jump to navigation

Yearender Disyembre 31, 2008

Posted by Lenggai in Featuring: Ako!.
trackback

1. Itatapon ko na ‘yung mga lumang sulat, movie tickets, resibo sa Jollibee at mga notebook na pinagkopyahan ko ng matatamis na text messages niya noong 2000-kopong-kopong… para que pa, ‘di ba? Wala nang bearing. Wala nang sense. Isang malaking waste of space.

2. Lolokohin ko lang ang sarili ko kapag nangako ako na magda-diet sa 2009. Alam kong hindi ko magagawa. Kakain na lang ako ng mas maraming gulay at prutas, tapos iinom ng litro-litrong tubig… kung ‘di pa ba naman ako nabusog nun.

3. Magbo-boxing na ulit ako. Ang daming guwapo na nagbo-boxing dun sa gym malapit sa amin.

4. Magde-deposito na ulit ako ng dalawang libo kada kinsenas sa bangko… mainam na ‘yun habang wala pa akong boypren.

5. Hindi na ako magiging super-friends sa mga iniinterbyu ko sa shoot namin. Sayang daw sa oras sabi ng mga crew ko. Nakakangawit din sa panga, sa totoo lang.

6. Speaking of number 5, mas dadalasan ko na rin ang pagbebestida. Ewan kung makakatulong ba ‘yun para maging mas mahinhin at pa-girl ako, pero pakiramdam ko lang, mas tahimik ako ‘pag naka-dress.

7. Titigilan ko na ang pagbili ng mga T-shirt na masikip. Daig ko pa naka-girdle.

8. Makakasama ko sa picture si John Lloyd at Ely Buendia ngayong 2009. Nafee-feel ko lang.

9. Hindi na ako iinom… ng softdrinks. Nakakataba.

10. Magku-quality control na ako sa mga taong pinakikisamahan ko ngayong 2009. Susubukan kong hindi pulutin ang mga anik-anik na itinapon ko na ngayong 2008.

Hindi masyadong maganda ang kinahinatnan ng 2008 pagdating sa mga taong hinangaan, pinakisamahan at pinagkatiwalaan ko. Sayang. Pero mabuti na rin siguro na nangyari ang mga nangyari dahil baka talagang hindi kami para sa isa’t isa.

Salamat Papa Jesus sa lahat ng award… mga bagong nakilala… nakadaupang-palad… naka-EB… nakalandian… nakaaway… nakasagutan… nakasama… nakarir, atbp.

Sana simula bukas, pakialalayan na rin po ako para mas mapaganda ko pa ang kapalaran ko.

Salamat din sa lahat ng mga nagtitiyagang mag-iwan ng bakas sa dotcom ko… isa kayo sa mga nami-miss ko kapag pumapalpak ang server ng lintek kong host.

Excited na ako sa 2009!

Mga Puna»

1. Jim - Disyembre 31, 2008

Happy New Year, mukha makulay at masalimuot ang nakaraang taon mo, sigurado mas maayos ang susunod–POSITIVE THINKING, tita! sa reklamo mo sa host mo, puwede mo ba i-drop ang name para markado na ng iba???🙂 (ayos lang kung hindi, ‘di ko pa seriously pinag-iisipan na kumuha ng hosted site, hinihintay ko wordpress mag-host sa kin–eheheh well, that might take forever). enough.

Happy New Year ulit!😀

Jims last blog post..Politicians, kings of the world???

2. jen - Disyembre 31, 2008

have a blastful 2009!
1st and last c0mment ko sa blog mo Ms. Lenggai …for 2008!🙂
Shyness eh pero C0nstant follower mo ako.
Abundance of blessings to you and your family!
Cheers!

3. Pilar - Disyembre 31, 2008

ate pwede mo ba kong isama sa piktyur mo with John Lloyd??? *hagikgik*

dalasan mo ang dress.. nakakabago ng confidence.. 2008 ako nagstart magdress, kaya eto, landirot.. haha.😀

happy new year po!🙂

Pilars last blog post..NYU YIR

4. The Gasoline Dude - Disyembre 31, 2008

Lenggai! Tara sabay-sabay tayong mag-diet. Madami atang bloggers ang magda-diet ngayong 2009 eh. *LOLz* Kailangang paghandaan ang Summer 2009. Hehehe. = D

Happy New Year sa ‘yo! Woot woot! = D

The Gasoline Dudes last blog post..Perfectly Fine in 2009!

5. kurokuro - Enero 1, 2009

i like this:

“Magku-quality control na ako sa mga taong pinakikisamahan ko ngayong 2009.”

ako rin nagtapon ng gamit! tulungan mo ko sa paglilipat ko. mag-a-apartment na ko by january!

6. M - Enero 2, 2009

Oh happy new year po sa inyo miss Lenggai. Ako naman hindi na kakain ng masyadong marami, nakakamatay kasi para saken. Lalo na ang taba at mga pulutan. At uugaliin ko na ding magtabi ng kwarta habang single pa ako.

Sana pumayat na tayong lahat!!!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: