jump to navigation

Nagdadamo Disyembre 19, 2008

Posted by Lenggai in Barag-baragan.
trackback

Nagbubunot ako ng puting buhok habang nagpe-pray over kung paano uumpisahan ang aking script… mga 30 minutes ko na ring kinakalbo ang sarili ko nang biglang me sumagi sa aking ideya…

ang pilosopiya sa likod ng aking pagbubunot.

Hindi ako naniniwalang kapag tinanggal mo ang puting buhok, mas lalo siyang dadami… kalokohan ‘yun.

Dadami siya ke tanggalin mo o hindi.

Walang basehan sa sinabi kong ‘yan, pero ‘yun ang logical… para sa akin.

Nasa lahi rin namin ang putiin ang buhok.

Grade school pa lang ako, me panaka-nakang puting buhok na ‘kong nai-ispatan sa me bangs ko.

At dahil ako ‘yung tipo ng bata na nagmamadaling tumanda at magpaligaw, pinepreserve ko pa sa ulo ko ‘yun dahil simbolo siya ng pagiging “mature.”

Siyempre iba na ang trip ko ngayong 27 na ako.

Kapag nagsalamin ako at me nakita akong puting buhok sa ulo ko, inaalis ko kaagad.

Psychological… pakiramdam ko kasi makati siya sa anit.

Senyales din daw ang puting buhok na masyado na akong stressed.

At tsaka maaligasgas siyang tingnan! — ang laki-laki na nga ng tiyan ko, tapos hahayaan ko pang mag-alsahan ang puting buhok ko… parang kamusta naman di ba?

Nandito na ako sa punto ng buhay ko na masyado na akong matanda para kiligin sa Jonas Brothers… pero masyado pang bata para magkarayuma.

Malamang nga dinadaan ko na lang sa pagbubunot ng puting buhok ang kagustuhan kong tumigil ang panahon… at tanggalin ‘yung mga nagpapa-stress sa buhay ko.

Psychological ulit — alam ko namang kahit panutin ko ang sarili ko, tutubo at tutubo pa rin ito.

Siguro ngayong bakasyon, pakukulayan ko na lang siya.

Matapalan na agad habang me pambayad pa ako sa pantapal.

Mga Puna»

1. dompy - Disyembre 19, 2008

madali lang naman magpakulay ng buhok… purple streaks! astig diba?😛

2. Pilar - Disyembre 19, 2008

🙂 pakulay ka nalang ate lenggai. parang gip mo na sa sarili mo (at sa tuktok ng ulo mo) sa krismas😀 hehehe.

3. lurker ako - Disyembre 22, 2008

BAT WALA KA SA AMIHAN XMAS PARTY. BORING.

4. kengkay - Disyembre 23, 2008

that’s a sign of cleverness, hehe. dami ko na rin kasi kaya yan na lang sinasabi ko😀

huy, meri krismas!

kengkays last blog post..kengkoy’s bakery

5. reyna elena - Disyembre 23, 2008

just wishing you the best of holidays gurl!

reyna elenas last blog post..Si Gio at ang resume nya

6. Jon Cabron - Disyembre 24, 2008

tutal pasko naman, yung kalahati green tapos yung isa pula.. o di ba? .. napakabaduy ko.

7. pusa - Disyembre 24, 2008

merry christmas sayo lenggai

pusas last blog post..merry christmas!!!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: