jump to navigation

Visita Casa Nobyembre 10, 2008

Posted by Lenggai in 'Tong Linggong 'To.
trackback

Hindi magandang senyales kapag ang naging dating… ako na ang pinakamayamang miyembro ng aming pamilya.

Kaya nga nag-suggest ako kay Papa ng isang… possible solution.

Kung hindi kakayanin sa simpleng love and prayers ang mga krus namin ngayon sa buhay… baka kako gusto niyang humingi ng payo sa psychic.

Subok lang naman.

Hindi rin naman kami basta-basta kumakagat sa mga abrakadabra… pero ‘etong grupong ‘to… masarap silang kakuwentuhan.

At first time ‘to sa pamilya.

Malay natin.

Tatlo silang sinundo namin: ang lider na si Ms. Sam, si Nikki at si Chunky (ako lang ang nagpangalan sa kanya nun).

Pagdating nila sa bahay, simpleng kuwentuhan… parang hotseat kay Ms. Sam: may question and answer portion.

Actually, puro question and answer portion ang nangyari.

Siguro ini-expect ng mga magulang ko na magkakaroon ng ritwal o sindihan ng insensong magaganap.

Pero wala.

Napapanganga na lang kami sa tuwing tumatama si Ms. Sam sa kanyang “readings.”

Parang nagkaroon nga ng open forum sa pamilya namin kanina eh… nabuking pati ‘yung mga hidden “galit” at insecurities ng bawat isa.

Nakabuti malamang, dahil kung ordinaryong araw… hindi naman kami magkakaharap-harap ng ganun.

Inimbitahan ko silang lumibot sa aming “mansyon.”

Akala ko may multo… o kung anong malas sa loob ng bahay namin na pumipigil sa amin na maging… maginhawa.

Pero hindi tulad ng ibang mga may “third eye” na nakarating na sa bahay… walang “report” ng multo o kung ano mang elementong nakatira rito.

Masaya raw ang “ambience” sa amin.

Kailangan ko lang “maglinis” ng “kalat” sa kuwarto. ‘Yung mga anik-anik na ayaw kong itapon, senti kasi akong tao.

Kailangan ko na raw mag-move on para may makapasok na bago.

Mahaba-haba pang kuwentuhan… gabi na nang hinatid namin sina Ms. Sam sa bahay nila. Baon nila ang aming walang hanggang pasasalamat sa positibong vibes na hatid nila sa aming pamilya… at siyempre, ang aming friendship.

Madaling araw na, pinag-uusapan pa rin namin ng kapatid ko ang “findings” nina Ms. Sam.

Ang saya.

Parang… ang gaan-gaan ng mundo.

Mga Puna»

1. Lhay - Nobyembre 10, 2008

ano yan fung shui? (tama ba spelling) astig namna nyan, at may open forum pa ang family…

2. dompy - Nobyembre 10, 2008

naalala ko, may feng shui experience din kami before. the only difference was meron kami talagang mga dwende sa bahay dati (ewan ko lang ngayon kasi namatay na ang mga punong binabahayan nila). and merong some sort of ginawa din na chourva. di ko na alam kung ano yun kasi may klase ako nun e…

dompys last blog post..Waiting on the world to change…

3. reese - Nobyembre 10, 2008

“Kailangan ko lang “maglinis” ng “kalat” sa kuwarto. ‘Yung mga anik-anik na ayaw kong itapon, senti kasi akong tao.

Kailangan ko na raw mag-move on para may makapasok na bago.”

uuuy. move on na daw ‘te.

hehe. don’t be mad ha. wuv you po. ^_^

4. V - Nobyembre 10, 2008

iba parin talaga pag maaliwalas ang bahay. kumbaga nahahawa na ang mga nakatira, everything else follows. oha oha. english yun! hahahah

ito ngang workspace ko, kakapiranggot eh pinipilit ko talagang imaintain. pag makalat kasi hindi ako nakakapagtrabaho. well.. kagaya ngayon. 2 days lang ang tinagal nya na kumikinang kinang. ngayon, muka nanamang lababo sa dami ng mugs ng kape. hehehe.

Vs last blog post..one of those days

5. M - Nobyembre 12, 2008

Maganda talaga ang maaliwalas sa bahay. Hindi naman sa wag ka nang bumili ng kagamitan para sa “maaliwalas” effect. Yung tipong bawat isa sa miyembro, magtulong para maayos ang bahay. Magandang bahay, magandang buhay — magandang title ng palabas no? Ahihi.

6. mnel - Nobyembre 16, 2008

kaya siguro di pa ko umuunlad hanggang ngayon. makapagligpit na nga ng kalat sa kwarto. marami akong gamit na mula pa noong grade school ako eh nandito pa rin hanggang ngayon.

mnels last blog post..Do You Have What It Takes?


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: