jump to navigation

Kill ’em Buses! Nobyembre 6, 2008

Posted by Lenggai in Boo!.
trackback

Dapat ‘yung mga anak o magulang nitong mga bus driver na halimaw magmaneho sa kalsada eh mabundol din ng bus eh.

Hindi naman sila mamamatay, pero tipong mababaldado sila, tapos ang nakadali eh ‘yung bus driver din na walang sinasanto.

Tapos ‘yung mga naka-survive na driver ng naaksidenteng bus, dapat gabi-gabi, minumulto nung mga napatay nila… parang ‘yung nangyari sa pelikulang Shutter.

Eka, ‘ala bang pumaparang white lady sa EDSA?

Taena lahat na lang nasa Balete, o di kaya dun sa mga liblib na subdivision. Dapat magsama-sama ‘yang mga white lady na ‘yan sa major highways para magkaroon naman ng konting kaba sa pagmamaneho ‘yang mga gagong ‘yan!

Siguro kapag may nadisgrasyang big time na LTFRB o MMDA official… at bus ang nakadale, saka lang sila makikinig dun sa libo-libong nagrereklamo sa taenang mga killer buses na ‘yan.

Pustahan, magasgasan lang ng isang kaskaserong bus driver ‘yang mamahaling wheels ni Claire Dela Fuente, magkakaroon na ng death penalty para sa kasong reckless driving.

Mga Puna»

1. M - Nobyembre 6, 2008

Sa tuwing sumasakay ako ng bus, tuwang-tuwa pa ako kapag kaskasero ang drayber tapos napapaangat ako sa upuan ko pag merong mga lubak na matambok sa may EDSA tapos hindi siya nagmemenor.

Pero ngayon, magiisang linggo na akong nakakakita ng mga bus na naaksidente na tila ba diyaryong nilukot yung body ng bus na bakal. Nakakalungkot para sa mga biktima. Alam ko na ngayon yung nasa isip nung mga pasaherong maaangas sa tuwing sumisigaw sila ng “Dahan-dahan naman!!!”

2. R.J. - Nobyembre 6, 2008

ako rin tuwang tuwa noon kapag killer bus ang nasakyan ko dahil sagana sa aksyon ang byahe. tipong mapapalipat ka sa kabilang side ng bus dahil sa tindi ng pihit ng manibela. parang nasa roller coaster.

noon yon. pero nung nakakita na ko sa totoong buhay ng mga biktima at ngayong kasabay ko na sila sa mga kalsada, parang kulang ang death penalty sa mga iyan.

nakakafrustrate lang naman sa atin, patong patong na ang problema. kung ano ang pinaka-latest, yun lang ang pinagtutuunan ng pansin. pag meron nang bagong skandalo, bye bye kaso.

R.J.s last blog post..nakakaiyak

3. taps - Nobyembre 6, 2008

Eh mga abnormal ang mga yan e, isama mo na rin si de la fuente. Walang pakialam sa ibang tao yan. Ang gusto lang nya kumita ng pera.

Mukha syang pandesal!

4. Ninenok - Nobyembre 7, 2008

hahahaha, lufet mo talaga pinayblogkaster, u make my night..night shift kasi ako..hi nga pala, aksidente ko nakita blog mo habang nagbubutingting ako dito sa workplace ko, nawala antok ko…
cge lang pinayblogkaster…more power…

Ninenok/singapore

5. dompy - Nobyembre 7, 2008

feeling nila kasi sila si keanu reeves/sandra bullock sa speed… mala-“there’s a bomb on the bus” ang drama kaya kumakaskas…

masyado kasing maliwanag ang EDSA kaya ala multo.

di bale A, karma comes when you least expect it. malas lang nila kung agad-agad…

dompys last blog post..The morning sickness starts

6. QuestionMike - Nobyembre 7, 2008

Sa paghahanapbuhay nila, karit ni Kamatayan ang nakukuha nila!
Sa paghahangad nilang itaguyod ang buhay ng asawa’t anak, ibang buhay ang napapahamak!
Sa pag-aagawan nila sa isang butil ng pasaherong nasa daan, aagawin din nila sa iba ang ngiting kapiling ng mga kamag-anak na hindi na nila makikita!
hindi nila alam na may mga taong nakikinabang ng lubos sa ganitong sitema: ang mga taong nakaupo sa malamig, magara, mabango at marangyang opisina ng gobyerno.
Tamaan ng kidlat, siyanawa!

7. fjordz - Nobyembre 7, 2008

mga bus lang naman yata sa EDSA ang ganyan magmaneho.. porke nasa malalawak silang daanan.. dito kasi sa Makati, behave naman sila…

http://fjordz-hiraya.blogspot.com

fjordzs last blog post..Dalawang Tipoy, pasok sa AYLC ’09 1st Round Qualifiers

8. Lhay - Nobyembre 10, 2008

db yung philippine rabbit na bus kilala as killer bus kasi db ang kwento kpag nasagasaan ka at nasili ng driver na parang buhay ka pa, sasagasaan ka ulet pabalik para sure na patay ka kasi daw mas mura ung babayaran nila sa kabaong at pagpapalibing kesa sa babayaran nila sa hospital, operasyon at mga gamot..

Lenggai - Nobyembre 6, 2008

alam mo ba, isa pang nakakainis lang kapag sumasakay ka sa ganito, tipong pahakbang ka pa lang pababa eh humaharurot na sila, sobrang pagmamadali…

yun nga lang ang problema natin, tama ka, madali kasi talaga tayong makalimot. kahit sa mga balita, makikisimpatiya lang tayo habang fresh yung issue, pero kapag matagal na, wala na… not unless me koneksyon tayo run sa nabiktima… di ba?

9. Jon Cabron - Nobyembre 10, 2008

mapasukan sana ng bus ang pekp*k ni claire dela fuente habang natutulog s’ya.

kung pano, hindi ko alam.

10. ErvinTW - Nobyembre 12, 2008

Thanks! Nice post.

11. choorkVof - Nobyembre 13, 2008

??????? ?? ????! ??????? ???? ? RSS-?????, ?????? ?????? ???? ?????????..

12. Taroogs - Nobyembre 22, 2008

korek ka dyan, kapatid! anlakas kasi ng lobby power ng mga private bus companies kaya ang hirap disiplinahin😦

sana, alang araw, lahat ng major roads ay meron ang MRT🙂

Taroogss last blog post..Award na hindi naman “award-award”

Lenggai - Nobyembre 6, 2008

pandesal ampota!!! nakakabuwisit no?


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: