jump to navigation

Tayo nang mag-BONFIRE!!! Nobyembre 11, 2008

Posted by Lenggai in Boo!, Kritiko/Panatiko.
trackback

Nanood ba kayo ng balita kanina?

Me mali eh.

Nagkaroon daw ng malawakang raid ng marijuana plantations sa Benguet at La Union recently.

Kitang-kita sa video kung paano masugid na binunot at pinagpag ng bonggang-bongga ng mga taga-PDEA ang daan-daang libong halaga ng tsongki trees.

High na high Bibong-bibo rin sila sa pagsinghot pagsunog sa usok ng mga salot.

Screen shot from GMANews.TV

Screen shot from GMANews.TV

Screen shot from GMANews.TV

Screen shot from GMANews.TV

Nakasama na rin ako sa ganyang operation.

Taong 2004 — bagong promote pa lang ako nun.

First time kong makahawak ng puno ng tsongki… marami siyang buto sa sanga, mabuhok at makapit sa tela.

Kaya nga nakapagtataka bakit pinapagpag nung mga pulis ‘yung mga binubunot nilang puno… tapos ‘yung iba namang kasama sa operation, tinatapon lang sa malayo ‘yung mga nakuha nila.

Wala na raw silbi ‘yung mga puno kasi binunot na.

Yeah, right.

Tapos nung sinunog na ‘yung mga nabunot na puno… natawa ‘yung cameraman ko.

Andami kasing nakapalibot dun sa siga.

“Lapit ka Lenggai run sa bonfire!” Biro niya.

Ayoko.

Naisip ko lang: saan man siya naroroon nung mga sandaling ‘yun, panigurado, napapakamot na lang siguro sa ulo ‘yung may-ari ng plantasyon.

“Naku! Yari! May photo op na naman ‘yung mga lespu! Napag-tripan na naman ang area natin!”

Malas nila.

Made-delay ng ilang buwan ang kanilang “ani.”

Mga Puna»

1. QuestionMike - Nobyembre 11, 2008

Sa ligaya ng ilan, maraming buhay naman ang nawasak.
Kapag nakakarinig ako o nakakabasa ng ganitong mga eksena, umiinit ang itlog ko at gusto kong manapak ng tao. Lenggai, tanong ko sa iyo: normal ba iyon? Masyado bang mapait ang tingin ko sa gobyerno?

QuestionMikes last blog post..(I) lo(V)e (Y)ou!

2. dompy - Nobyembre 11, 2008

di ko gets yung pagsunog ng mga marijuana plants. sensya na sa kamangmangan sa droga, pero di ba nakaka-high ang usok nito? tsaka saan nila pinapagpag yung halaman, sa damit nila? ay, gusto ng pabaon?

dompys last blog post..Waiting on the world to change…

3. Boy Blue - Nobyembre 11, 2008

tataas na naman presyo ng tsongki. tsk! tsk!

4. Mahalia - Nobyembre 12, 2008

Ay oo nga ano, napanood ko yung footage at pinapagpag nga ano? Iba talaga ang may insider information. Kung sa tv ko lang mapanood iyon, parang pinapalis lang nila yung ugat at lupa. May mga buto rin sa ugat diba? May kowta ba ang mga lespu sa mga mahuhuli nila per year?

Mahalias last blog post..The Two Good Men

5. kengkay - Nobyembre 12, 2008

ibang klase talaga ang mga drama sa pinas ano? alam mo, ako hindi ko talaga ma distinguish ang amoy nyan.

kengkays last blog post..walang silbing gold card

6. taps - Nobyembre 12, 2008

sana nandun ako nung sinunog…

langhap sarap. para hindi ako nagtyatyaga sa amoy ng xerox machine at usok mula sa traysikels.

tapss last blog post..Remembering Eddie Gil

7. M - Nobyembre 12, 2008

Huwaw naman, ang sarap namang sumama sa operation kung ganito lang din ang ginagawa! Paano ba maging junior PDEA member? Wala pa kasi akong karanasan sa usok ng ganyang halaman, hehe.

Siguro may lona sa ilalim nung area para pag-alis ng mga tao, pwede na nilang makuha yung mga butong pinagpag.

8. taps - Nobyembre 15, 2008

yung isang kaibigan ko umiyak nung nakita nyang sinilaban ang mga yan…

sayang daw, sayang. hehe

tapss last blog post..I’m Positive


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: