jump to navigation

Halloween Photos Nobyembre 2, 2008

Posted by Lenggai in 'Tong Linggong 'To, Coverage, Featuring: Ako!, Shutter.
trackback

Katatapos lang ng Halloween episode namin.

Gusto ko sanang magkuwento tungkol sa mga naranasan ko nitong mga nakaraang araw… pero siguro, mas mabuting simulan ko na lang muna sa mga litrato.

Alam niyo naman ako, mahilig ako sa litrato.

Welcome to Laoag, Ilocos Norte!

Ang kapitolyo ng Ilocos Norte:

First time kong gumamit ng DSLR camera sa coverage, usually, cellphone camera ko lang ang gamit ko dahil bukod sa magaan, maganda naman ang quality nito.

Ito naman ‘yung kuwarto ko sa hotel (Balay da Blas sa Laoag, Ilocos Norte).

Maganda rito kasi may WiFi… hanggang sa first floor nga lang (at sa first floor ang kuwarto ko).

Minsan lang ako magkakaroon ng postcard shot… and yes, I’m at the historical Paoay Church.

Team Ilocos at Paoay Church (from left: assistant cameraman, segment producer, cameraman and driver).

And now, for the coverage part.

Una naming pinuntahan ang Limay, Bataan.

Dito raw ‘yung site kung saan naganap ang ilang extra-judicial killings.

Pagkagaling ng Bataan, dumiretso na kami sa Ilocos Norte.

Nag-shoot naman kami run sa simbahan ng Santa Monica sa Sarrat.

Kilala bilang ang pinakamalaking simbahan sa Ilocos Norte, dati raw itong administration building. Hanggang ngayon, marami pa rin ang naniniwalang dating may garrote at torture chamber dito.

Maraming mga turista ang dumarayo rito dahil sa “myth” na ‘yun. Pero ayon naman kay Rev. Romualde Batoon, parish priest ng Santa Monica, walang documentary evidence na magpapatunay na dati itong garrison.

Nevertheless, photographer’s haven ‘yung lugar.

Nagtataka nga ako kung bakit hindi pa rin ito ginagawang heritage site tulad ng Paoay church.

Church interior (in this shot, camera phone na ang gamit ko).

At ito naman ang pinakadinadalaw na parte ng Santa Monica.

Sa maliit na butas sa dingding daw nakalagay noon ‘yung garrote.

This time, I have to agree with Fr. Batoon, masyado yatang maliit ‘yung butas para sa garrote.

Sabi naman ng mga paranormal expert namin, maaaring ito raw ‘yung passageway papunta sa kuwarto kung saan nag-ga-garrote.

Ito naman ang pinaniniwalaan noong hall of justice. Dito raw hinahatulan ng mga prayle ang mga kriminal noong panahon ng mga kastila.

Pero siyempre, ang sabi ni Fr. Batoon, parte lang ito ng convent ruins.

Dito naman daw ‘yung “torture chamber.”

‘Yung dalawang poste ang sinasabi nilang lugar na pinagtatalian ng mga pasaway na sakristang hinahagupit para tumino.

Wala itong documentary evidence… bukod dun sa period movies ni FPJ.

Very romantic setting. Dito raw ‘yung daanan ng mga kalesa na pumapasok sa kumbento noon.

Just like in the movies, para kang nagti-trip down memory lane.

Sa ganda ng setting sa lugar na ‘to. Makakalimutan mo nang matakot.

Maliban na lang siguro kapag gabi na.

Ito ‘yung hagdanan sa kumbento. May namatay na raw ditong pari noong panahon ng away ng mga Aglipay at simbahang Katoliko.

Fr. Edralin ‘yung pangalan nung pari, ayon sa mga nakatira ritong katiwala, minsan daw, may nagpaparamdam sa area na ito.

Itong area naman na ‘to, tinuro lang sa akin ng paranormal expert. Kunan ko raw.

May nakikita ba kayo?

This pic is blurred.

But this shot, I cannot explain:

Unang-una, kinunan ko siya gamit ang aking DSLR.

May naunang shot dito pero blurred so binura ko. The next one, parang me puting likod na nakunan sa kaliwa, tapos may parang usok galing na sa mga upuan.

Bukod sa mist shit, pansinin ninyo ‘yung streak of light.

May light source, pero ‘yung ilaw… hindi ko malaman kung paano umabot hanggang sa dulo.

Ang layo ng inabot ng blur ni Kuya… o blur nga ba?

Mist galore.

Orbs at mist sa walkway ng Santa Monica Parish.

Photo courtesy of Erick Del Rosario of Maharlika Infinitum.

Sobrang dami na ng mga litrato rito, next entry na lang ‘yung iba.🙂

Mga Puna»

1. libay - Nobyembre 2, 2008

Uy daming pictures… ganda ng old churches at views… sarap puntahan… kaso masyado malayo.

libays last blog post..Trick or Treat

2. Lhay - Nobyembre 2, 2008

uyooy! lumabas ka comment ko! pakita ka naman!

3. Lhay - Nobyembre 2, 2008

Yeheeeeyyyyy… lumabas din… hahaha.. lahat ba ng piktyurs na yan sa ilocos? grabek kata kyowt naman…

4. dompy - Nobyembre 3, 2008

yung mga streaks of light… parang sixth sense ang dating…

yung lugar na tinuro ng paranormal expert na kunan mo raw… anong meron?

dompys last blog post..A visit to the Housing Fair

5. M - Nobyembre 6, 2008

Maganda talaga sa Ilocos, napakatanda na nung lugar. Kaya hindi na ako magtataka kung anong mga enerhiya ng makalumang panahon ang naiwan diyan.

Kung may marami-rami lang kameng time, baka nalibot na rin lang namin yung simbahan ng Sta. Monica eh. At oo nga, may sumingit na puting streak ng transparents ewan dun sa litrato.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: