jump to navigation

Sick of home… and homesick Setyembre 14, 2008

Posted by Lenggai in 'Tong Linggong 'To, Boo!, Buhay-bahay, Coverage, Kritiko/Panatiko, Lipad-isip, Post-Mortem, Story! Story!.
trackback

Si J., 26 taong gulang… pilyo… masayahin… guwapo.

Pumunta siya ng Dubai nitong June para mag-trabaho bilang kitchen steward.

Matapos ang 11 araw, tumawag sa pamilya ni J. ang HR officer ng kumpanyang nag-recruit sa kanya.

Wala na raw si J.

Tumalon mula sa 4th floor ng pinagtatrabahuhan niyang hotel.

Kabilang si J. sa listahan ng mahigit 40 OFWs na namatay sa hindi malamang kadahilanan.

Karamihan sa kanila, tumalon sa building, nagbigti o di kaya eh uminom ng lason.

Ang mga kasong ganito ang isa sa mga dahilan kung bakit iminumungkahi ngayon ng Department of Foreign Affairs ang psychiatric exam para sa mga OFW.

As expected, marami ang na-offend sa panukala.

Kung bakit hindi ang mga employers ang ipa-psych exam? O di kaya eh dagdag-kurakot na naman ‘yung ipambabayad ng aplikante para rito…

Sa tingin ko, wala namang masama kung kumuha ng psych exam ang kahit na sinong nag-aapply ng trabaho, mapa-Pinas man ang location o hindi.

Para lang naman ‘yang medical exam, pero imbes na:

“Tsong, OA sa baho ‘yung jebs ko sa bowl! Pero kelangan kong kutsarain para mairaos ko na ‘yung fecal test ko!”

Eh me posibilidad na ito ang marinig mo:

“Tsong, tinanong ako kung ano’ng unang pumasok sa utak ko nung makita ko ‘yung drowing, ang sabi ko dinamita! Ok lang ba ‘yun? Eh sa mukha naman talagang dinamita eh.”

Lahat tayo may saltik… at kanya-kanya tayo ng topak… nagkakatalo lang ‘yan pagdating sa kakayahan nating kontrolin ito.

Sa kaso ng mga OFW, sang-ayon ako sa pagbibigay ng psychiatric exam sa kanila… at sa mga prospective employers nila.

Hindi naman kasi puwedeng tayong mga Pinoy lang ang me tsansang mag-short circuit sa tuktok di ba?

Kung aalamin mo ang ugat ng pagpapakamatay daw ng mga kababayan natin sa ibang bansa, ang kadalasang idinadahilan ng mga employer eh homesickness.

Oo. Sobrang na-miss daw nila ang Pinas kaya sila nagiging emo.

Wala akong kredibilidad na magsalita tungkol sa homesickness dahil hindi naman ako naging OFW. Ang pinakamatagal kong biyahe sa ibang bansa eh dalawang linggo… at ma-drama man para sa iba, pero sa tuwing papalapag na ‘yung eroplano sa NAIA at nagpapalakpakan ‘yung mga kasabay naming balikbayan, gusto ko ring mag-“raise the roof” sabay kanta ng “Manila, Manila… I keep coming back to Manila…”

Seryosong usapin ang homesickness at bilib ako sa mga ka-blog ko na nakakayanan ito… pero hindi ito sapat na dahilan para sayangin mo ang iyong buhay.

Maliban na lang kung inaabuso ka’t pinapahirapan… at wala kang matatakbuhan.

Kung marami na ang mga kaso ng nagpapakamatay, mas marami naman ang mga umuuwing buhay, pero unti-unting pinapatay ng ala-ala ng mga pang-aabuso sa kanila.

Kapag inisip mo, ang sakit sa ulo!

Ang hirap pag-usapan ng problemang ito lalo na kapag alam mong natatabunan lang ang solusyon.

Malaki ang pasasalamat ko sa Diyos at hindi ko siya problema. Hindi ko pa kailangang kumayod ng husto para sa kahit na sino.

Pero may mga kamag-anak ako na OFW. May mga kaibigan ako na OFW. At kapag may mga na-iinterview ako na tulad ng nanay ni J., hindi ko maiwasang mag-isip.

Oo na’t nandito sa Pinas ang laban, pero aminin ninyo, nasa ibang bansa ang pera.

Maraming Pinoy ang nasusuya na sa Pinas dahil kahit maraming pera rito, kinukubra naman ng mga kapitalista at kurakot.

Aminado naman ako, gusto ko ring maranasan kung paano mamuhay sa bansang may snow… baka kailanganin ko ring matuto ng ibang lengguwahe para hindi ako mabenta sa mga lalaking naka-turban at may camel.

Sakaling kailanganin kong iwan ang comfort zone ko sa Pinas, sisiguraduhin kong dala ko ang aking laptop at may libreng WiFi sa pupuntahan ko.

Magba-blog ako para labanan ang aking homesickness.

At kapag may dayuhan na nagtangkang kitlan ang karapatan kong mag-internet, hindi ako tatalon sa building o magbibigti.

Sa halip, ihahampas ko sa kanila ang Mac ko.

Mga Puna»

1. miss choi - Setyembre 15, 2008

hindi naman ako naging ofw talaga, pero may mga panahon na nasa ibang bansa ako dati para sa trabaho. 9 days lang yun, pero hindi ko makakalimutan yung pakiramdam nun.
Sunday yon, tumawag ako sa nanay ko para mangamusta. Mga ilang araw pa bago ako uuwi. Wala namang kakaiba sa sinabi nya, dadalaw lang daw sila sa lola ko. Bigla kong naisip na syet, dapat nandun ako, kasama nila sa kotse. Tapos ayun na, naimagine ko na yung lola ko tsaka yung mga tita ko na napakaingay tsaka masaya.
Biglang baha na ng luha. Mababaw, pero talaga nung time na yun gusto kong sumakay sa pinakaunang eroplano pauwi. 9 days lang yun, pano pa ang taon?

miss chois last blog post..It’s the Wedding of the Century…

2. Mahalia - Setyembre 17, 2008

napadalaw lang dahil na feature ka sa Reyna Elena. napa comment tuloy ako dahil naka-relate ako sa homesickness ng karamihan. higit kumulang sampung taon na akong wala sa Pilipinas at may mga namimiss pa rin ako. Minsan nga sa panaginip ko akala ko ay kumakain ako ng bibingka. lasang lasa ko at amoy na amoy pag-gising ko akala ko ay nasa lumang bahay na ulit ako, naalimpungatan ng kaunti at nasa ibang bansa pa rin pala ako…

idadagdag kita sa aking blog links. dahil gusto kong mabasa ang mga latest behind the scenes ng isang brodkaster.

Mahalia

3. Lenggai - Setyembre 17, 2008

@krysty: ako rin, hindi ko ma-imagine ang sarili ko na mawawala ng matagal. Sakaling mangyari yun, dalawang lang ang dhailan:

1. Meron akong kailangang marating.
2. Wala na aong babalikan.

@Mahalia: maraming salamat! balik ka lang. siya nga pala, mag-iiba ulit ako ng address. i’ll keep you posted.😀

4. Ah'Kong - Setyembre 20, 2008

Hellooo…. napadalaw din ako sa bago mong haus. Asus, sa umpisa nagkamali pa ako ng link, taka pa ako kung bakit ayaw bumukas ng site, yun pala hindi ko napalitan yung “angpinaybroadkaster”….

Tungkol sa post mo, matagal na akong OFW, sa una talaga, lalo na pag baguhan, 3 to 6 months ang adjustment para mawala ang homesickness, kaya ang panlaban talaga dito huwag isipin, alisin sa utak….maghanap ng mapaglilibangan (tulad ng blogging)

Magkaroon ng focus o kaya goal kung bakit nandito sa ibang bansa. Kasi kung hindi, at natalo ka ng pangungulila, masisira talaga ang ulo mo, (tulad ko malapit na…LOLs)

Ah’Kongs last blog post..Maalaala Mo Kaya….



naku! huwag kang mababaliw, andito pa naman ang mga tulad namin na handang magbigay ng aliw sa inyo (aliw lang ha, hindi pera, hehe!). salamat sa pagdaan! magbabago pa ako ng link, i’ll keep you posted😀

5. nina - Setyembre 23, 2008

hey, came here from reyna elena. minsan inaatake din ako ng homesickness. Dapat nga di ako uwi this year pero bigla na lang ako nagsenti kaya umuwi ako nung July kahit two weeks lang🙂 Ako nga kasama ko na hubby ko dito pero malungkot pa rin pano pa yong may mga naiwang pamilya sa pinas. Malungkot talaga at mahirap maging OFW…

ninas last blog post..Ridiculous Requirements at Philippine Embassy!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: