jump to navigation

Dumating na ang sukli Nobyembre 6, 2008

Posted by Lenggai in Featuring: Ako!, Kritiko/Panatiko.
trackback

Translated literally in english: Change has come.

Puwede ring “arrived” pero wala nang koneksyon sa entry ko.

‘Korni ng entrada ko… pero kapag mahigit apat na oras nang nakababad ang TV mo sa CNN, ‘yan na ‘yung parang LSS na sentence sa utak mo.

Pero seryoso… parang ang sarap maging ‘kano sa mga panahong ito no?

Pupusta ako, hindi lang iisang egoy ang nag-iimbento ngayon ng rap tungkol sa pagmamahal sa bayan.

Nakakapanibago ‘yung hyper-speed na bilangan ng resulta sa Amerika.

Pakiramdam ko, magiging posible lang sa atin ‘yun kapag naging parapol na ang botohan natin (why not? Para namang may difference?!).

Parang milagro rin ang pagtanggap ng mga talunang kandidato nila sa kanilang kapalaran.

Dito kasi sa atin, madalas, kapag natalo ang isang kandidato, walang ibang dahilan kungdi nadaya siya.

Palibhasa, pare-parehong mga mandurugas, hirap tuloy silang tanggapin na may mas garapal mandaya sa kanila ang pagkatalo.

Kelan kaya magiging ganyan kasaya at kayabang ang mga Pinoy pagkatapos ng eleksyon?

Last time yata na naranasan natin ‘yung Pinoy pride, panahon pa ni Cory.

At kaka-5 years old ko pa lang nun… malay ko ba noon sa People Power?

Basta ang naaalala ko, maraming dilaw at naiiyak ako sa tuwing pinapatugtog ang kantang “Magkaisa.”

Pinilit kong maramdaman ‘yung “makabayan-fever” nung EDSA Dos… pero gaya ng daan-daang libong naki-rally run… ngayon eh isa lang ako sa mga “nadarang” sa media-hype.

Pero… wala akong karapatan na magreklamo tungkol sa eleksyon dito sa Pinas.

Hindi kasi ako registered voter.

27 years old na ako at hindi ko pa rin napapraktis ang karapatan kong bumoto.

Eh wala ring pinagkaiba kung bumoto ako o hindi… statistics lang ‘yan, at dito sa atin, napakadaling rambulin ng statistics.

Alam kong mali, pero wala akong makitang dahilan para mahiya sa katwiran ko.

Hinihintay kong may kumontra sa akin.

At magsabing may pag-asa pang makikita… hindi galing sa artista o sa mga recycled na pulitikong magaling bumoka.

Gusto kong maramdaman ang “euphoria” na nararamdaman ng mga botanteng ‘kano ngayon.

Gusto ko lang namang maniwala na may darating din sa ating pagbabago.

Mga Puna»

1. fjordz - Nobyembre 6, 2008

hmmmm….

hindi ako sang-ayon dun sa rason mo kung bakit hindi ka pa rin registered voter.

Una, hindi ako makikipagdebate dahil gusto kong kontrahin lang kita.

Ikalawa, hindi kita pipiliting maging registered voter dahil desisyon mo yan.

Ikatlo at siyang huli, dahil bago pa lang naman akong botante (noong nakaraang senatorial election pa lang talaga ako nakakaboto ng national, kasi di ba may SK ek ek pa at bumubuto na ako noon pa man), isa ako sa mga namimilit sa mga kahenerasyon kong magparehistro at bumoto.

Bakit kamo?

Ganito kasi ‘yun. Para sa akin, lahat tayo may karapatang magreklamo. Hindi naman nawawala ‘yun bilang tao. Kalayaan pa rin natin ‘yun. Iyon nga lang, sige tayo sa reklamo, hindi naman natin magawa yung pinakasimpleng pwede nating gawin para mabago ang inirereklamo nating sistema.

Andun na ako sa bulok na sistema ng bansa. Andun na ako sa mga kandidatong pera lang ang habol. Andun na ako sa walang katapusang rason ng nakararami tungkol sa kalakaran tuwing eleksyon. Pero, kung tayo mismo yung aatras para ipagkait mismo yung bagay na malayang pwede pa nating gawin, ano pa nga ba ang mangyayari?

Pare-pareho lang yan. Bumoto ka man o hindi, mas malaki ang tsansang ganun pa rin naman ang kalalabasan — pandaraya, gulangan at marami pang iba. Pero hindi ba’t mas mabuti na yung nag-effort kang kumilos para kahit papano, makagawa ng pagbabago kahit na parang suntok na sa buwan ang pangarap na yun?

pasensya na sa komentong parang entry na rin hehehe.. nadala lang ako hahaha..

http://fjordz-hiraya.blogspot.com

fjordzs last blog post..Dalawang Tipoy, pasok sa AYLC ’09 1st Round Qualifiers

2. taps - Nobyembre 6, 2008

Hayaan mo lenggai, tatakbo akong presidente.

Unang batas na lalagdaan ko, ang magreklamo na nadaya sila sa naganap na eleksyon, bitay agad.

3. Ah'Kong - Nobyembre 8, 2008

Kainggit ang mga kano ‘no? Ang bilis na ng eleksyon nila, ubod pa ng linis….

Tapos tama ka nga, yung natalo kusang nag concede, sabi pa ni Mc Cain…. “the people has spoken…”, parang sinasabi niya, “tanggap ko ang pagkatalo, nagsalita na ang taong-bayan….”

Eh sa Pinas…. Pagnanalo sa eleksyon – “nandaya” Pagnatalo – “dinaya”
sarap tuloy paguuntugin nitong mga pulitiko natin eh ng matauhan…LOLs

Huling boto ko nung kay Ramos pa….after that hindi na ako bumoboto… paano ka namang gaganahang bumoto…. yung nanay ko matagal ng patay, pagtingin ko dun sa register book eh nakaboto pa…nakngpating yan…

Onli in da Pilipins, ika nga….LOLs

Ah’Kongs last blog post..Ang Tao sa Bubong – Episode II

4. dating advice for men - Disyembre 23, 2008

Hey, I love the way that kaka plays…..


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: