jump to navigation

Harinawa Setyembre 25, 2008

Posted by Lenggai in Lipad-isip.
trackback

Kapag madaling araw na at malakas ang ulan… naiisip ko ang pag-ibig… at ang kawalan ko nito.

Ang tagal na nung huli akong kinilig.

Ewan kung counted ‘yung pagngawa ko nung pangalawang beses kong napanood ‘yung pelikula nina John Lloyd at Sarah.

Pero bukod dun, wala na.

Nitong mga nakaraang buwan, madalas din akong maaliw sa mga may asawa na.

Hindi sa ok lang sa akin ang makiapid. Gusto ko lang pasayahin… at pahirapan ang sarili ko nang panadalian.

Mabilis naman akong kumalas dahil alam ko kung hanggang kailan at hanggang saan lang dapat sakyan ang mga biyaheng walang patutunguhan.

Kung sana, para lang case study na kakaririn mong hanapin ang lablayp, malamang eh nagtagal pa ako bilang reseacher.

Hindi rin naman sa nagkukulang ako sa exposure… sobra-sobra na nga dahil sus, kasama sa trabaho ko ang pakikipagkyawkyawan kahit wala ka sa mood.

Ewan ko ba.

Naiimagine ko lang kung ano ang pakiramdam nung mga kaopisina kong nakakatuluyan ‘yung mga iniinterbyu nila?

Masaya kaya kapag naging girlfriend ka ng artista?

Eh kung ligawan ka ng kaopisina mo na akala mo eh barkada mo lang?

Maraming posibilidad, pero hanggang sa hinuha ko lang sila nabubuo.

Gusto kong sisihin ang gay pride… tinuruan nilang maging maganda ang mga potensyal na guwapo sa Pinas.

Gusto kong sisihin ang media at Hollywood… ginawa nilang pamantayan ng kagandahan sina Marian Rivera at Angelina Jolie.

Gusto kong sisihin ang stress… pinabibilis nito ang pagtanda ko.

Sa bawat patak ng ulan, naiisip ko ang mga bagay na alam kong darating at mararating ko rin.

Tumatakbo ang oras.

At wala nang tinutumbok ang punto ko.

Makatulog na nga.

Bukas, magsisimula ulit ang aking paghihintay.

Mga Puna»

1. kurokuro - Setyembre 25, 2008

di na uso paghihintay ngayon. dapat carpe diem. seize the day. para no regrets in the future.

kurokuros last blog post..whatever.

2. Jon Cabron - Setyembre 27, 2008

“Gusto ko lang pasayahin… at pahirapan ang sarili ko nang panadalian.”

– ahhm kulang po ng “N” yung panandalian mo po. :>

lovelots,
jon

Jon Cabrons last blog post..tite

3. stephen patricio - Setyembre 27, 2008

Gusto kong sisihin ang media at Hollywood… ginawa nilang pamantayan ng kagandahan sina Marian Rivera at Angelina Jolie.- Sabi ko naman syo pumunta ka na sa Italy eh…Sa New Zealand? o kahit sa Guam! atlis hindi sila ang pamantayan…huhuhu


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: