackback

“The concert was all about nostalgia for the fans, but for us, it was about closure. It was about moving on.” — B.

Ang daming nangyari sa akin ngayong linggo, masarap sanang manatili run sa euphoria ng pagbabalik-tanaw.

Pero malakas manampal ang tadhana… may mga pangyayaring hahatak sa’yo mula sa alapaap… at pipilitin kang… well, mag-move on.

Kung bakit kasi kinausap pa kita.

Sana nagpa-picture na lang ako sa’yo. Tapos nagpa-autograph.

Malamang eh hanggang ngayon, nagba-blog pa rin ako tungkol sa’yo at sa dating banda mo.

Masakit sa akin ang mga nangyari nitong nakaraang araw dahil unang-una, fan mo ako. Walang fan ang nagnanais ma-bad shot sa iniidolo nila. Pangalawa, bakit ko naman sasadyain ang isang bagay na wala akong kontrol?

Dapat talaga, hindi na ako nagpabibo sa’yo.

Sana pala hinayaan ko na lang na maging one of the nameless and faceless admirers mo ako.

Abot-langit ang paghingi ko ng dispensa sa nangyari, umabot na nga sa puntong inako ko na kasalanan ko ang lahat. Pero hindi ka natinag at minura mo pa ako.

Napapapalatak na lang sa akin ang boss ko dahil sa panibagong gulo na pinasok ko.

Dalawang araw din akong aligaga.

Pakiramdam ko’y unti-unting natutunaw ang teenage memories ko dahil sa nangyari.

Hindi ko inaalis sa iyo ang magalit. May mali naman talaga ako.

At karapatan mo ‘yun.

Pero humingi na ako ng dispensa.

Ang sabi mo sa boss ko, this is between you and me… kung ganun eh bakit kinailangan mo pang ipagkalat sa iba ‘yung hate text mo sa akin?

Mahal ko pa rin ang mga kanta ng dati niyong grupo… napapangiti pa rin ako sa tuwing maaalala ko ‘yung high na naramdaman ko sa tuwing naririnig ko kayong tumutugtog… pupunta pa rin ako sa part two ng concert ninyo… kung magkakaroon pa… itatago ko pa rin ‘yung sandamakmak na mga memorabilia at autograph… pero hanggang dun na nga lang ‘yun.

Kinakailangan kong burahin ang mga entry ko na nagbibigay-pugay sa inyo dahil ang weird na… wala na ‘yung “spark.”

Alam kong hindi kawalan para sa’yo, pero ang pinakamalungkot dito, matapos ang lahat, nagising ako sa katotohanang ordinaryong tao ka lang.

Ordinaryo at wala sa ayos ang ugali mo… dahil dun, hindi na kita kaya pang hangaan.

Mga Puna»

1. kurokuro - Setyembre 8, 2008

ang lungkot naman nito. but you learned your lesson. don’t idolize too much, o ‘di kaya’y i-glamorize mo ang mga bagay, dahil in the end, kapag may nangyaring masama, ikaw ang maapektuhan ng husto.

pero alam mo na iyun for sure.

“lift your head… baby, don’t be scared… from the things that could go wrong along the way… you’ll get by… with a… ismaaaaiiillll!!!!”

hehe. joke joke bolante.



haha. oo nga eh. now when i think about what happened, i think i would’ve reacted more violently if he was just an ordinary person… ordinary lang siya, but he was part of my happy, teenage memories. i still love the music, though. sana lang naisip niya na i’m a real fan. sana binigay na lang niya sa akin yun.

2. miss choi - Setyembre 8, 2008

ouch. kaya mo yan🙂



oo naman. at least kilala ko na siya ngayon.

3. potsquared - Setyembre 8, 2008

kaya pala nawala ang entries mo about the band… i hope you are ok lenggai… di na yata tamang murahin ka pa niya kahit ano pa man ang nangyari noon… ingats lahi..



alam mo, nalungkot talaga ako habang binubura ko yung entries. mahal ko talaga sila eh. buti na lang iisa lang siya, pero kahit na. at sobrang hate na hate na niya ako ngayon, kapag nalaman mo kung tungkol saan, mapapailing ka sa sobrang babaw. oo, yun pa ang masakit, mababaw lang talaga ang dahilan. at masyado na siyang nag-imagine ng theories kung bakit nangyari ang mga nangyari. i know there’s a reason why this shit happened… i just refused to get it.

4. libay - Setyembre 9, 2008

ilang araw din ako nagtaka kung bakit nawala yung entry. pero naisip ko siguradong may malalim na dahilan.

hindi kita kilala pero para sa akin kahit sinong tao ay walang karapatan na murahin ka.

nakakalungkot … tama ka… move on.



lalo na nga kapag nalaman mo ang dahilan. dahil sa isang dvd copy na palpak. o ha. san ka pa? walang matinong tao ang may karapatang manigaw ng iba maliban na lang kung inaalipusta sila o di kaya… may sunog.

anlabo ko.

5. Yuri - Setyembre 9, 2008

kapatid, we relive memories, but we don’t dwell on them…

as you’ve said, we all have to move on… now is the perfect time to do it…

cheer up!

=D



don’t worry, nay… i won’t.

taga-banda lang naman siya. ni hindi nga sikat ang banda niya… (uy, abs bitter herbs! lol!)

6. Jon Cabron - Setyembre 12, 2008

siguro may mga tao talagang ganun.. sikat kse “ANG BANDA NYA”
‘yaan mo na.



nag-let go na ako, nasa moving on stage na, hehe. yun nga ang problema eh, sikat ang banda niya NOON ngayon, kaya ang lakas ng loob. isa pa, mas kailangan niya ako kaysa kailangan ko siya. childhood memories lang naman din siya. sayang lang kasi masaya ang ibang memories ko sa kanila, parang biglang naglaho…


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: