jump to navigation

The “Aquarium” Oktubre 1, 2008

Posted by Lenggai in Lipad-isip.
trackback

Minsan sa isang regular na araw sa opisina, subukan mong huminto at pumuwesto sa isang tahimik na sulok sa inyong cubicle.

Puwede kang magpanggap na nanonood ng TV o nagbabasa ng diyaryo… basta ang importante, nasa posisyon ka na malayang nakikita ang mga kaganapan sa paligid…

Matapos ang isang oras, ano ang naobserbahan mo?

Si Researcher A: sa unang tingin, akala mo’y nangangarag… lakad dito, upo roon… tapos lakad ulit — paroo’t parito siya with matching tuliro expression sa kanyang mukha — pero kung tutuusin, wala naman talaga siyang pinagkaiba sa asong hinahabol ang kanyang buntot: paikot-ikot, wala namang nararating.

Si Researcher B: nakakunot ang noo’t titig na titig sa monitor ng computer. Pasundot-sundot niyang tinitipa ang keyboard — animo’y patotoo sa lahat ng makaririnig: “Hoy! Pakinggan niyo! Busy ako!”

Pero kung titingnan mong mabuti ang monitor, Click the City (entertainment page) at kung anu-anong forum lang pala ang nire-“research” niya.

Si Researcher C: ‘eto ang classic! Tuwing may dumarating na boss, automatic na inaangat ng kamay niya ang telepono. Sa sobrang perky ng intro niya, aakalain mong BFF (Best Friends Forever) sila nung kausap niya. Medyo matagal din siyang ganun… hanggang sa umalis na ang boss ninyo at wala nang paa-paalam na ibaba niya ang telepono… wala pala siyang kausap.

Bukod sa usual suspects… andyan din ang ilang staff na dadaan lang sa opisina para mag-“appearance.” Sakto ‘yan lalo na kapag nandyan ang boss — lilitaw siya, konting PR, utos dito para kunwari busy, patawa roon — ‘pag medyo “established” na ang presence niya sa araw na ‘yun, unti-unti na siyang magmamadali at magpapaalam.

Lahat ‘yon, kaya niyang gawin sa loob ng sampung minuto.

Meron ding mga producer na darating sa opisina nang nakasimangot… may aura na hindi pasasaling… parang Tazmanian Devil sa bilis humakot ng tape at shoot sked. Pagkatapos, wala nang tanung-tanong… iuutos niya sa researcher na tawagan ang contact: kesyo male-late sila… technical problem… sabay alis.

Ni wala nang panahon para magtanong o di kaya’y manumbat ang binilinan… isang oras na pala siyang late sa shoot.

Si “Flash”… isa palang Pong Pagong.

Meron namang mga “bantay-sarado”-type. Dumarating kami (kabilang ako run) kapag nanganganib nang tumayo ang isang istorya. Tatambay ka sa opisina para bantayan ang bawat kibot ng iyong researcher. Kulang na lang eh latigo para sa tuwing humihinto siya para makipag-biruan… o huminga… nakaabang ka na para ipaalala sa kanya ang inyong deadline.

Ilan lang ito sa mga regular na karakter na makikita mo sa loob ng isang tipikal na cubicle sa TV network.

Masarap silang panoorin… parang mga isdang may sariling mundo.

Sila ang mga magagaling, madidiskarte at maparaan na mga residente ng “aquarium.”

Mga Puna»

1. fjordz - Oktubre 2, 2008

aba… parang mga nilalang na may kanya kanya pala kayong mundo sa loob ng opisina ninyo ah? hehehe..kaya pala aquarium hehehe..

http://fjordz-hiraya.blogspot.com

fjordzs last blog post..Cabigtin tops EE Board Sept ’08!

2. Lambing - Oktubre 2, 2008

andito na ako miss lenggai, syensya na at busy busyhan sa plurk nyahaha😆

ang ganda ng bagong bahay mo!

nakakatuwa ang buhay employees ano? guilty ako dyan sa mga sinabi mo..😦

kunwari ng wowork yun pala nagbabasa ng pinayblogkaster😆

Lambings last blog post..Spot Your Ex?

3. dompy - Oktubre 2, 2008

well, beats the aquarium Nemo was in…

dompys last blog post..Getting un-sheltered

4. charlbert - Oktubre 2, 2008

natawa ako sa aquarium nyo… pero may naalala akong ibang aquarium… hehe

charlberts last blog post..Bat-tered….

5. R.J. - Oktubre 2, 2008

kanya kanyang style lang talaga ano? naaalala ko dati yung officemate ko, ang tagal sa cr. pagbalik sa pwesto eh may bakat ng tissue box sa noo.

R.J.s last blog post..Ba de ya – say do you remember

6. kengkay - Oktubre 3, 2008

sa halos lahat yata ng opisina e maraming karakter pero mas may buhay ang mga karakter sa inyong kaopisinahan, hahaha. uy, balita ko e binyag ng bagong bahay mo? painum ka naman! congrats ulit!

kengkays last blog post..na-hack si kengkay


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: