jump to navigation

Quote/Unquote Nobyembre 19, 2008

Posted by Lenggai in Boo!.
trackback

Alam na nating lahat na madaldal ako.

At may pagka-friendly ako kahit papaano.

At kahit hindi ako nagsusulat, ma-opinyon akong tao.

Pero sana naman, kapag ang kuwentuhan natin eh ‘yung tipong pang-atin-atin lang, wala na sanang lalabas.

Sa kuwentuhan mo sa ibang tao… sa blog… at lalo na sa dyaryo.

Hindi mo na siguro naisip na abisuhan ako dahil blind item naman ang lahat.

Blind item na nakaturo pa rin sa amin… sa akin.

Siguro akala mo, ok lang akong ganunin dahil mas bata ako sa’yo… at wala naman akong ibang ginawa kapag nagkikita tayo kung hindi mangulit at magpatawa.

Pero hindi nakakatawa ang ginawa mo.

Puwede akong mawalan ng trabaho sa ginawa mo.

Isipin mo…

Nakakalungkot dahil napakataas ng respeto ko sa’yo.

Nandun ka sa lebel na ipinagmamalaki kong naging parte ka ng buhay ko.

Pero sa nangyari… at sa ginawa mo… nag-iba na ang tingin ko sa’yo.

Naging ordinaryo ka na lang.

Alam mong mali… hindi mo ako dapat ginamit para maging sangkalan ng punto mo.

Sumisikip na ang mundo ko.

Dahil sa trabaho ko. Dahil sa blog ko.

Nakakainis kasi ngayon, pati sa mga kaibigan ko, nasasakal na ako.

Konting respeto lang sana.

I deserve that.

Hindi ka lang journalist, kaibigan kita.

Sana man lang, naisip mo ‘yun.

Mga Puna»

1. Angel - Nobyembre 19, 2008

nakupo.. yung mga ganyang klase ng tao may karma din yan.. tsk tsk

2. fjordz - Nobyembre 19, 2008

hmmm…. (nag-iisip yan, kunwari hehehe…)

“Hindi ka lang journalist, kaibigan kita.”

wala man akong alam (sa totoong nangyari), pero naiintindihan ko.

http://fjordz-hiraya.blogspot.com

fjordzs last blog post..Maraming maraming salamat!

3. Dx - Nobyembre 19, 2008

tsk.. ang puso A.. magmamahal ka pa..🙂

Dxs last blog post..there are times when i hate playing tennis

4. Mister Alembong - Nobyembre 19, 2008

Hala! Ang heart po!❤ May araw din yan. Makakarma yan. Just stay positive ate.🙂

5. kurokuroko - Nobyembre 20, 2008

kilala ko ito. at alam ko ito.

at pagsasabihan din kita dahil kaibigan kita: sabi ko sa iyo mag-ingat ka lagi sa mga sinasabi mo at sinusulat mo. ayan na naman.

6. potsquared - Nobyembre 20, 2008

minsan talaga naaabuso ang pagiging kaibigan ng isang tao.. kung ano man ang ginawa niya para mainis ka ng ganyan.. kunsensya na lang yun!

potsquareds last blog post..Wi-Fi..

7. watusiboy - Nobyembre 22, 2008

pero at least may disclaimer ka naman dun sa upper right..

8. paolo - Nobyembre 22, 2008

tanga siya. sana lang huwag magbago ang turing mo sa ibang tao dahil sa nangyari.. cheer up.

paolos last blog post..Pag Nakipag Oral Sex Ka Ba, Hindi ka na Virgin?

9. Mahalia - Nobyembre 23, 2008

Spice and spicier part of life, hane’?

Mahalias last blog post..Going With Daddy

10. miss choi - Nobyembre 25, 2008

hindi ko gets kung sinong umaway sa yo, pero tara, upakan natin.

miss chois last blog post..Almost, But Not Quite

11. Jayme - Nobyembre 28, 2008

I got your back, girl. I’m always here.

Jaymes last blog post..Do you know better?

12. Lhay - Nobyembre 29, 2008

Ang Tarush….Dapat sa mga ganyan binibitin patiwarik ant binabalatan ng buhay sabay hagis ng rock salt sa kanya, ok jowk lang..masyadong brutal ang mga naiisip ko…

13. Lhay - Nobyembre 29, 2008

At Salamt naman ang lumabas agad ang komento ko..hehehe

14. Lurker Ako - Pebrero 23, 2009

forgiven na ito dapat. ang haba ng pinagsamahan eh. atsaka lagi ka nyang imbitado kahit saan. atsaka di ka naman natsugi. atsaka he feels sorry naman. hayaan mo na. kaw naman.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: