jump to navigation

Katatakutan Oktubre 31, 2008

Posted by Lenggai in Coverage, Featuring: Ako!.
trackback

So trip mong mag-shoot ng mga pang-halloween special sa TV?

1. Kailangan, matiyaga kang manood ng horror movies. The best ‘yung Asian Horror flicks. Para alam mo kung ano ‘yung video treatment na baduy pero nakaka-atake ng puso.

Ok din ‘to kapag wala ka namang karanasan sa mga multo-multo.

Hindi ito applicable sa mga taong may third eye.

2. Nakakatulong din kung matalas ang mata mo sa mga detalye. Tipong madali kang ma-paranoid sa mga munting kaluskos sa paligid. You’ll never know what you can capture on video.

Applicable naman ‘to sa mga taong may third eye.

3. Dapat handa rin kayong magpuyat.

Cliche, pero understood naman na kapag may ghost-hunting, ang perfect roll time eh alas-dose ng hatinggabi.

Sinong nerdo naman ang matatakot sa mga nag-go-ghost hunting ng tanghaling tapat?

‘Eto walang koneksyon kung me third eye ka man o wala. Kelangan lang masipag ka.

4. Kailangan mo ring maging matapang.

HIndi kasi nakakatulong kung pare-pareho kayong matatakutin ng crew mo. Kung kayo-kayo ang nagtatakutan sa location, wala kayong matatapos na trabaho… wala kayong makukunang multo.

5. Kailangan ding maging open-minded sa lahat ng klase ng tao.

Siyempre, halloween special nga eh. So ibig sabihin, kailangan mo ring makipag-palitan ng kuro-kuro sa mga paranormal expert.

Kahit pa hindi ka naniniwala sa mga tikbalang eh, kelangan maging bukas ang isipan mo sa posibilidad na me tikbalang ‘yung alaga mong bonsai… kung ayaw mong mawalan ng resource person sa segment mo.

Next time: paranormal experts…

Mga Puna»

1. reyna elena - Oktubre 31, 2008

pwede ka ring mag-spirit of the glass ateng! hehehe!

2. fjordz - Nobyembre 1, 2008

seseryosohin ko tong post mo na to…

ang pina ka epektib sa akin na Halloween special ng isang News and Current Affairs show ay ang Halloween Special dati ng MGB.

Or, siguro, yun lang kasi yung naaalala kong News and Current Affairs-affiliated show na kinatatakutan ko nung kabataan ko pero pinapanood ko tuwing Halloween season..

http://fjordz-hiraya.blogspot.com

fjordzs last blog post..YFC MetroCon Nonstop Memories

3. watusiboy - Nobyembre 1, 2008

nung bata ako, patok na patok sa akin yung mga reenactment ng multo. ngayon, parang ang dami na kasing gumagawa. parang mas click na yung may nahahagip na totoong multo sa camera.

4. potsquared - Nobyembre 2, 2008

basta pag gumawa ka ng segment.. yung soundtrack ang gandahan mo… yung parang makapigil hiningang tugtugan…

potsquareds last blog post..emoteroā€¦.

5. paspasero - Nobyembre 3, 2008

dabes pa rin yung halowin special ng imbestigador last year!

paspaseros last blog post..Sa Kalye ng Lungkot

6. miss choi - Nobyembre 4, 2008

hindi ko tinapos yung mel and joey halloween special kasi naloka ako. katakotšŸ˜¦ pero yun sa inyo pinanood ko kasi di naman ganong nakakatakot, slight lang hehe.

in case you didn’t know eh nakikita ko ang mga dead peoples minsan at hindi sya magandang pakiramdam. pakitanong naman sa paranormal expert kung pano tangalin tong 3rd eye na to

miss chois last blog post..Double Apple Celebration

7. M - Nobyembre 6, 2008

Matinik talaga yung segment ng MGB dati, yung ma balahibuhing lalake pati yung may nagwawalis sa tabi ng kalsada tapos nung binalikan nila, nawala na.

Hindi na ako makapagsubaybay ng mga ganyang palabas ngayon kasi wala na akong kasamang manood sa probinsya namin. Either lasing o tulog na.

Syempre hindi nawawala dyan yung matandang babae na laging pumapapel na white lady sa mga pelikula at holloween segments. Ano nga kaya ang pangalan niya?

8. jude - Mayo 3, 2009

kung gusto nyo ng haunted hotels
meaning gusto nyong makarinig maka experience ng ghosts manifestations just e mail me and i will tell you where
been to 1 hotel in bangkok
at grabe ang manifestation ng ghosts dun
meron pa akong na capture sa cam ko
meron din d2 sa pinas
hotel as in 4 star hotel (ang manifestation naman d2 sa cel cam at nagpaparamdam at parinig)
at meron din 1 resort sa cavite(d2 naman sa resort nato sa cel cam din.orbs at figures.ang dami naming na capture)


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: