jump to navigation

The Secret… ingredient Disyembre 27, 2008

Posted by Lenggai in Featuring: Ako!, Lipad-isip, Shutter.
trackback

Kung minsan, hindi niyo ba iniimagine kung paano tayo tinitimpla ni Papa Jesus bago tayo ipanganak?

Tipong sa tuwing me magsasamang egg cell at sperm cell sa sinapupunan ng isang babae, me kung anong bell ang tutunog sa kusina ng langit… tapos mangangarag ‘yung mga anghel sa pag-asikaso sa bagong order.

Angel 1: Oy me bago tayo… half-german, half-african!

Angel 2: Ligal ba?

Angel 1: Nasa hayskul pa ‘yung babae, ‘yung lalake, 20 years ang tanda.

Angel 3: Anak ng… na naman?

Angel 2: Mahal ba nung lalaki?

Angel 1: Hindi eh, napuruhan lang… di nakabili ng condom ‘yung gago!

Angel 3: Taena, o e pano ‘yon?

Angel 2: Ba’an na natin si Bossing mag-decide…

Angel 1 (pupunta ke Papa Jesus): Sir, me bago po tayong…

Papa Jesus (pawis na pawis habang naghahalo sa kanyang giant kaldero): Oy teka, teka muna! Lagay niyo lang ‘yan sa me tabi… kita niyong hindi pa ako tapos dito sa mga Intsik! Walang kapagud-pagod… kada minuto me pinapagawa! (saka ngunguso sa isa pa niyang alalay na anghel para iabot nito ‘yung pandagdag na dilaw na food coloring)

Ipinanganak ako noong February 1981.

As usual, malamang eh ngarag na ngarag si Papa Jesus noon.

Anghel: Me order po Sir kina Perez… Alex at Evelyn.

Papa Jesus (tumatagaktak ang pawis habang nagmamasa ng milagroso niyang harina): Ahh… Perez. Panganay ‘yan no?

Anghel: Opo.

Papa Jesus (titigil sandali, magpupunas ng pawis sa manggas ng kanyang puting T-Shirt, sabay silip sa order slip): Hmm… me lahing Intsik ‘yung Tatay, me konting Spanish sa Nanay. Sige, akong bahala diyan. Unang apo ‘yan nina Kikay at Temo kaya dapat special!

Eh kaso na-distract ‘ata si Papa Jesus… me nag-joke siguro na anghel… o baka me nang-asar na Diablo… nasobrahan ako sa mantika… tuloy, ang oily ng balat ko at mabilis akong tumaba.

Tama nga siguro ‘yung theory nila na ‘yung panganay palagi ang parang “Trial and Error” sa pamilya.

Ginagamay pa kasi ni Papa Jesus kung papaano paghahalu-haluin ‘yung DNA sa lahi ninyo kaya nung lumabas ka… ang pang-“test-drive”, makikita na nila kung ano ‘yung tama at mali sa recipe, para sa susunod na order, mas tantiyado na nila ‘yung timpla.

Ba’t ko naman nasabi ‘yan?

Eto ang sample:

Ang Tita Patt ko at ang kanyang 11 taong gulang na bunso na si Chloe.

Si Tita Patt ay bunsong kapatid ng Papa ko.

Kung sakaling nagkaroon ako ng choice noon na mamili ng pagmamanahan sa angkan namin, kukunin ko ‘yung kaputian at kaseksihan ng Tita Patt ko.

Kahit ano’ng kainin niya, pramis, hindi siya tumataba!!!

Noong umuwi sila rito sa Pinas noong 2006, sabi niya eh tumaba na raw siya.

Hindi ako kumbinsido dahil mas nakakurba pa ang baywang niya kung ikukumpara sa baywang ko. At dalawa na ang anak niya ha! Pupusta ako, kapag pinagtabi kami ngayon, hindi magdadalawang-isip ang mga makakakita na magtiyahin nga kami… at ako ‘yung TITA.

Si Chloe ulit.

Matangkad pa raw sa amin ng Tita ko (5’4″ ako).

Maganda ang pagkakahalo ni Papa Jesus sa kanya. Na-inspire siguro ke Anne Curtis at Anne Hathaway… oh, at akalain niyo… ang buong pangalan ng pinsan ko eh CHLOE ANNE.

Shocker!

At para i-dispute ang aking theory tungkol sa mga panganay… ito ang panganay ni Tita Patt… si Jonathan, 16 years old.

Maliban siguro sa panaka-nakang pimple na natural namang nararanasan ng mga nasa edad niya, mukhang ganado rin sa pagtimpla si Papa Jesus nung ginawa niya ‘tong pinsan ko.

Umubra lahat ng half-half sa lahi namin… at ng tatay niya me lahing Swiss at French.

And did I mention na 6-footer siya?

Siguro kapag umuwi itong mga ‘to next year, malaki ang kikitain ko sakaling me kumalabit sa kanilang talent scout.

Give them a few more years… at naku… walang hanggan ang mga posibilidad…

Ito naman ang isa ko pang pinsan sa Mother’s side. Si Kamille… aka Pungkit.

Hindi ako sigurado sa tamang edad niya kasi hindi naman niya nilalagay sa Friendster, basta ang alam ko, mga 12 – 14 years old siya ngayon.

Half-Japanese at half-pinoy naman ang timpla ng pinsan kong ‘to. Bata pa lang pero kitang-kita niyo na ang potensyal.

Si Michaela… aka Bugay.

Pinsang buo ko rin. 16 ata siya o 17.

(Ayan, hindi kasi ako nagpupunta sa mga reunion kaya I’ve lost track na!)

Pure Pinay ‘to pero mukhang Chinese. Sabi noon ng pinsan ko, wala naman daw lahing Chinese ‘yung Papa nito, pero dahil hindi naman kami nagkikita-kita madalas, wala akong tsansang magtanong.

Siyempre nitong nakaraang Pasko, nag-pose kami para sa aming annual family pic.

Nagsama ang pamilya ng dalawang anak nina Kikay at Temo sa Pinas.

Unti-unti nang nagdadalaga at nagbibinata ang dating mga uhugin pero cute na cute na chikiting sa pamilya Perez.

At ang panganay sa magpipinsan na si Lenggai… patuloy din namang lumalaki… ang tiyan.

***

Ilang araw na lang at 2009 na naman.

Susunod na niyan eh ang kaarawan ko sa Pebrero.

Magbe-beinte otso na ako. At marami pa akong hindi nagagawa.

Humahabol na ang mga a la modelo kong mga pinsan.

Wala nang kaso kung me glitch man sa pagkakasahog sa akin nung ipinanganak ako (Pakyu ka kung sino ka mang nang-distract ke Papa Jesus!).

Ipinaubaya na naman ng Diyos sa akin ‘yung mga sangkap para pasarapin ang pagkakaluto ng buhay ko… ngayon, ako naman daw ang bahalang magtimpla.

Mga Puna»

1. prinsesa000 - Disyembre 27, 2008

agree yata ako na ang panganay ang trial and error… panganay ako at unang apo rin..
pag yung bunsong kapatid ko ang kasama ko expected ko nang ang maririnig ko e mga ganitong banat..

“sino kamukha ng kapatid mo? bakit di kayo magkamukha? bakit maganda sya?”

agree rin ako dun sa sinabi mong tayo ang bahala kung paano pasasarapin ang mga sangkap na binigay sa atin ni God…

prinsesa000s last blog post..abente…

2. The Gasoline Dude - Disyembre 27, 2008

Eh paano naman ‘yung mga ‘only child’ na tulad ko? Hmmm…

The Gasoline Dudes last blog post..Pasko, OFW-style

3. Jim - Disyembre 27, 2008

ako 15% Spanish! LOL! sino kaya maniniwala, pero oo half spanish lola ko kaya lang wala na napunta sa akin, malakas dugo ni Lolo eh. heniway, ang bottom line ng lahat or puwede siguro itanong ay ano ang “essence” ng isang babae, naks teka related ba ito sa post??? well, basta sana gets mo, I feel good about myself, kahit payatot (eh sa gaganda ba naman ng mga tsikiting ko–to the roof ang self-esteem ko), so, I’m sure you don’t need to rock the roof of Papa Jesus for your prayer to be answered. It IS an answered prayer already.😉

Jims last blog post..Maligayang Pasko

4. Mahalia - Disyembre 27, 2008

Merry Christmas and Happy New year. Anong handa natin jan?

Mahalias last blog post..The Table Approach

5. watusiboy - Disyembre 27, 2008

aba’y artistahin ang mga pinsan mo. napansin ko rin na kapag hinaluan ng foreign blood ang lahing pilipino, maganda ang kinakalabasan. yung lahi yata natin ang secret ingredient ni papa jesus sa pagpapaganda sa mga ginagawa nya.

6. wei - Disyembre 28, 2008

hello ate! ngaun lang uli ako nag blog hop. emo eh…

ang gaganda nga! (drool) mga tipong, isang tingin lang, makikita mo na na maganda sila! hehe.. and I object! hindi lahat ng panganay ganun! wahehehe…

may nakikita din ako sa indonesia, pag hinaluan ng ibang lahi, ang gaganda ng mga lumalabas =)

weis last blog post..Moral Lesson

7. Pilar - Disyembre 28, 2008

ako walang lahing intsik pero chinita.. sabi nila wala lahi ha.. pero middle name ko pangintsik.. di ko maintindihan..

you have a very beautiful family..🙂

Pilars last blog post..HABANG…

8. kurokuro - Disyembre 30, 2008

sobra akong natuwa sa huling line pramis.

“At ang panganay sa magpipinsan na si Lenggai… patuloy din namang lumalaki… ang tiyan.”

gym na tayo! sa fitness first sa trinoma!

9. miss choi - Enero 8, 2009

panganay din ako at sa paniwala ko nga eh sa kin napunta lahat ng sablay hehehe. ang tawag ko sa sarili ko eh v.1.0. Yung mga kapatid ko yung mga upgraded at may software patch na v.2.0 at v.3.0 kaya mas maayos ang pagkakagawa.

miss chois last blog post..Chala! Head Chala!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: