jump to navigation

Why, Bella, why?! Disyembre 29, 2008

Posted by Lenggai in 'Tong Linggong 'To, Da Pet Lover.
trackback

Last Monday ang unang pagkakataong nagpakita ng aggression ang alaga kong si Bella… kinagat niya sa binti ang Lolo ko.

Two puncture wounds na ngayo’y kinaka-paranoid nila at madalas ay pinagmumulan ng pagtatalo sa bahay.

Hindi naman siguro sinasadya… hindi kasi iyon ‘yung kagat na pa-atake… nakikipaglaro lang.

Kumportable na kasi siya sa aming lahat kaya hindi na siya diyaheng “lumambing”… at saka bago pa man mangyari ‘yung “kagatan” incident, napansin na naming nagiging mas mapusok na ang mga galaw niya.

Rough player kumbaga.

Magtatatlong buwan pa lang si Bella pero lumalaki na siya. Nabubuhat ko pa naman pero lagpas na siguro sa twelve inches ang haba niya.

Gusto na sanang ibalik ng Lolo’t Lola ko sa Tito ko ‘yung aso nung Pasko, pero ang sabi sa San Lazaro Hospital, kailangang obserbahan daw muna siya hanggang two weeks.

Kapag hindi ito naulol o namatay on or before January 6, puwede na siyang idispatsa.

Mahal na mahal ko ang Lolo ko at mas matagal di hamak ang pinagsamahan namin kung ikukumpara sa tatlong linggong pamamalagi ng pit bull ko sa amin, pero nalulungkot pa rin ako.

Naawa ako sa kanya kasi dati, dito siya sa loob ng bahay natutulog.

Halos hindi kami magkandaugaga ng mga kapatid ko sa kakasalo ng jebs at ihi niya… kailangan dahil madalas ding pagmulan ng pikunan naming mag-iina ‘yun (giant kubeta na raw ang bahay namin sabi ni Mama).

Pero simula nung kinagat niya ang Lolo ko, sa labas na siya natutulog.

Hindi pa nakatulong na parang nagda-diarrhea siya. Siguro sa dami ng duming nadidilaan niya sa garahe.

Dati tinatali pa siya para hindi dambahin ‘yung pusa namin (si Chi-Chi, ang napakalambing na pusakal na ipinanganak at lumaki sa garden namin at naging pet namin, bago dumating si Bella…)… pero lagi siyang umiiyak. Parang batang inabandona ng mga magulang sa labas ng simbahan.

Nakakaawa.

Hindi nagtagal, pinakawalan na lang siya para mas “matanggap” niya ang kapalaran niya sa labas ng bahay.

Mahirap talaga nung una kasi hindi nga siya sanay na walang kasama… madalas siyang kumakaluskos at umiiyak sa pintuan.

Ngayon, awa ng diyos, tahimik na siya… nasanay? More likely, napagod.

Hindi na rin siya natutulog sa “kama” niya.

Dun na siya madalas sa tabi mismo ng pinto sa labas.

Pakiramdam namin, mas trip niya run kasi at least, naririnig niya kami sa loob.

Nung bago mag-pasko, kinunan namin siya ng litrato ng kapatid ko.

Ito na siguro ‘yung isa sa mga huling pagkakataon na mabubuhat ko siya.

Hindi siya hyper nung mga panahong ito… kalmado lang siya. Parang malungkot pa nga. Siguro nararamdaman niya na takot na sa kanya ‘yung mga tao… na hindi na siya gusto ng majority sa mga tao sa bahay.

Hindi ito sinasadya… talagang nakatulog siya na nakanganga.

Parang engot lang no?

Aaminin ko, kinakabahan din naman ako kapag nandadamba siya.

Hindi ko na rin siya malaro nang walang pantalon kasi pakiramdam ko, anytime eh puwede niya rin akong kagatin… at putris, dahil maliit pa lang siya, sa binti pa ang kaya niyang puntiryahin.

BINTI, ‘te!

Maskipaps eh ass(h)et ‘yan.

Pero hindi ko na alam kung ano pa ang puwedeng gawin sa kanya.

Ibinebenta ko na nga sa mga ka-opisina ko… P3,500 na lang… babawiin ko lang ‘yung sa vaccines at iba’t ibang cheche-bureche kong binili… pero higit sa lahat, gusto ko siyang mapunta sa household na alam kong maaalagaan siya nang mas maayos.

Gusto ko pa rin siyang alagaan… kawawa eh.

Pero ang hirap na niyang panindigan kapag tatatlo na lang kami ni Analyn at ng kasambahay namin ang nakikipag-bonding kay Bella.

Paano pa kapag nasa shoot ako?

Isa pa, alam kong deep inside, nagtatampo rin ang Lolo ko dahil parang mas importante pa ang kapakanan ng aso sa kanya.

Tapos nun pang Christmas family photo namin… ipe-pet sana siya ng pinsan ko… kaso nung hahawakan na siya, hindi niya nga kinagat… sinukahan naman niya.

Nasobrahan ‘ata ng alog sa akin.

Pero dati ko pa siya binubuhat, ‘di naman siya ganun… ewan ko kung bakit bigla siyang nagsuka.

Bella, talaga, oo!

Pa’no ka magiging lovable niyan?

Mga Puna»

1. Angel - Disyembre 29, 2008

awww kawawa naman si bella.. Sana sa susunod nyang amo, maalagaan din sya ng maayos.

2. Jim - Disyembre 29, 2008

stressed lang yan, wag kasi masyado mapusok! ang paglalaro. I’m sure it was an accident and mabuti nasabihan mo agad pero medyo cruel!🙂 joke lang, seriously ayos lang yun. basahin mo yung mga books ng dog behaviourist, I’m sure you’ll find good tips in raising bella! para bongga!😀

3. taps - Disyembre 29, 2008

nilalaro naman pala eh…

kung biglang nangagat ang aso ng walang dahilan, may reason para matakot.

Pero kung dahil sa paglalaro, eh okay lang yun… aksidente lang yan.

Isa rin sa kinakapraning ng mga tao ngayon eh dahil ang breed ng aso mo eh PITBULL. Sira na ang pangalan na yan sa buong mundo, pero para sa mga nakakaintindi, isa sa pinakamalambing na aso eh ang pitbull. Maasahan mo pa kung kinakailangan mong ipagtanggol ang buhay mo.

ahat ng aso para sa akin pantay-pantay. Nagkakaiba lang sa handling…

Ang hindi alam ng nakakarami, mas aggressive ang CHIHUAHUA kesa sa PITBULL. Nagkataon lang na maliit si Chihuahua at Medium sized dog si pitbull.

Hindi kasi lahat ng aso, pare-pareho ang handling… pero syempre kapag tuta pa lang, kahit rottweiler pa yan o kahit anak ng asong ulol eh cute.. ang sarap hamagin… hehehe

Oh well, sana wag mo na ipamigay si Bella, nakaka-stress sa aso yung papalit-palit ng amo… Sana magkaroon pa ulit ng chance si Bella sa bahay ninyo.

4. Jon Cabron - Disyembre 30, 2008

bilhin ko ng 200? mahilig ako sa aso lalo na ‘yung ganyan na tuta pa lang… manamis namis pa ‘yan tsaka malambot pa ‘yung karne.

Jon Cabrons last blog post..wag ka na!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: