jump to navigation

Marami ka pang kakaining darak! Setyembre 22, 2008

Posted by Lenggai in Boo!, Good News, Kritiko/Panatiko, Post-Mortem.
trackback

Iho/Iha:

Ngayon pa lang, sinasabi ko na sa iyo: hindi glamoroso ang trabaho sa media.

Isuka mo na ang lahat ng pinakaing misconception sa inyo ng TV at kolehiyo, pero kung seryoso ka talaga sa pagiging journalist, kailangan ay tanggap mo nang hindi tayo Diyos na pinupuri at sinasamba ayon sa laki ng network na pinapasukan natin.

Hindi ako nagmamalinis.

Maraming mga pagkakataon na hindi ako nagiging modelong empleyado para sa mga baguhang tulad mo. Hindi ko iyon ipinagmamalaki at pinagbabayaran ko naman ang mga pagkakamaling iyon sa pamamagitan ng post-mortem meetings at karma.

Suwerte ka kung fresh grad ka ng MassComm at nakapasok ka agad sa broadcasting.

Isa ka sa 30% ng MassComm graduates na mapalad na nakapagtrabaho sa industriyang may kinalaman sa tinapos niyang kurso.

Pero hindi ibig sabihin nun ay magaling ka na.

We are all as good as our last story.

Tandaan mong kahit pa anong laude ang natanggap mo noong college, ibang usapan na kapag may bayad na ang ginagawa mo. Hindi mo mababasa sa ano mang libro o mapapanood sa NatGeo ang mga diskarteng kailangan mo para umunlad sa industriyang ito.

Kung gusto mo ring maging mas magaan at madali ang buhay mo sa masalimuot na nating mundo, I suggest you learn how to be humble.

Kapag pinapagsasabihan ka ng iyong superior tungkol sa palpak mong trabaho, ang tamang sagot dapat ay ang hindi pagsagot. Lalo na kung alam mong may mali ka.

Kung sa tingin mo ay gumaganda ang credentials mo dahil sa pagiging assertive mo, well, I’m sorry to burst your bubble, pero kapag hindi mo ginawa ng maayos ang trabaho mo, wala kang karapatang mag-angas.

Sa kahit na anong industriya, kailangan mo ring tanggapin na may heirarchy tayong sinusunod, at kadalasan, the boss is always right.

Career suicide ang pakikipagtaasan ng boses habang pinagagalitan ka ng iyong immediate superior. Kung inaakala mo ay matalino ka, oras na ginawa mo ito, lalo kang nagmumukhang tanga.

And don’t ever give us that “Namatay ang phone ko, low batt eh”-shit for an excuse kapag naputol ang linya sa gitna ng sagutan ninyo ng boss mo.

Ang cellphone, nare-recharge. At kung professional ka at walang bahid ng malisya ang lahat, ang unang-una mong gagawin eh tatawagan… o itetext mo kung sino man ang kausap mo na hindi sinasadya ang mga nangyari.

Not unless handa kang panindigan ang iyong pagiging tigasin at may nakahanda ka nang resignation letter matapos mong magmalaki, huwag mong ipamukha sa aming mga may pinagkatandaan na kung gaano ka ka-“brave”.

Hindi ka brave at wala ka ring pinagkaiba sa mga ordinaryong emo na bastos at walang sense of professionalism.

Produkto ka man ng kung saang kapita-pitagang Unibersidad, sa totoo lang, wala kaming pakialam. Hindi ka kaya ikahiya ng mga prof mo kapag nalaman nila kung ano ang work ethic mo?

Habang wala ka pang nagagawa na hindi namin kayang gawin o naiisip na ideyang makapagpapanalo sa’yo ng Peabody, eh matuto kang lumugar.

Iho, iha… nag-eentrance exam ka pa lang sa college, naghahanap na ako ng maiinterbyung rapist sa trabaho ko.

Hindi ko pinepersonal kapag may kumokontra sa akin, siguraduhin mo lang na may magandang dahilan para gawin mo ito. Wala ring masama kung aaminin mong hindi mo kayang gawin ang isang bagay dahil hindi ka madiskarte. Marami namang handang tumulong sa’yo at kabilang na ako run.

Sa trabaho natin, walang shortcut. Nakakapikon, oo, pero ganun talaga eh.

If you can’t take the heat, then get out of the kitchen.

Ang daming pagpipilian na programa sa departamento natin, I just hope you’ll improve dahil kung ganyan kapangit ang attitude mo, duda rin ako kung tatagal ka… sa kahit na anong trabaho.

Kahit kailan, hindi magandang kombinasyon ang pagiging arogante at baguhan sa opisina.

Masuwerte ka at ilan ka sa mga piling tao na nagiging inspirasyon ng mga paksa ko sa blog.

Kinakailangan mo kasing mag-iwan ng “impression” sa akin para maging ka-blog-blog ang karanasan ko sa’yo.

You made an impression, alright, and a very poor one at that.

Sana lang ay may mabuting naidulot sa cosmos ang mga payong iniwan ko sa entry na ito. Baka sakaling may mapulot din ang mga pinakamamahal kong mambabasa sa kapusukan mo.

Para sa susunod, alam nilang hindi magandang ideya ang pagtulad sa’yo.

Mga Puna»

1. miss choi - Setyembre 22, 2008

mukhang hindi lang sa linya nyo problema yan. madami na kong nakilala at nakatrabaho na feeling anak ng Diyos at ayaw makinig sa superiors sa opisina. Totoo, minsan may pagkakataon talgang di ka sasang-ayon sa mga mas mataas sayo. Pwedeng tama ka, pero tandaan na lang kung san dapat lumugar at ayusin ang pakikipag-usap.
hindi umuubra ang kaangasan sa tunay na buhay, lalo na pagswelduhan ka. 🙂

miss chois last blog post..Run!

2. Jim - Setyembre 22, 2008

magandang post! puwede ka na magsalita sa career fair ng mga school sa bansa!🙂 good point on the realities of professional media life. Talagang minsan, ‘di mahalaga if you’ve done good during your college years, kung nakatapos ka kahit paano at masipag, then diyan na talu-talo, iwanan na ang mahina at lalabas ang tunay na magaling. gaya mo!😉 I salute you Lenggai!

3. kurokuro - Setyembre 23, 2008

sinetch itech!?!?! juicy ito! kuwento naman diyan!

kape! kape! kape!

sino itong bumalahura sa iyo? lalaki ba o babae? kasi kung lalaki iisa lang iyun!!!

kung babae naman, hmm… iyung parang bratz doll ba?

kurokuros last blog post..whatever.

4. potsquared - Setyembre 24, 2008

nangliit naman ako bigla nung nabasa ko ang blog mo… feeling ko napakayabang ko nung nagtatrabaho pa ako sa kalaban ninyong network.. nasagot kasi ako nun sa boss ko kasi nasa sitwasyon ako na ipinipilit niya ang mali… pero nagbago na ako.. hindi na ako mayabang.. slight na lang.. saka take note.. unang umalis ang boss kong iyun dahil lahat kinukups niya…. thanks lenggai.. hindi na po ako uulit.. hihihi

potsquareds last blog post..what’s your name?

5. stephen patricio - Setyembre 27, 2008

tama ang researcher mo…tama siya pinay blogkaster….tama siya kung ayaw niyang tumagal sa mundong kinalalagyan niya…kung fedup na sya sumakay ng “kamias” jeep o mrt station ng gma kamuning…well sabi nga ng boss ko noon sa bulaga– “kung may sungay ka, may bunton at trident ako”, “Kung solid na tae ka, sunod sunod na Bugrit ako”

6. Lenggai - Setyembre 28, 2008

non-existent pa siya sa mundo natin, tigilan niya ako.

7. OneTamad - Setyembre 28, 2008

Jusko, yan ang pinaka-kinakatakutan ko sa pagiging reporter. Yung masabihan na nagmamarunong, mayabang,mataas ihi. So sobrang takoit ko diyan minsan di ako nakaka-imik. Na di rin yata tama.

Napadaan lang, ma’am.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: