jump to navigation

Midnight Kyawkyawan Nobyembre 8, 2008

Posted by Lenggai in Buhay-bahay, Kritiko/Panatiko.
trackback

Habang naghihilamos. Bago matulog.

Analyn: Te, narinig mo na ba ‘yung balita? Tataas na naman daw ‘yung kuryente this month!

Lenggai: (nakapikit habang minamasahe ang mukha ng facial wash) Ah oo, napanood ko nga kanina, gago no? Magrerefund-refund sa kuntador, tapos tataasan naman ‘yung singil sa billing, parang wala rin… (kapa ng bukasan ng gripo)

Analyn: ‘Yan ang problema kapag monopolya eh… kaso para namang magkakaroon pa tayo ng option sa ibang forms ng alternative energy.

Lenggai: (nagbabanlaw ng mukha) Ay, asa ka pa. Ang mahal kaya ng solar panels. Hundred thou ‘ata kada set.

Analyn: Naku, eh hindi nga ako naniniwala kapag sinasabi ng gobyerno na sinusuportahan nila ang alternative energy eh.

Lenggai: (nagbabanlaw pa rin ng mukha) Ows? Eh ba’t naman?

Analyn: Eh kasi… kumokomisyon din ‘yang mga bwakaw na ‘yan sa oil companies… at saka isipin mo rin, ang isa sa mga pinakamalaking revenue ng gobyerno, galing sa oil…

Lenggai: (papasok sa CR, kukuha ng bagong tuwalya) Bilyon din ‘yun no?

Analyn: Siyempre!

Lenggai: (nagpupunas ng mukha) Eh may mga pulitiko naman tayong nagsusulong sa alternative energy di ba?

Analyn: Ilan sila? Isa!

Lenggai: (itatabi ang tuwalya, lalabas sa CR) Ah talaga? Di ko kilala kung sino eh. Tingnan ko mamaya sa internet… oops, kelangan na pala nating magtipid?!

Analyn: Mag-blog ka na lang sa Cubao. Free WiFi.

At namatay na ang ilaw sa sala.

Mga Puna»

1. fjordz - Nobyembre 8, 2008

ganun yata nga talaga.. ang gobyerno natin walang maisip na paraan para mapagaan ang problema ng mga Pilipino, mas iniisip nila ang kapakanan nila. Kung meron mang maglaan ng oras para sa tin, iilan lang sila at kalaunay nagiging bwakaw din.. tsk tsk..

http://fjordz-hiraya.blogspot.com

fjordzs last blog post..Dalawang Tipoy, pasok sa AYLC ’09 1st Round Qualifiers

2. R.J. - Nobyembre 9, 2008

delubyo delubyo delubyo…

ubusin mo ang mga hinayupak na to!

R.J.s last blog post..he’s so vulnerable, vagina in my hands

3. M - Nobyembre 9, 2008

Sana pwede na lang ding gawing source of energy yung political crimes at mga katiwalian sa gobyerno tulad ng pagnanakaw at pandarambong.

Palagay ko kahit 2:1 ang ratio ng corruption sa energy produced eh meron pa ding sapat na libreng kuryente para sa buong bansa.

4. potsquared - Nobyembre 9, 2008

nacocompare ko nga ang government style ng japan at ng pilipinas at talagang super bulok ang sistema sa atin… dito kapag nalaman na ang opisyales nanggago.. nagreresign sila o nagpapakamatay.. sa atin.. ang kakapal ng mukha, nagdedeny lang… haayy..

potsquareds last blog post..present and distraction…

5. watusiboy - Nobyembre 9, 2008

magcocomment sana ako tungkol sa masalimuot na isyu ng enerhiya…pero mas nakyutan ako sa istilo mo sa pagsusulat. parang nakikita talaga kitang naghihilamos habang binabasa ko. hehe.

6. Lhay - Nobyembre 10, 2008

grabeh na talaga sa pinas ngaun noh, basta pwedeng pagkakitaan ng gobyerno kasihodang mangurakot sa kahit na anong paraan gagawin eh..tsk..tsk..

7. dompy - Nobyembre 10, 2008

… and that is why this country is going to the dogs. and not just any dog, a rabid one at that.

dompys last blog post..Waiting on the world to change…

8. bebenibadoodles - Nobyembre 11, 2008

Kamusta naman yun. Eh kung sa mismong department namin talamak ang graft and corruption tapos sila pa galit pag nasisilip ang kalokohan. Sa ordinaryong empleyado na nga lang wala na akong nakikitang [ag asa, sa government officials pa kaya.

Kawawang Pilipinas!

bebenibadoodless last blog post..memo from god


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: