jump to navigation

Summer in Winter Disyembre 25, 2008

Posted by Lenggai in 'Tong Linggong 'To, Shutter.
trackback

Panalo Christmas party namin noong Lunes… may theme — Summer in Winter.

Pabor sa akin kasi mahilig naman akong mag-shorts.

Tapos galing pa ako sa editing nun kaya hindi masyadong halata na bangag ako kasi me rason ka para mag-shades… kahit gabi.

Summer daw eh.

Sa anim na taon ko nang nagpapasko sa programa ko… meron kaming mga “tradisyon.”

Kasama rito ‘yung tinatawag ng boss namin na pagpapamudmod ng “lucky money.”

Karaniwan siyang ibinibigay as papremyo sa raffle, games, etc.

Minsan parang souvenir na rin siya sa mga dumalo.

Pero hindi tulad nung ipinamumudmod ni Pacman sa staff niya nitong pasko, barya lang kung ikukumpara ‘yung sa amin.

OK lang din. It’s the thought that counts… at sino ba naman ang tatanggi sa malulutong na tigbe-beinte pesos?

May pauso ngayon ang boss namin… special awards para sa staff.

Bale nagkaroon ng botohan kung sino ang best story, Mr. Universe, We’ll Miss You award… marami. Nakakatawa nung una kasi hindi naman talaga kami sanay sa mga award-award shit na ganyan. Pauso lang talaga.

Pero nung pumasok ‘yung story namin tungkol sa Neurofibromatosis bilang Shocking Story of the Year… at tsaka ‘yung segment pa namin tungkol kay Patani bilang Profile Story of the Year… hindi rin naman namin mapigilan ang aming mga ngiti.

Leo, Arnie, Arra, A! and JS

Leo, Arnie, Arra, A! and JS

Akalain mo… matapos ang lahat-lahat… marami pala sa mga kasamahan namin ang naka-appreciate sa ginawa namin.

Of course, me pampabuenas!

At hindi lang ‘yun ang highlight ng party… me compulsary game pa.

Compulsary kasi pre-determined na ‘yung mga sasali. Siyempre, isinama nila ako sa laro na bagay daw ako.

Basagan ng itlog.

As expected… dahil competitive kami ng cameraman ko… nanalo kami.

600 pesos na GC para sa… Sodexho?

Ewan ko kung saan ‘yun, pero ang GC ay GC, so yay!

Ahhh… tapos nanalo pa ako ng washing machine.

Not that kelangan pa namin sa bahay, pero kaaliw! Ngayon lang ako nanalo ng ganyan kalaking item. Suwerte ako ngayong taon sa mga raffle, sa pa-raffle naman sa buong kumpanya, nanalo ako ng blender.

Proud na proud ang magulang ko.

Eto ang hinding-hindi mawawala sa amin tuwing pasko… ang tradisyunal na hamon at keso de bola mula sa aming pinakamamahal na boss.

With matching card pa ‘yan na me pang-“open forum” na mensahe. San ka pa?

Class picture.

Ang pool na hindi ko natikman, kasi…

Pagkatapos ng party, sumama na ako sa boys…

Nabanggit ko na ba noon na hindi ako mahilig sa videoke?

Madalas ako lang ang taga-video… o di kaya tiga-tawa.

Singing "Like A Virgin"

Ahm… maliban na lang nung gabing ‘yun.

Singing "Dancing Queen"

Hindi pala singing ang ginagawa ko… shouting.

Nung nagsara na ‘yung venue sa party namin, dumiretso kami sa dating tambayan sa me Timog.

At siyempre… halos kumpleto ang crew… bonding ulit!

Ang nanalo ng “Lakas Tama” award. Kita niyo naman kung bakit (tawang-tawa ako sa litratong ito, wasted!).

Ang mga natira…

Ang pruweba na inumaga na kami.

At ang pruweba na inabot na naman kami ng madaling araw… the next day.

Langya, bisperas ng pasko nasa opisina pa kami… buti na lang ngayon at pahinga na!!!

Sa dami ng mga binoycott kong party dahil sa trabaho, nagpapasalamat ako’t dito ako nakarating.

Nga pala, I have to say this: Pasko na, pasensya na hindi na ako masyadong makadalaw sa mga blog ninyo.

Pero maraming salamat pa rin at kahit papaano, hindi kayo nakakalimot.

Feliz Navidad!

Mga Puna»

1. prinsesa000 - Disyembre 25, 2008

lenggai, ang tibay mo pala sa inuman! hahahaha
boss mo pala si Jessica Soho…
buti pa kayo may ham at keso.. =)

prinsesa000s last blog post..abente…

2. Ah'Kong - Disyembre 26, 2008

kaka-inggit naman kayo… ako dito Mr Lonely ang pasko ampotek…….huwaaaahhhh !!!

pero ganun pa man, Merry Christmas and Happy New Year sa inyong lahat.

Ah’Kongs last blog post..Ang Eyeglass ni Boy Kulangot

3. Jim - Disyembre 26, 2008

Uyy, summer din dito, Tita!😀 Naks lakas mo… so, ilang red bull ba ang tinimba mo bukod sa SMB??? heniway…. mukha masaya pasko mo at sana naman ay ‘di lang paglalaba ang gagawin mo next year kaya babatiin na lang kita ng mas pinagpalang bagong taon!🙂

Jims last blog post..Maligayang Pasko

4. Angel - Disyembre 26, 2008

siguro kung makakainuman kita, tumba na agad ako sayo😆

Angels last blog post..Nagbalik ako!

5. kurokuro - Disyembre 27, 2008

wala tayong pitsur!

6. a.r.d.y.e.y. - Disyembre 27, 2008

yan ang nakaka-inggit sa mga christmas party sa pinas, pamorningan at kung saan saan makakarating kasama ang kaibigan at barkada. hehehe. happy holidays! =D

a.r.d.y.e.y.s last blog post..magulo kausap

7. watusiboy - Disyembre 27, 2008

gusto ko ring makasama sa xmas party si jessica soho. hehe.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: