jump to navigation

Bangkarote Disyembre 28, 2008

Posted by Lenggai in 'Tong Linggong 'To.
trackback

So, ang ending, wala na naman akong naitago sa bonus ko.

Tuluyan na kasing bumigay ‘yung K810i ko.

Mga 2 years na ring nasa akin ‘yun. Noong October eh bigla na lang nabungi ‘yung isang key sa keypad.

Knowing myself… malamang dahil na rin sa kaburaraan ko ‘yun. Aminado naman akong sa una lang talaga ako maingat sa telepono, kapag close na kami eh hindi na tumatalon ‘yung puso ko kapag napapalakas ‘yung bagsak nito sa mesa… kinatatamaran ko na rin ang pagsilid sa kanya sa case para hindi magasgasan.

Kaninang tanghali, habang nilalaro ng kapatid ko ‘yung bago naming aso (hindi na si Bella… pero sa susunod na entry na lang ‘yun)… naisipan niyang tawagan ‘yung vet nito sa cellphone ko.

Nagkamali siya ng hawak, ayun, bumagsak.

Simula nun, nagkandaleche-leche na ‘yung functions sa keypad.

Sayang, akala ko pa man din, mapapanindigan ko na ‘yung pa-“rich executive” arrive ko.

‘Yung tipong bulok ang telepono pero mayaman.

Kaso after 2 years… bulok na ang telepono ko… hindi pa rin ako masyadong mayaman.

‘Eto ‘yung unang telepono na talagang tumagal sa akin. Dati kasi, kapag may lumalabas na bagong unit, hindi na ako mapakali sa kakakalkal sa alkansya ko para mabili ko ‘yun.

Me “kaibigan” kasi ako noon na mahilig sa telepono at madalas akong maimpluwensyahan kapag sine-sales talk ako tungkol sa kung gaano ka-astig ‘yung bagong labas na unit sa market… minsan ginagawa ko na rin lang dahilan ‘yung telepono para lang me pag-bondingan kami na topic.

Pero simula nung napagdesisyunan na naming hindi maging close… nagsimula na rin akong makuntento sa kung ano ang meron ako.

Mapa-telepono… gadgets… basta nakakatawag, keri na. Basta malinaw ‘yung kanta, keri na rin.

Hanggang sa nangyari na nga ‘yung kanina.

Kung tutuusin, puwede ko pa namang ipagawa ‘yung telepono ko. Mas mura pa.

Papalitan lang ‘yun ng keypad para magmukhang bago ulit, pero gaya ng maraming bagay… at tao… at pagkakataon sa buhay ko ngayong 2008… gusto ko na siyang dispatsahin.

Babawasan ko na ang hassle sa 2009.

Hangga’t maaari, gagawa ako ng paraan para “linisin” ang mga nagpaparumi sa aura ko.

Di bale nang gumastos.

Di bale nang medyo mangapa.

At oo, puwedeng ginagawan ko lang ng poetic na justification ang pagbili ko ng bagong telepono…

…pero wala namang nagsabi na mura… o madali… ang anumang pagbabago.

Mga Puna»

1. Angel - Disyembre 28, 2008

nakupo buti pa ikaw tumatagal sayo ng 2 taon ang telepono, ako kasi pag nainis nababato ko sa kung saan man kaya hanggang anim na buwan lang kadalasan.

Sana pinambili mo na lang ng cellphone yung bonus mo hehe

2. Lenggai - Disyembre 28, 2008

naku, mayaman ka… naipambabato mo na lang kasi ‘yung cel mo! gustung-gusto kong gawin ‘yan kaso naaalala ko na lang ‘yung pinambayad ko, idadaldal ko na lang sa barkada ko, libre pa, hehe!

first time nga lang tumagal nang ganito ‘yung telepono ko, pero ngayon, ‘yung bonus ko na nga lang ang ipambibili ko… sayang lang talaga kasi akala ko me maiipon ako (finally) sa bangko.😦

3. Jim - Disyembre 29, 2008

I guess naapektuhan ka din ng world credit crunch… lilipas din yan, magtiis nga lang… have a better and prosperous new year!

Jims last blog post..Politicians, kings of the world???

4. kurokuro - Disyembre 30, 2008

ako rin nambabato ng cellphone. uni yung 6610, pangalawa iyung P910i. ayun pareho nang nawala.

kaya ang ginawa ko: murang cellphone na lang. at iyung pantawag lang talaga.

depende na lang kung bibigyan ulit ako ng postpaid line ko ng iphone.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: