jump to navigation

O antok, dalawin mo ako… Setyembre 12, 2008

Posted by Lenggai in Barag-baragan, Featuring: Ako!, Lipad-isip.
trackback

Nakasalubong ko nung isang gabi ‘yung dati kong crush sa office.

“Dati” kasi wala namang pagkakataon para palaguin ko ang nararamdaman ko sa kanya… tsambahan lang kung magkita kami nun.

Alas onse pasado na ng gabi ‘yun nang makita ko siya sa may labas ng gate ng opisina namin.

Malayo pa lang nakangiti na ako.

Confident ako nung gabing ‘yun na maganda ako.

Must be the shirt… or maybe my hair.

O baka naman dahil nakatulog ako ng maayos kaya medyo nabanat ang balat ko sa mukha.

Nung malapit na ako sa kanya, napangiti siya.

Naka-earphones ako at sumisigaw si Adam Levine sa tenga ko.

Hinawakan niya ang kanang kamay ko.

Tinanggal ng kaliwang kamay ko ‘yung earphones ko sa kanang tenga.

“Sorry?” pa-cute ang boses ko.

“Pauwi ka pa lang?” ulit niya.

“Oo.” Pasimpleng tawa sabay kalas sa aming pagdadaop-palad.

Pagkatamis-tamis ng ngiti ko habang unti-unting nilulunod ng boses ni Adam Levine ang tunog ng mga sasakyan sa EDSA.

Gusto ko nga lang batukan ang sarili ko kasi bigla akong kumalas.

Siguro kung tinagal-tagalan ko pa ang usapan habang magka-holding hands kami sa kalsada eh malamang, may bago na naman akong inaabangang text tuwing gabi.

***

Pero siyempre, depende pa rin ‘yun kung trip pa niyang makipag-ugnayan sa akin.

At bakit naman hindi?

Ako na ‘yun eh. Ano pa ang hahanapin niya?

***

Buti na lang, walang ibang taong nakakakita sa akin.

Kanina pa kasi ako kumukuyakoy.

Bakit naman ganun?

Kung kelan kailangan ko nang matulog, dun ako hindi inaantok…

Pero kapag kailangan ko namang magising, dun naman ako nakakatulog.

Apat na oras na lang, kailangan ko nang pumasok.

Panigurado, mamaya ako lulugu-lugo.

Kasi naman, kahapon pa ako nang umaga nagsusulat ng script.

…at ang aga naman ng shoot ko mamaya.

***

Hindi talaga ako morning person.

At oo, kailangan kong magkaroon ng disiplina sa katawan.

***

Siyanga pala, malapit na akong maglipat ng bahay.

Totoo na ito.

Nabayaran ko na ‘yung “lote” eh.

Mas masaya ‘yun kasi apartment.

Marami akong ka-share.

***

Hindi ko kayo mami-miss.

Kasi dadalawin niyo pa rin ako.

Di ba? Di ba?

Mga Puna»

1. kurokuro - Setyembre 12, 2008

pakshet. mas nauna ka pa magkaroon ng apartment! i’m looking for one right now. help!

at sino itong krash-krash-an mo? kilala ko ba ire?



ahm. hindi sya literal na apartment kristoffer… blogsite ito… gusto ko na nga i-give up. ang kumplikado!

2. aga - Setyembre 13, 2008

asust!!!

ay sus!😀

3. kurokuro - Setyembre 13, 2008

ay ampakingshet. ambobo. hahaha.

tao lang te.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: