jump to navigation

EB Babe Nobyembre 17, 2008

Posted by Lenggai in 'Tong Linggong 'To.
trackback

Dear Jon Cabron,

Ikinagagalak ko at sa wakas, nakilala na kita sa personal.

Hindi man halata pero sa totoo lang, nahihiya talaga ako sa’yo nung una.

Napansin mo bang hindi kita kinamayan nung nagkita tayo sa me 711?

Tinapik lang kita.

Kapag nakipag-shake hands kasi ako, mararamdaman mo ang lamig ng kamay ko nun… at siguro, kung observant ka, mapapansin mong medyo nanginginig pa ang boses ko.

OK, alam kong friendly meet-up lang ‘yun… at may asawa ka na.

Pero ‘yun nga, sa maniwala ka man o hindi… hindi naman talaga ako mahilig sa mga EB. Ayoko nang nagpapanggap na interesado sa isang tao… pointless waste of time.

Lalo na sa mundo ng net.

Mapapadayo mo ako sa isang lugar na puro estranghero ang makakasama ko kung:

1. Nagtatrabaho ako.

2. Me kasama akong kabarkada ko na sasalo sa akin kapag nabato ako

3. Me isang kasama run sa gimik na talagang kadayu-dayo.

At oo, hangga’t maaari, hindi ako nakikipagkita sa lalaking hindi ko kilala nang kaming dalawa lang ang magkasama. Virgin pa ako.

Mahirap na.

Tinanong kita kung ano ang first impression mo sa akin, ang sabi mo, wala masyado.

Medyo na-disappoint ako kasi akala ko naman sasabihin mo ‘yung usual: na hot ako.

Interesado akong malaman kung cool ba akong ka-EB… eh kaso kung paano mo ako nakilala sa net, ganun din ako sa totoong buhay.

Sabi nga ng kabarkada ko, basahin mo lang ang blog ko, makikilala mo na ako.

Ang pinagkaiba nga lang, sa totoong buhay, hindi puwedeng mag-edit ng eksena. Hindi ito gaya ng Plurk na kapag nabaduyan ka sa usapan eh puwede kang mag-mute.

Tinanong kita kung kaya mo akong ipagtanggol… taklesa kasi talaga ako… at alam mo namang madalas akong ipahamak ng bibig ko. Kita mo kapag sintunado ‘yung nakiki-jamming sa banda eh hindi ko mapigilan ang opinyon ko?

Madaldal din ako.

Puwedeng dahil kumportable ako sa’yo, o kapag nagkasubuan na, iniisip ko na lang na isa kang case study na may kapansanan… at nasa job description ko ang kausapin ka.

Pero kung sa totoong buhay rin lang, at nasa pakiramdaman stage pa lang tayo, bihira ang mga taong tinatiyaga kong kausapin. Mabilis kasi ang attention span ko.

Kung ikaw, naglalaro ng snake, ako naman eh naglilinis ng inbox o di kaya eh nagii-scan ng mga lumang litrato sa cellphone kapag nababato na ako sa kasama ko.

Wala namang nangyaring ganun kagabi, so I think we’re still good.

Kung hindi mo rin pala sinabi sa akin na huwag kitang sabayan sa pag-inom, malamang eh naubos ‘yung pangalawang bucket natin.

Ewan ko, directly proportional ang dami ng iniinom ko sa kasama ko. Kahit nalalango na ako, sasabayan kita dahil pakiramdam ko, kasama ‘yun sa batas ng SMB.

Hihinto lang ako kapag nakakasuka na ‘yung lasa nung beer… parang ‘yung binottoms-up natin.

Hindi rin ako tatagal ng humigit-kumulang limang oras kung sa tingin ko eh sinasayang mo lang ang panahon ko.

Galing pa ako sa trabaho nun at tatlong araw na akong hindi natutulog. Halos pambahay nga lang ang suot ko nung nagkita tayo. Natuwa ako dahil tumupad ka sa usapan. Masama ang tabas ng linggo ko, kahit papaano, nandun ka at nakinig. Pinasaya mo ang pagtatapos nito.

At hindi ka late.

At kahit hindi ko pinabubuhat sa’yo ang bag ko, gentleman ka.

Hindi ka man carbon copy ni John Lloyd o Rico Yan, pero at least, mabango ka.

Me mga alituntunin ka pang nalalaman… sana inabisuhan mo ako ng mas maaga. Malay ko bang ayaw mo sa maingay? Mahilig kasi ako sa mga banda, pero ‘yun nga, pakiramdam ko mas marami pa tayong mapagkukuwentuhan kung hindi ka nahihiya, bwahah! hindi masyadong maingay dun sa bar.

OK ka namang kadaldalan sa telepono at sa chat… nanibago tuloy ako sa pagka-“soft-spoken” mo.

Salamat din sa libreng yosi at beer.

Bawi ako sa’yo.

May next time pa di ba?

Nagmamahal,

Lenggai

P.S.: Panalo rin ‘yung text mo sa akin sa bar. Malamang me tama ka na nun, pero salamat.

Mahal kita… nang walang malisya.

Mga Puna»

1. Lhay - Nobyembre 17, 2008

(LOL) nagkasagutan na from blog to blog, ayos yang EB nyo kainggit , sna makasaupang palad din kita Lenggai…

2. prinsesa000 - Nobyembre 17, 2008

mukhang parehas kayong nag enjoy sa naganap na EB ah!

3. Jon Cabron - Nobyembre 17, 2008

@ prinsesa ano ka ba, syempre otomatik na sa dalawang tao na nag EB ang plastikan pagkatapos.. hmmkei?

oh lenggai, try mo kaya minsan ang isang buong thread na puro ako lang ang topic mo? hmmmkei?

tnxbye

4. Dx - Nobyembre 17, 2008

haha! the best to A! putek teka, paano ba kita i-quote?

Quote: Sabi nga ng kabarkada ko, basahin mo lang ang blog ko, makikilala mo na ako. :End Quote

^
I
I
I
ako ba tong kabarkada na to?? bakit wala man lang link papunta sa blog ko?? hahahahaha! the best tong entry na to! lol @ the deleting inbox messages comment

Dxs last blog post..there are times when i hate playing tennis

5. The Gasoline Dude - Nobyembre 17, 2008

Hindi mo ba naging crazz si JC nung nagkatitigan kayo sa mata? *LOLz*

6. taps - Nobyembre 19, 2008

EB babe.

Tsampyon.

Dati hindi rin ako nakikipag-EB. Pero nung nakaraan, natuto na ko. Binata na eh, bilog na utot ko.

tapss last blog post..Hirap maging artista

7. kurokuroko - Nobyembre 20, 2008

^ my choice, my life, my blog. yoko na eh. anyenye.

matagal-tagal ko na rin di nakita iyang si gel.

at natatawa ko ngayon kasi naalala ko iyung “jon” text mo. hahahaha. akala ko talaga si “jon the editor’ ang sinasabi mo. hehehe.

8. Barney - Nobyembre 27, 2008

kala ko tungkol sa EB Babe talaga to. .. =(

pero dahil idol ko si Jon Cabron at pamilyar ka sakin (sa kakabasa ng mga comments mo sa blog nya), di ko namalayan natapos ko na pala ung buong entry. hehe

“Puwedeng dahil kumportable ako sa’yo, o kapag nagkasubuan na, iniisip ko na lang na isa kang case study na may kapansanan… at nasa job description ko ang kausapin ka.” – hahaha! ayus to!

9. beero - Marso 9, 2009

ayos! nameet mo na pala si jon cabron. at mukhang nagkasundo agad kayo ate lenggai. bumisita lang sayong bagong blog.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: