jump to navigation

Isipin mo na lang… Oktubre 25, 2008

Posted by Lenggai in 'Tong Linggong 'To, Barag-baragan, Boo!, Coverage.
trackback

Ang iniisip ko noon, sakaling may mangyari sa akin, gusto ko, habang nagtatrabaho ako.

Una, kontrobersyal ka.

Pangalawa, sisikat ka.

Pangatlo, umexit ka na ginagawa ang bagay na gusto mo.

Pero noon ‘yon.

Ngayon, kapag may mga pagkakataong hinahamon ka ng tadhana sa hiling mo, napatunayan ko sa sarili ko na ayoko pang mawala.

Una, gusto ko pang mag-asawa.

Pangalawa, gusto kong sumikat… sa magandang paraan… atsaka tipong dilat ako’t humihinga.

Pangatlo, hindi tamang mamatay habang naghahanap-buhay ka.

Kanya-kanya tayo ng kapalaran.

Marami pa akong dapat asikasuhin… pero nagpapasalamat lang ako dahil sa gabing ito, nakakapagsulat pa ako ng entry sa loob ng isang kumportableng hotel sa probinsya.

Mga Puna»

1. libay - Oktubre 25, 2008

Ingats Lenggai.

libays last blog post..Born October

2. Mahalia - Oktubre 26, 2008

may rss feed ka ba para maging dakila mo akong istoker, ilang pikit mata lang akong di nakarating dito ay isang nobela na ang nag babasahin kong update. nag-hahanap ako ng feed subscription pero di ko makita. Baka bulag lang talaga ako.

Talagang maraming pagbabago ng isip ang ginagawa ng panahon at ilang mga birthday na dumadaan ano?

Mahalias last blog post..Two Awards

3. potsquared - Oktubre 27, 2008

talagang nasa hotel ka no.. ang sossy mo talaga lenggai.. basta ingats lang…

potsquareds last blog post..heroes.. kuno..

4. Jon Cabron - Oktubre 27, 2008

ingat lang, gusto ko na pag nagkita tayo e pareho naman tayong nakadilat.

pero kung anu’t ano man, naka save lahat ng mga huling text mo sakin.

5. Jon Cabron - Oktubre 29, 2008

oh at nagtext ako kagabi at hindi ka nagreply, kaya kung nasan ka man, sana payapa ka at masaya..

6. kengkay - Oktubre 29, 2008

hay lenggai, hindi talaga natin alam kung kelan na tayo. imagine, itong mom in law ko died a just a few days ago. kahit na 85 years old na sya, shock pa rin kami kasi ang bilis ng pangyayari. ay, ang morbid ko naman. basta magpakasaya ka dyan sa hotel, mag room service ka at pengeng picture😀

kengkays last blog post..naniniwala ba kayo sa multo?

7. fjordz - Nobyembre 1, 2008

kung sabagay, marami pang dapat gawin bago mo isipin ang pagakawala mo..

pero kasama siya yata sa mga ginagawa natin, di ba pag humihiling tayo, ang ginagawa nating standard limitation ay ang kamatayan. Na sana, bago man lng tayo mamatay, maging ek ek or magakroon ng ek ek.. ganun?

hehehe.. bangag lang ako,

http://fjordz-hiraya.blogspot.com


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: