jump to navigation

18 Oras Oktubre 3, 2008

Posted by Lenggai in 'Tong Linggong 'To, Coverage.
trackback

“O, bakit bumalik kayo?” Tanong nung Floor Director sa crew namin.

“Kukunan pa po namin ‘yung eksena sa chroma.” Sagot ng cameraman ko.

“Ay naku, mamaya pang alas-tres ‘yun!”

‘Pag pinagpala ka nga naman o!

Mag-a-alas otso pa lang ng gabi ‘nun.

Siguro sa mahigit sampung oras na naming nasa set, dalawang oras lang dun ‘yung masasabi kong alerto ako.

The rest, well… walang pinagkaiba sa isang patabaing baboy…

Kain… kyawkyawan sa crew… follow-up sa susunod na eksena… nguya ng chewing gum… iPod… kain… kyawkyawan sa crew… follow-up sa susunod na eksena… nguya ng chewing gum… iPod… kain…

Napuputol lang ang siklong ito kapag umiihi ako o di kaya eh nagshu-shoot.

Ganun nga raw ‘yung kalakaran sa production… napakalaki ng pagkakaiba sa mabilis at estilong dokyu na trabaho sa Public Affairs.

Sa production kasi, maraming kailangang ayusin… props, make-up, artista, scripts… importanteng pulido ang bawat eksena bago mag-roll ang camera.

* * *

Alas-dose na ng hatinggabi… bumaba ako sa van para tanungin ‘yung Associate Producer kung anong oras gagawin ‘yung hinihintay naming eksena.

Alas-dos daw.

Ayos. Mapapaaga kami ng isang oras.

Naidlip muna ako.

* * *

Nag-alarm ‘yung cellphone ko ng alas-dos.

Pagkagising ko, bumubuhos na ang ulan sa labas ng van namin.

Tinext ko ‘yung Associate Producer: “Ma’am tuloy po ba ‘yung shoot?”

‘Yung cameraman ko na ang humirit… imposible na raw ‘yun dahil panigurado, sira ang audio nung taping dahil sa lakas ng patak nung ulan sa bubong ng set.

Hindi ako naniwala.

* * *

Alas-tres ng madaling araw.

Ihing-ihi na ako pero di pa rin ako makababa sa van namin dahil sobrang lakas ng ulan at sa me likod pa nung malayong canteen ‘yung CR.

Tinext ko ulit ‘yung AP: “Ma’am, patext na lang po kung tuloy pa rin ‘yung shoot. Pasensya na may emergency po kasi ‘yung cameraman ko, para malaman po namin kung magpapalit kami ng crew. Salamat po.”

Hindi sumagot ‘yung AP.

Tinawagan ko. Wala. Nakatulog na yata.

* * *

Maga-a las kuwatro, nagtext ‘yung AP: “Hindi na po tuloy ‘yung chroma shoot. Ngayon lang nag-decide kasi sobrang sama po ng weather. Tatapusin pa namin ‘yung ibang sequence. Salamat.”

Matapos ang humigit-kumulang walong oras ng paghihintay… na-pack up ang shoot.

Kung tutuusin, halos buong araw din pala kami run.

Bumuntong-hininga ako.

“Ok po. Thanks.” ang text back ko… with matching smiley sa dulo.

Ginising ko ang aming driver na sa tantya ko eh naka-complete sleep na naman.

Saka kami tumulak pauwi.

Eighteen hours. Ganun talaga, trabaho.

Napapikit na lang ako.

Mga Puna»

1. bluepanjeet - Oktubre 3, 2008

ang hirap ng trabaho nyo lenggai. Hindi ko kaya yung ginagawa nyo. although I once wanted to work in a journalistic field, pero sa nakikita ko ngayon baka kung ako nasa katayuan mo baka palagi ako may baon ng red bull o kaya rugby haha.

may tanong ako, do you have any day off? tsaka pag ganyan na 18 hours ang work mo may overtime ba yan? parang naniniwala na ako sa sinasabi ni Kara david sa isa nya interview na wala kayong holiday sa public affairs.

2. bluepanjeet - Oktubre 3, 2008

teka nagulat ako haha, ang laki nung avatar, buti na lang hidi mukha ko ang ginagamit ko na avatar kungdi mawawalan ka ng readers haha


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: