jump to navigation

The post on post-mortem Oktubre 5, 2008

Posted by Lenggai in Ang Network Ko.
trackback

POST-MORTEM MEETINGS… sa broadcasting, ito ‘yung takdang araw kung saan nagbabalik-tanaw ang staff ng isang programa sa mga kaganapan ng nakaraang episode.

Mula sa pre-production, hanggang sa editing, hanggang sa umere na segment at mantakin ninyo… pati ang reaksyon ng mga manonood sa umereng episode, sinusuri at pinag-uusapan sa araw na ito.

Kung tatanga-tanga ka noong nakaraang linggo, puwedeng ang tingin mo sa ganitong mga araw eh delubyo. Pero para sa mga lumikha ng “valedictorian” stories… ito ang panahon na inuumpog ka ng mga kasamahan mo sa langit sa dami ng papuri.

Mag-a-anim na taon na rin akong umaattend ng PM, at hanggang ngayon, experience pa rin siya para sa akin.

Linggo-linggo, marami kang matututunan, at gaya nga ng sabi sa famous mantra naming mga nasa TV: “You are just as good as your last story,” hindi puwedeng kada PM eh pasko.

Puwedeng ikaw ang bida sa linggong ito, pero sa susunod, ikaw naman ang stuntman… ang dakilang tagatanggap sa lahat ng suntok at sipa ng taumbayan.

Mga Puna»

1. fjordz - Oktubre 5, 2008

hmm… parang buhay lang.. minsan ikaw ang nasa tuktok minsan ikaw ang nasa ibabaw… naranasan mo na bang maging bida at stuntman?

http://fjordz-hiraya.blogspot.com

fjordzs last blog post..Kapayapaan.

2. vhonne - Oktubre 5, 2008

pero nasubukan mo na din bang maging EXTRA?

tulad ko.. nakiki-extra dito…

vhonnes last blog post..Sumusobra Ka Na!

3. Jim - Oktubre 5, 2008

yan ang necessary evil–evaluation.πŸ˜€ pero dapat talaga magsigsa sa mas maayos na trabaho at tama ka, sometime, ‘you are just good as your last story’ (problema kapag palpak, eh ‘di markado!) weheheh

Jims last blog post..Global Warming Refugee

4. potsquared - Oktubre 5, 2008

naranasan mo na ba lenggai na hinid ikaw ang bida at stuntman.. parang manonood ka lang.. or ikaw yung cameraman?

potsquareds last blog post..napuna ko lang….

5. Egos and Evaluation « Blogbastic! - Oktubre 6, 2008

[…] recalled Lenggai and her post about post-mortem meetings when they hold evaluation meetings in the broadcast industry. Now, I guess with this one, they […]

Lenggai - Oktubre 5, 2008

of courses! leading lady… kontrabida… extra… poste… name it!

kapag sumasabit ako sa glory/failure ng sinalo kong shoot, ayun nagiging extra ako… ang dakilang palabok sa kuwento.

salamat sa pag-extra!

Lenggai - Oktubre 5, 2008

oo naman! at madalas… ako ‘yung stuntman. lol!

6. ezraulo - Oktubre 7, 2008

Oo nga na “you are just good as your last story”. But remember, sa kada tapos ng PM na ikaw ang stuntwoman, don’t feel bad. After all, your story does not entirely define who you really are.

ezraulos last blog post..Making a Difference

Lenggai - Oktubre 5, 2008

madalas, nakakapikon pag nagiging markado ka, kumbaga sa papel, ang makikita ‘yung tuldok sa gitna.

7. lilmiz - Oktubre 12, 2008

may datkom ka na pala, ate.. congratz!πŸ˜€ .. ayan update ko na link ko.. buti at may PM kayo lagi, kasi sa work ko nagpi-PM lang kung may palpak na nangyari lolz kaya takot ako ma-kasali ng PM, stuntman kasi for sure haha

lilmizs last blog post..hay naku..

8. taps - Oktubre 12, 2008

ang hirap pala, di pala pwede ikaw ang laging bida…

tapss last blog post..Forbidden Pictures

Lenggai - Oktubre 5, 2008

kapag wala akong story, kapag naka-break ako… kasama lang ako sa taumbayan.πŸ˜€

9. BOwe - Oktubre 13, 2008

Hmm…ang lalim ng pinagdukutan ha. Basta para sa akin si Lito Lapid ang stuntman for all seasons.. Wala lang gusto ko lang i-share. Hehe!

10. watusiboy - Oktubre 18, 2008

sinong mga manonood ang kinukuha nyo para magcomment? hehe.

pangarap ko kasing maging commenter ng mga tv programs. hehe. isa yun sa mga dream jobs ko. yung magcocomment ka lang tapos babayaran ka. haha.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: