jump to navigation

Thought Bubblets Nobyembre 4, 2008

Posted by Lenggai in Barag-baragan, Boo!, Featuring: Ako!.
trackback

*

Gusto kong gawan ng mahabang entry ‘yung pakikipagsagutan ko sa konduktor ng bus ng Don Mariano Transit kanina.

Pero sa halagang limang piso, pipigain ko ang creative juice ko para mabigyan ng hustisya ang ginawa niyang pambabara sa akin?

Naipagtanggol ko na naman ng tama ang sarili ko.

Binigay na rin niya sa akin ang tamang sukli.

Kung sa pakiramdam pa rin niya eh “ninakawan” ko siya ng limang piso… problema niya na ‘yon.

Bawiin na lang niya sa pabeinte-beinte singko sentimos na butal na dinedekwat nila sa mga pasaherong hindi pumapalag.

*

Parang ambigat sa tiyan ng dalawang bote ng San Mig Light kapag mahinang uminom ang mga kasabayan mo.

*

Bumili ako ng tatlong bagong libro dun sa book sale sa UP kanina.

New York Times Bestsellers lahat.

Andun pa lang sila sa bag ko, pakiramdam ko ang tali-talino ko na.

*

Hindi porke wala kayo sa blogroll ko, ibig sabihin eh hindi ko kayo binabasa.

Puwede rin kasing nasa blogroll ko kayo, pero hindi ko pa rin kayo binabasa.

Hindi rin uso sa blog ang kasabihang “It’s the thought that counts.”

Mag-comment ka.

(Alam ko, guilty rin ako rito!)

*

Basta’t hindi pa niya sinasabotahe ang trabaho ko, hindi ko papalitan ang K810i ko.

Marami akong kakilala na mayaman na luray-luray ang telepono.

Parang ang bourgeoisie.

*

Natutuwa pa rin ako sa inimbento kong pilosopiya: Positive farming.

Kapag positive thoughts ang itinanim… positive results din ang aanihin.

Oha… pang-amen-amen di ba?

*

Sa gate pa lang ng opisina namin, napakarami nang mga pangyayaring ikatatanggal mo sa trabaho kapag ikinuwento mo sa blog.

*

Shy-type ang kili-kili at singit ko. Mahirap bang maintindihan ‘yun?

Kaya nga lagi silang nakatakip eh.

*

Sabi ng paranormal expert namin, mag-aasawa na raw ako next year.

Eh mahigit isang buwan na lang, next year na.

At wala pa rin akong boypren.

Mga Puna»

1. Lyndsay - Nobyembre 4, 2008

cool k lng…ganyan talaga sa pinas, though kakainit nga ng ulo minsan…:D

Lyndsays last blog post..The Hills is Fashion Related Show

2. fjordz - Nobyembre 4, 2008

o anong nangyari dun sa bus? buti hindi kayo umabot sa demandahan? hehehe.. alam mo kasi maraming ganyan, mga mandaraya sa sukli o uutuin ka pag akala nila hindi ka papalag kung magkano ang isisingil sayo.. parang sa mga jeep, di ba kapag aanga anga ka at hindi mo talaga alam, ginagamit nila yun para utuin ka.. mabuti na lang at may mabubuting pasahero na kung minsan ay tumutulong na sabihing dinadaya ka na ng drayber at ng konduktor niya..

http://fjordz-hiraya.blogspot.com

3. aKDa - Nobyembre 5, 2008

hehehe. chattered scenes. oo, di naman sukatan ang telepono. kung sa 33310 ka masaya, go ng go!

tinatry ko na din ngayon ang positive farming na yan. errr, sana epektib. hehehe.

aKDas last blog post..I Dreamt

4. dompy - Nobyembre 5, 2008

translation: maga-asawa ka kasi mabubuntis ka…?

wag naman sana ganun…

hanapan kitang boypren para magkatotoo yan.😀

dompys last blog post..Six weeks, two days

5. reese - Nobyembre 10, 2008

ahehe.

sowee Ate hindi kami ganun kadepress/galit nun e.

uy malay mo ba dun sa sinabi ng paranormal expert..next year,mgkakaboyfriend ka kgad tapos pkakasal na kayo agad rin. hehe!

^_^


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: