jump to navigation

Spit, then swallow. Oktubre 15, 2008

Posted by Lenggai in Boo!, Kritiko/Panatiko.
trackback

Habang ginagalugad ko ang profile ng isa kong kaibigan sa Friendster, nabasa ko ang mensaheng ‘to sa isa sa kanyang mga comment:

Biglang nag-flashback sa akin ‘yung mga gabing katatapos lang namin sa editing at ginagawa naming reward/comfort food ang Spicy Beef Stew ng Pho Hoa.

Bumalik din sa panlasa ko ‘yung amoy nung karne na hinaluan ng pinigang katas ng lemon at dahon ng laurel.

Ahh, ang sarap…

Tapos hihingi ka ng panulak at bibigyan ka ng isang basong puno ng yelo… pagsalin mo nung Sprite, me lulutang na bula, tapos me kahalong greenish na malapot na likidong umiikot-ikot kasabay nung mga nagbubungguang yelo… kadireeee!!!

Humigit-kumulang apat na taon na ang nakalilipas, ginawan namin ng istorya ang food sanitation sa mga kainan dito sa Metro Manila.

Karamihan sa mga pumapalya rito eh ‘yung mga pinakamasasarap na kainan: Chinese Restaurants (nakakita na ba kayo ng kusina ng authentic Chinese Restaurant?) at tapsilugan (tipong me lasang ipis ‘yung kubyertos at amoy-laway pa minsan ‘yung bunganga ng baso).

Tapos may kakilala pa ako na dating waiter sa isang sikat na hotel sa Makati… kapag demanding at matapobre raw nung customer, ginagantihan nila sa pamamagitan ng pagbaboy sa order nung tao.

Minsan daw, me order sa kanila na steak, eh hindi raw niya nagustuhan ‘yung timbre ng boses nung customer nung nag-request ito na ipaulit ‘yung luto nung karne… bago niya i-serve ulit, pinagpag-pagpag muna niya sa sahig ‘yung karne, sabay dahak…

Hindi naman daw mapapansin ‘yun kasi aakalain nung kumakain paminta lang ‘yung dumi, tapos ang dali lang ihalo nung dura sa sauce.

True story po ito. Walang halong imagination.

Ang unfair lang kasi may mga pagkakataon din naman na kabembang-bembang ang ginagawa nung mga serbidor sa restaurant.

Katulad na lang nung two weeks ago, kumain kami sa Mann Hann sa Trinoma.

Linggo, family day kaya inaasahan mo na kahit papaano, makakapag-relax at bonding moments kayo ng pamilya mo.

Simple common sense na lang din sa part nung waiter na kapag may order na dessert, hindi mo siya isasabay sa main course, maliban na lang kung ni-request nung customer. Nung dumating ‘yung buko pandan namin kasabay ng Steamed Fish na order namin, pinagsabihan ng tatay ko ‘yung waiter.

Ang gago, sumagot pa.

Kesyo may ibang customer daw na nagrerequest na isabay daw iyon sa pag-serve ng main course.

Kinorek siya ng Papa ko: “Eh ibang customer ‘yun, ibahin mo kami!”, pero nakipagsagutan pa rin ‘yung waiter.

Automatic, sa ganung mga pagkakataon, ang susunod na bukambibig ng tatay ko eh nasan ‘yung manager, eh kaso ang dami pang hindi naseserve na ulam sa amin. Naalala ko bigla ‘yung kuwento nung kakilala ko.

Kahit alam kong nasa tama ang tatay ko, pinakalma namin siya.

Bad trip naman talaga ‘yung waiter (sayang hindi ko nakuha ‘yung pangalan), pero ayoko namang kumain ng may agam-agam na baka habang dinadala niya ‘yung pagkain sa amin eh nakadutdot ‘yung mga daliri niya sa ulam namin.

Natapos ang araw nang hindi namin naireklamo ‘yung gago. Napagdesisyunan naming gawing positive energy na lang ang tema ng araw kesa mag-dwell sa kaangasan nung waiter nila.

Nakakainis kapag naaalala ko… lalo na’t alam kong nasa tama kami.

Pero kapag pagkain ang usapan, sagrado ‘yan.

Ang saklap isipin, pero hangga’t wala tayong paraan para masigurong malinis at may respeto ang paghahanda sa mga pagkaing inihahain sa atin, nasa mga serbidor pa rin ang huling halakhak.

Maasar man sila’t gumanti sa pamamagitan ng paglapastangan sa order natin… wala tayong laban.

Mga Puna»

1. dompy - Oktubre 15, 2008

about your Mann Hann experience, same thing different restaurant yung sa min. the key is to complain after you’ve eaten, provided na maayos naman ang food. diretso sa manager, pero wag magtataas ng boses. or pwede rin na umalis na lang kayo, di nyo pa naman nababayaran yung di na-serve na pagkain, debba?🙂

dompys last blog post..“Why him?”

2. Lenggai - Oktubre 15, 2008

ahhhh… could-ve beens! oo nga no? sayang, sana pala hindi na lang namin binayaran… useful tip yan domps, nakakapikon din sa part ng resto kasi niluto na nila yung food, thanks!

3. potsquared - Oktubre 15, 2008

naku.. mother ko ang mahilig mag complain.. minsan sinasabihan namin na wag na kasi nga alam din namin ang gantihan sa mga restaurant na ganyan… nakakainis nga lang.. yung mga customer na ok naman.. nilalapastangan ng mga nagseserve… at may mga customers naman.. akala mo kung sino kung mag utos sa mga waiters/waitress… sana nga lang magkaroon tayong mga pinoy ng self-evaluation at laging iisipin.. paano kung tayo ang nasa kalagayan nung taong gagawa/gagawan nun?

potsquareds last blog post..Emcee Mwahugz…

4. R.J. - Oktubre 15, 2008

tama, nasa kanila nga ang huling halakhak. ang laban na lang natin eh isiping malinis pa rin ang kinakain natin para hindi mandire. hehehe. naalala ko yung video sa email na ipinanghalo nung waiter yung t*te nya sa beer nung customer. siyempre sige lang ang tungga nung kawawa. hehehe.

R.J.s last blog post..once upon a rainy day

5. taps - Oktubre 16, 2008

ang gago naman nung mga waiter na sablay.

Authentic na chinese restaurant ba kamo?

Sa delicious sa binondo! champion dun!

Kahit alam nyong madumi, masarap pa ren.

Nakita nyo na kusina nun? Lahat ng kusinero walang t shirt, apron lang. Tapos nanggigitata sa pawis.

Pero champion pa ren!

tapss last blog post..Betlogers.

6. vhonne - Oktubre 16, 2008

hindi lang naman sa sikat na resto nangyayari yan eh… sabi nga ni jojitah sa blog niya… nung minsang naging burger stand crew siya… may pagkakataon din na gumagawa sila ng hindi kaaya-ayang bagay sa pagkain para lang makaganti sa magaspang na ugali ng customers…

buti na lang lagi akong mahinahon… hehehe

vhonnes last blog post..First Time Ko

7. Mahalia - Oktubre 18, 2008

nakakatakot nga yang ganyan, paano kung may sakit yung taong nagdudura? ay naku imbes na LBM lang ang makuha ay ma confine pa dahil nagkaTB. ngiii!

Mahalias last blog post..The Famous Joe the Plumber

8. watusiboy - Oktubre 18, 2008

ang mga chinese talaga.. kung ano ano ang napapagtripang ilagay sa mga pagkain. may narinig akong kwento na may isang fast food chain na naghahalo ng dugo ng ahas para mas masarap daw ang pagkain. ang weird. hindi ko alam kung totoo yun.

kultura na ba yan among waiters? wag naman sana. nakakabadtrip kung patalikod lumaban.

9. brainteaser - Oktubre 20, 2008

Pho Hoa?!

Waaaa! And too think na may gusto ako sa kanila. Huhuhu!

I heard of stories like these, pero wala pa ako so far naranasan na mga kalokohang ganyan (or hindi ko lang alam?)

May mga pagkakataon na rin kasing nakipagtalo ako sa waiter. Tsssskkk…

10. smonsummode - Disyembre 29, 2008

hello! I like your site 🙂
If u are looking for Paid Surveys this is the site for u.
Start advancing your paychecks at http://tinyurl.com/96nxz8


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: