jump to navigation

P(a)utangnanaman!!! Oktubre 24, 2008

Posted by Lenggai in Featuring: Ako!, Lipad-isip.
trackback

Me listahan ako ng mga taong me utang sa akin at ng mga pinagkakautangan ko.

Madali kasi akong makalimot.

Pero hindi ba’t sa tingin ninyo eh isang uri ng phenomenon ‘yung pakiramdam na nahihiya kang maningil sa taong me utang sa’yo?

Phenomenon kasi ang weird… sila ‘yung may utang, pero imbes na sila ang mahiya, ikaw ang naiilang kumuha nung pera na — in the first place — eh sa’yo naman talaga.

Ganun kasi ako.

Parang napopobrehan ako sa sarili kong maningil lalo na kung ka-close ko ‘yung tao.

Parang pakiramdam ko, since BFF tayo, eh dapat automatic na rin sa’yo na… mahiya makaalala.

Kung iko-compute ko ang lahat ng perang naiawas ko sa mga mahal ko sa buhay at sa mga taong… sabihin na natin eh hindi ko naman ka-berks… nagkakahalaga na iyon ng sobra-sobra pa sa suweldo ko sa isang buwan.

Malaking pera kapag kinubra ko… pero gaya nga ng sabi ko: producer ako, hindi bumbay.

Ewan ko kung ako rin ang may kasalanan.

Kapag me sobra ako, madulas ang kamay ko pagdating sa mga taong me simpatiya ako.

Para kasing “bangko”ang tingin ko sa kanila.

Hindi rin kasi ako ‘yung tipo na magaling mag-impok.

Siyam na taon na akong kumikita (kasama ‘yung sa University paper namin noon) at pitong taon na akong nagtatrabaho… pero ang tanging maipagmamalaki kong “savings” eh ‘yung laman na tigli-limang piso nung alkansya kong baboy na kulay green.

Wala rin akong tiwala sa sarili ko pagdating sa bangko-bangko na ‘yan.

‘Yung passbook ko sa BDO?

Maintaining balance na lang ang laman. Nasimot nung nagbayad ako ng insurance nitong nakaraang linggo (oo, insured ako, para sakaling mabunggo kami ng Joanna Jesh papuntang Ilocos mamaya, me pang-cremate sa akin ang mga magulang ko… knock on wood!).

‘Yun namang ATM ko sa BPI, ganun din. Me lamang extra na isang libo. Iwi-withdraw ko kapag napipilitan na akong mag-lunch ng fishball.

Kaya siguro hindi ako pinahintulutang magka-boypren muna ng Diyos eh, ‘pag nagkataon at nagyaya siya ng kasal, baka hanggang civil lang ang makayanan namin… tapos ‘pag nagkaanak kami, am na lang ang ipapainom ko run sa bata.

Kung ganito pa rin ka-waldas ang lifestyle ko, ang pag-asa ko na lang eh makapag-asawa ng dolyar ang kinikita… aba, eh kinarir ng mga magulang kong palakihin kami ng kumportable kaya wala akong balak gawing gusgusin ang mga magiging supling ko.

Pero mabalik nga tayo sa usaping paniningil ng utang… naisip ko lang naman na magsulat ng entry tungkol dito kanina, habang papauwi ako.

May mga kailangan kasi akong ayusin at kailangan nito ng malaki-laking halaga.

Kaya nga kinailangan kong kumubra.

May mga mabubuting-loob na nangakong babayaran ako (siyempre biglaan, so makatarungan naman siguro na bigyan ko sila ng palugit?), pero may iba na… diretsahan talagang sinabi na hindi nila alam kung kelan nila ako babayaran dahil sila rin daw eh me mga sinisingil pa na hindi pa rin nagbabayad sa kanila.

Hindi ko alam kung anong klaseng kapangyarihan ng kaplastikan ang tangan ko at nagawa ko pang ngumiti at tumango na lang dun sa kapalmuks na ‘yun…

Ako: “Ok lang, sensya na ha, kelangan ko lang talaga, so, try mo na lang next suweldo natin?”

Translation: “Tangna naman ‘te! Problema ko pa ba naman ‘yun? Eh pota isang taon na ‘yung taenang tatlong libo na ‘yan eh! Konting hiya naman dude, pera ko pa rin ‘yan!”

Siya: “Basta, babayaran kita. ‘Pag me extra ako, ibibigay ko sa’yo.”

Ako: “O sige. Next suweldo natin, kunin ko na lang?”

Translation: “Kahit pasampu-sampung piso kada araw? Cannot be pa rin? Pota eh san napupunta kinikita mo eh andami mo kayang raket?!”

Siya: “Bahala na. Basta. Pasensya na. Wala rin ako eh.”

Ako: “Oki.”

Translation: “Pakyu ka! Eh ano pa nga bang magagawa ko?”

Alam niyo ‘yung pakiramdam na uhaw na uhaw ka tapos nasimot mo na ‘yung laman nung bote ng mineral water mo?

Tinataktak mo pa siya sa bibig mo, hoping na me lalabas pa, pero gapatak na lang ‘yung tumutulo. Masakit sa dibdib di ba? Gusto mo pang uminom, pero wala ka nang choice kungdi itapon ‘yung bote.

Me listahan ako ng mga taong me utang sa akin at ng mga pinagkakautangan ko.

Dun sa listahan, mas mahaba ang utang ko sa sarili ko. Awa ng diyos, wala na akong utang sa ibang tao. Pinapaikot ko kasi ‘yung perang natitipid ko, hanggang sa mangailangan ako… o ang ibang tao, kaya nauubos sila.

Kung ayoko ng pakiramdam na may sinisingil ako, ayoko rin ng pakiramdam ng sinisingil ako.

Pero next time, magdadalawang-isip na ako pagdating sa mga taong pagkakatiwalaan ko.

Ang dami na ring samahan ang nasisira, basta pera ang pinag-uusapan.

Alam kong kinikita rin ‘yan, pero mas malalim ang tingin ko sa tiwalang nakakabit dun sa perang pinagpawisan ko.

‘Yung mga bagay tulad ng prinsipyo at respeto na ginagawang charge to experience na lang… ‘yun ‘yung tipong sisingilin ka pa rin, kahit bayad ka na.

Mga Puna»

1. reese - Oktubre 24, 2008

hainaku ate…
ilang beses na rin ako nabibiktima niyan. minsan yung mga taong akala mo mapagkakatiwalaang magbayad, sila yung hindi marunong tumupad sa usapan. tapos patawa pa kasi, kapag sumisingil ka, ikaw pa yung parang ngbe2g sa kanila na mgbayad. i don’t get it! nagpahiram tayo nung oras na may pangangailangan sila diba? how come na hindi tayo mabayaran sa oras na kailangan na natin yung pera?
i’m sorry to generalize all pero…sometimes kapag kikilatisin mo yung mga taong umuutang, marami sa kanila ang hindi lang marunong magtipid – meaning their lifestyle is beyond their means. dapat kasi wag na sila mamerwisyo e.
grrrrrr!
marisse galit.

reeses last blog post..Et tu?

2. dompy - Oktubre 24, 2008

iniisip ko tuloy kung me utang ba ako sa yo… ala naman, debba?😛

dompys last blog post..When hubby feels guilty…

3. libay - Oktubre 24, 2008

Yan talaga ang pinakamahirap ang maningil… Kasi ikaw pa yung mahihiya dahil pakiramdam mo ikaw ang nanghihiram sa kanila kapag kinukuha mo na yung pera mo … hay!

At isa pang phenomenon yung dahil alam na may pera ka… pag hindi ka nakapag pautang… masama yung ugali mo😛 kahit napahiram mo na silang minsan…😛

libays last blog post..DUI

4. potsquared - Oktubre 24, 2008

ganyan din ako.. nahihiya akong maningil.. kasi nga dapat may kusa silang magbayad.. kung makapal mukha nilang mangutang. makapal din dapat mukha nilang magbayad.. eh minsan kapag nakasalubong mo.. iiwas ng tingin… ang solusyon ko jan.. dinadaan ko sa biro.. “pare, balita ko sweldo na natin bukas.. at nalaman ko na nagvolunteer na ang 1000 pesos mo pambayad mo sa akin..” tapos tatawa kami.. tapos sasabihin niya.. “ayy oo nga pala.. sige pre.. babayaran kita bukas..” langhiya.. nakalimutan niyang may utang siya! syet! dapat may pirmahan para walang kalimutan!

potsquareds last blog post..the wrestler..

5. kurokuro - Oktubre 25, 2008

may utang ba ako sa iyo?

6. fjordz - Oktubre 25, 2008

naku! hindi lang ikaw ang nakakaranas ng ganyang phenomenon ek ek na yan hehehe.. maski ako! grabe nga e.. madalas pa ikaw pa tong nakokonsensya…

kung bakit kasi may mga taong gaya nila… hahahaha!!

http://fjordz-hiraya.blogspot.com

7. Dx - Oktubre 25, 2008

wahahaha!!! buti na lang wala na ako sa listahang iyan!!! dapat pala nagk-keep din ako ng may mga utang sken e.. pwede ba ako mag-post ng blog entry inspired by this entry?😛

(lech ka A, minumura mo pala ako nung sinasabi mong ‘ok lang dx’ ha! hamp! hahaha)

Dxs last blog post..original Nike and Air Jordan shoes for sale

8. Jon Cabron - Oktubre 25, 2008

kaya nga ako nangungutang dahil gipit ako e!!!!!
walang gipitan!

9. bebenibadoodles - Oktubre 29, 2008

At the end of the day, sabihin na natin na for selfish reasons lang, mas maganda pa rin na ihulog mo na lang sa banko yung extra na pera mo. At least yun para mo na rin pinautang kasi hindi mo hawak yung pera pero at least naman hindi ka na mukhang kawawa na maniningil sa mga tao na para bang ikaw pa ang may utang na loob sa kanila.

bebenibadoodless last blog post..memo from god


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: