jump to navigation

Daig pa ang Extra Joss Setyembre 16, 2008

Posted by Lenggai in Barag-baragan, Boo!, Lipad-isip.
trackback

Hindi ko alam kung ako lang ang ganito, pero nang magkaroon ako ng pagkakataong makakuha ng picture ng GF at ex-MU ko na magkasama at sweet na sweet… imbes na itago ang biswal na pruweba na hindi ako ang babaeng nagpapatibok ng puso niya… pinili ko itong i-save at ngayon, binabalak ko pa siyang gawing wallpaper ng laptop ko.

Hindi lang ‘yan, gusto ko siyang ipa-print ng 8R at ipaskil sa pinto ng ref namin.

Para sa tuwing natutukso akong kumain ng midnight snack, titingnan ko lang ang litrato nila, mawawalan na ako ng gana.

Gagawan ko rin siya ng puwang sa banyo namin.

Para sa tuwing jumejebs ako, sigurado akong walang matitira para makapagsabog pa ako ng lagim sa office. Para sa tuwing naliligo ako, hindi ako tatamaring maghilod ng likod at maglagay ng lotion bago magbihis. Para sa tuwing napapababa ko ng isang guhit ang timbangan namin eh may sasabihan ako ng “in your face, biatch!

Ang laki rin siguro ng ikagaganda ng upper cut ko kapag napa-silkscreen ko ‘yung litrato nila sa boxing gloves ko.

Gademit, napapapalatak na lang ako sa tuwing nakikita ko ang mukha niya.

Sa ganda at talino kong ‘to, ang suwerte niya’t nauto niya ako.

Puwede na nga niyang ilagay sa resume niya ‘yun dahil AKO na ‘yun.

May deadline ako mamaya… at kailangan ko ng pampagising.

Binuksan ko ulit ‘yung litrato.

Isang tingin lang, alam kong GISING NA GISING na nga ako.

Mga Puna»

1. Jon Cabron - Setyembre 19, 2008

pero hindi maitatagong bagay sila di ba? tsaka answeet? …. srybye.

bagay sila at masaya na sila sa buhay nila, basta huwag ko lang sila makita eh ok na ako. at oo, binura ko na ang mga litratong yun sa desktop ko, minamalas ako eh. loL!

2. watusiboy - Setyembre 21, 2008

hehe. at least nahahanapan mo ng magandang pagagamitan yung litrato nya.

epektib ba? parang gusto ko ring itry kapag nahihirapan akong maglabas tuwing umaga🙂 haha.



ahm, pakiramdam ko nga yan ang dahilan ng pagkamalaas ko last week, binura ko na. hehe!

at yung tungkol sa paglalabas sa umaga… ahm, di ko pa nasusubukan maglabas sa umaga eh… wouldn’t know… lol!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: