jump to navigation

Hi Fans! Oktubre 4, 2008

Posted by Lenggai in Boo!, Buhay-bahay, Featuring: Ako!.
trackback

Mapagmahal akong tao kaya hindi ako naniniwalang hindi ako lovable.

Kahit pa marami nang kumokontrang ebidensya — sa trabaho… sa mga ex-kaibigan ko… at sa kawalan ko ng lovelife hanggang ngayon.

Pagkatapos, ‘eto pang isa, nitong hapon lang, me natanggap akong text…

“Lenggai! Saw u wlking al0ng tm0g lst wik! Antaba mo na gurl! i th0ught u’re pregnant! Nlolosyang k na sa gma!”some baog secret admirer

Nasa biyahe kami nun at nagtatawanan ng crew ko… isipin niyo na lang kung paano unti-unting humina ang audio ng halakhak ko nang mabasa ko ‘yang text na ‘yan.

Nag-reply ako: “Sino ‘to?”

Hindi siya sumagot.

Matapos ang humigit-kumulang dalawang minuto… tumawag na ako.

Unang tawag: inubos niya lang ang ring.

Pangalawa: deadma.

Pangatlo: nag-busy tone sa pangatlong ring.

Pang-apat… pang-lima… pang-anim… wala.

Parang me kung anong de-susi na nag-click sa utak ko habang nire-recall ko ang listahan ng mga taong me natatagong poot sa akin.

Naging seryoso bigla ang mood ko… at napansin ‘yun ng crew ko. Ikinuwento ko sa kanila ang nangyari pero wala silang maisip na suspek.

Sinuri ko ‘yung pagkakatipa sa message, may naalala akong tao sa paraan ng pag-type nung text.

Lalong kumulo ang dugo ko.

Ishinare ko sa mga kabarkada ko ‘yung nangyari, pero wala sa kanila ang sumeryoso sa akin.

Makalipas ang isang oras na feeling artista akong iniintriga ni Cristy Fermin… naghahalakhakan na naman kami ng crew ko.

Pagkatapos, pasundot-sundot na lang ‘yung tungkol dun sa text… naging conversation piece na lang sa amin ng mga ka-close ko sa opisina.

Iisa lang ang palaisipan namin: sino ‘yung nag-text?

Muntik nang dumating sa punto na gusto ko ulit tawagan ‘yung gago, kaso ano’ng point?

Itinigil ko na ang pag-iisip.

Feeling ko naman, kung kaya niyang pag-aksayahan ako ng piso, malamang eh nagbabasa siya ng blog ko.

So, para sa’yo:

Alam kong malaki na ang inilaki ng malinamnam kong katawan kumpara sa hubog ko noong unang araw ko sa trabaho… wala eh, ganun talaga kapag medyo lumalaki ang suweldo. Nakakakain ka ng masarap.

Sana sinabi mo na lang sa’kin yung mga obserbasyon mo sa figure ko nung nakita mo ako sa Timog. At least kung kilala kita, masasabi ko kung karapat-dapat ka ba talagang maging kritiko ko.

Eh sa tono mo, tingin ko eh hindi ka naman kagandahan/kaguwapuhan.

Pero OK lang kung ayaw mo rin akong makaharap, sabagay, nakakatakot akong magalit.

Baka umiyak ka, matawa pa ako sa’yo.

Sana rin, sinasagot mo ‘yung mga tawag ko sa’yo. Cellphone lang naman ‘yun eh… pramis, hindi kita sisigawan.

I’ll be gentle.

In fairview, medyo pinaisip mo ako kung sino kang bakla ka.

I just assumed na bakla ka kasi wala naman sigurong lalaki na hihirit ng ganung kabaklaan di ba? (pasintabi na sa mga kaibigan kong bakla)

Kung babae ka naman, eh wala ka pala eh… dinadaan mo pa sa text ‘yung inis mo sa akin.

Akala mo ba, made-depress ako dahil sinabihan mo akong mukhang buntis? Sus! Magtatatlong taon nang lumalaki tiyan ko… kung ikababawas ng pagkatao ko ang pagiging taong-butete ko, dapat dati pa ako nagsimulang mag-sit-ups!

And mind you, kaya ko siya, pero nakakatammmaaaadddd…

At nalolosyang na ako sa trabaho? Sabagay, stressed talaga ako.

Bukod kasi sa producer ako, team leader pa ako. Pero thanks for bringing that matter to my attention.

Magbo-blower na nga ako.

Also, pakyu!

Uulitin ko lang ‘yung sinabi ng Papa ko sa akin nung inaway ako ng isang miyembro ng paborito kong Pinoy band: you’ll get famous either by controversy or sheer luck.

The mere fact na ayaw nilang luray-lurayin ako ng harapan… imbes na mabanas, napapangiti na ako.

Mga Puna»

1. Jim - Oktubre 4, 2008

Well, malamang kaklase mo siguro nung college, so ma-narrow down mo na sa list na yan or kabarkada mo dati. Talagang nakakapika yan kapag sinabi sa iyo ang isang bagay na that you would normally accept ‘cheerfully’ pero problema hindi eh. nang-uulot ba?!haay… bayaan mo na lang sila–iba na talaga ang sikat!😉

2. Jon Cabron - Oktubre 6, 2008

siguro ako magkakaron ako ng konting ilang pag sinabihan ako nun kung yung buhay ko e katulad pa rin dati na umaaasa lang sa magulang ko.. yun ang pwede akong mahiya dahil wala pa akong lisensya na magpalaki ng tiyan nung mga panahon na yun, pero ngayon.. sus! nasa atin ang lahat ng karapatan!

Jon Cabrons last blog post..hmmmback!

3. AZRAEL - Oktubre 6, 2008

so nagsimula ang inis dahil sa “taba/pregnant” comment sa text. wag mo na paiinitin ulo mo dyan. hindi ka nag-iisa. malaki rin ang tyan ko at tulad mo, ang dahilan nyan ay may maganda akong trabaho, kumakain ng sampung beses isang araw dahil marami akong pera na pambili ng pagkain!!!

AZRAELs last blog post..Ang pinakamagandang tunog sa buong mundo…

4. miss choi - Oktubre 6, 2008

aliw🙂
hindi ko kinaya yung paggamit nya ng salitang “gurl”. Para sa kin yan ang pinakamalaking senyales na idiot ang isang tao.

miss chois last blog post..Soap Opera

5. dompy - Oktubre 10, 2008

to be honest, i really hope it’s not a guy. may “gurl” na nalalaman sa bokabularyo nya, susme! *no offense to our friends*

baka naman inggit cya kasi may pangkain ka, cya wala. LOL!

dompys last blog post..Thinking of baby names — Part 2

6. taps - Oktubre 12, 2008

hehe nakakainis nga yung mga humihirit ng ganun, lalo na kung di naman kayo close.

sarap balian ng leeg.

tapss last blog post..Forbidden Pictures


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: